Chapter 70 - Memory

1.1K 45 20
                                    


Dumating ang Friday. Sobrang excited na ang buong barkada para sa kanilang pagbalik sa Boracay except for one person, si Jelly.


Friday pa lang ng umaga ay di na sya mapakali. She felt so uneasy. She felt like she just wants to stay at home to just rest on her bed the whole day especially the next day na parang ayaw na nyang dumating. May meeting nga sana sya with a producer ng araw na iyon pero pina-cancel muna nya dahil nga masama ang pakiramdam nya. May sakit nga ba sya? Or is it just in the mind? Maybe.... Isip kasi sya ng isip kung tama ba na sumama sya sa Boracay o hindi. Pero wala na syang magagawa kase nag-confirm na sya sa mga kaibigan nya kaya't wala nang urungan. Sabi nga nila... "rain or shine" walang pwedeng mag-cancel.


Kinabukasan ay maaga syang ginising ng Kuya nya dahil 8 am ang domestic flight nila. As usual, magmi-meet ulit ang buong barkada sa airport, just like they did last year. Yung idea pa lang na yun ay ayaw na talaga ni Jelly dahil for sure, every details, mula pa lang sa byahe nila last year hanggang sa makarating sila sa Boracay, lahat ng ginawa nila, ay maaalala nya.... as in lahat...


Nauna ang magkapatid sa airport at si Paula na dinaanan nila kanina sa bahay nito. Sumunod na dumating si Jasper at Alex, then si Nina at Roy. Nahuling dumating sina Kitchy at Jed na. Nang makarating lahat ay parang gustong mag-imagine ni Jelly na darating si Vince at sasama sa kanila.


Sya na din ang sumaway sa nasa isip nya... "Hey Jelly... mag-imagine ba naman ng napaka-imposibleng bagay... haist!" And she shook her head.


Maya-maya ay nag-board na ang magkakaibigan.... At gaya ng inaasahan ni Jelly, as in, kahit iwasan talaga nya ang mag-isip ay sumasaksak at sumasaksak sa isip nya ang bawat detalye ng mga nangyari last year. Mula pa lang sa time na nakasakay sila sa eroplano.


Nang makarating sila sa resort ay parang nade-deja vu si Jelly. Yung bang feeling na, "nangyari na to ah", yun nga lang there is "something", ah mali, "someone" missing pala.


Nakarating sila sa cabin na parang wala sa sarili si Jelly. Tinatanong na pala sya ng mga kaibigan kung anong gusto nyang i-order for snack aside from the buko juice and cinnamon buns na dinala sa kanila ng resort crews.


"Do you want anything else Jelly?" Tanong ni Jasper.


"Huh?" Are you saying something, Jasper?" Wala sa sariling sagot ni Jelly.


"Sandali, may kasama ba tayong Jelly Joy Joaquin dito? Kase para yatang naiwan natin sa airport eh..." Biro ng Kuya Jeremy nya. "Magmula sa airport, hanggang dito eh parang hindi natin kasama?"


Nagtawanan ang magkakaibigan.


"Pagpasensyahan mo na Kuya Jeremy, mamaya I'm sure mapapagsalita at mapapatawa din natin yan..." Kinindatan ni Nina si Jelly.


"Oo, magsasalita na yan mamaya kase ang magki-KJ may fine, haha!" Nagbibiro ding sabi ni Jed.


"Ay naku Jed, no way! Di ako magbabayad! Hmmmppp!" At inirapan ni Jelly si Jed.


Nagtawanan ang lahat.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon