Chapter 48 - With A Smile

2.2K 274 13
                                    


Pagkatapos mag-usap ni Jelly at Vince ay nagyaya si Jelly na bumalik sila sa music room. Naisip nya na tutal ay alam na din naman ni Vince ang sikreto nya ay nag-decide sya na ipakita dito kung paano sya nagrerecord ng video. Yun ang reason kung bakit na-trace ng team ni JM ang IP kung saan sya nag-record ng huli nyang video nang kinanta nya yung song na Just Give Me A Reason. Computer at video camera sa music room ang ginamit nya. Open kase ang music room anytime para sa mga member ng CMS. 

Pagdating nila sa music room.

"Haha! Kasalanan mo naman pala kung bakit na-trace ni JM ang IP mo eh.. Kung sana sa music room nyo na lang sa house ka nag-record e di malamang di nya na-trace." Napatawa si Vince nang sinabi ni Jelly sa kanya ang details ng pagrerecord nya.

"Actually, I was always recording at home. It was just that time that I tried to record here kase nga nag-malfunction yung video recorder ko... I don't know, bakit nga ba ni-record ko pa yun... Well, di ko naman alam na mangyayari to di ba? Out of all my recorded videos e yun pang dito ko ni-record yung nag-viral, sheesh!" Iiling-iling na sabi ni Jelly. "Anyway, you wanna try recording? Don't worry, di ko ia-upload sa Youtube, haha!"

"You better make sure.. kase kung hindi..." Binitin ni Vince ang sasabihin.

"Kung hindi, what?" Nakakunot ang noo ni Jelly.

"Kung hindi, lagot ka sa akin... Kikilitiin kita ng ganito!" At hinawakan si Jelly sa bewang para kilitiin sa may tagiliran.

"You're so mean talaga! Alam na alam mo ang ayaw ko!" At tumakbo sya palayo kay JM at hinabol naman sya nito trying to tickle her. "Ay, ayoko na talaga... magagalit na ako!..." Nakasimangot na nakatawa na hindi mo maintindihan ang mukha ni Jelly.

Tumigil naman si Vince dahil ayaw nyang magalit ito.

"Good, mabuti pa mag-record na tayo..." Nakataas ang kilay ni Jelly.

"Yes, boss.." Kumindat na sabi ni Vince.

Maya-maya ay inihanda ni Jelly ang iPhone nya para yun na lang ang gamitin sa pagrerecord ng video. Pagkatapos ay kinuha ni Vince ang gitara at umupo naman si Jelly sa harap ng keyboards. Pareho silang marunong tumugtog ng halos lahat ng instrumento pero mas hilig nila pareho ang gitara. 

Kahit may amnesia si Vince ay may intuition pa din sya sa mga acquired knowledge and talents nya. Gaya ng obserbasyon ni Jelly, nakalimot lang si Vince sa mga pangalan ng tao at lugar at mga pangyayari sa buhay nya pero ang mga inner knowldege nya ay hindi nawala. Gaya ngayon na may hawak syang gitara, tumutugtog sya ng mga tamang melodies.

"I think I want to play the song "With A Smile.. At iniabot ni Jelly kay Vince ang music book. It's like this, sundan mo ang chords ha. It's in Key of G..." At nagsimulang mag-intro si Jelly sa keyboards. Maya-maya ay sinundan na ni Vince ang pagtugtog ni Jelly. Nag-duet ang magkaibigan. Habang tumutugtog at kumakanta ay di maiwasang magtama ang mga mata nila. Kung may nanonood lang sa kanila ay malamang ay mapapnsin ang nangungusap nilang mga mata sa isa't isa at ang love na naka-attach sa bawat lyrics at melody ng kantang iyon.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon