Chapter 52 - Who's Coming Back?

1.8K 60 11
                                    


"Jelly... Ipagtabuyan mo man ako kase baka isipin mo na, ano ba namang klaseng bestfriend ako? But I wanna say... Jelly, I love you so much... Mahal na mahal kita... Ayokong maging bestfriend lang tayo... I want more than that... I want you to be my girl..." Dire-diretsong sabi ni Vince dahilan para pumatak na ang luha mula sa mga mata ni Jelly.

Dahil sa narinig ay mabilis na napayakap si Jelly kay Vince. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap ay nagtagpo ang kanilang mga mata at maya-maya ay unti-unting kumilos ang kanilang mga mukha to seal that moment with a kiss... 

Nagulat na lamang sila nang may magpalakpakan sa paligid nila... Nang ilibot nila ang mga mata ay nasa paligid na pala nilang dalawa ang mga nagpaparty sa loob kanina. May humiyaw ng yahooo, may tumili, may nagsabi ng "uyyyyyyyy!", may kinikilig, habang lahat sila ay nagpapalakpakan.

Nakaramdam ng hiya si Jelly kaya't napasubsob sya sa dibdib ni Vince habang si Vince naman ay napatawa na din dahil sa reaksyon ng mga kaharap.

"Akala namin big announcement na yun sa loob kanina. Yun pala may mas huge pang event dito sa labas!" Masayang comment ni Mommy Jill.

"Hoy, Jelly Joy Joaquin, you have a lot of explaining to do..." Nakakunot ang noo pero halatang nagbibiro lamang na sabi ni Daddy Jim.

"Weeeeeee! We're waiting for this for so long..." Paula exclaimed.

"Finally!!!" Tuwang-tuwang sabi ni Jeremy.

Habang ang iba ay nagsisigawan at nagpapalakpakan pa din. 

Sa wakas ay nagtunghay na din ng mukha si Jelly.

"Ano kasing ginagawa nyo dito?" Nakalabi na reklamo ni Jelly.

"Eh, ito kasing mommy mo hinila ako.. and eto namang mga ito nagsisunudan..." Natatawa pa ding paliwanag ni Daddy Jim.

At nagsimula nang magturuan ang lahat.

"Hehe! Sorry po, na-curious lang naman ako kung saan kayo pupuntang dalawa so I decided to follow.." Nag-wink na sabi ni Mommy Jill.

"We are happy for you!" Sabay-sabay na sigaw ni Jasper, Jed, Kitchy, Nina, Roy, Paula at Jeremy.

At maya-maya ay nagseryoso na ng konti si Daddy Jim. "Honestly, I'm so happy kase ikaw pala Vince ang itinitibok ng puso ng unica hija ko." At lumapit sya kay Vince at inakbayan. "Alam mo namang anak na din ang turing ko sa'yo, BUT, it doesn't mean na pwede mo nang saktan ang baby kong yan, ha!" Tumaas-baba pa ang kilay ni Daddy Jim.

"Oo naman po, Tito. Makakaasa po kayo na hinding-hindi ko sya sasaktan... Promise." Vince sincerely answered.

"Don't promise.. Do it!" Madiin pero nakangiting sabi ni Daddy Jim.

"Wait Dad, bakit mo sya binibilinan, kami na ba? Di pa naman ako sumasagot kanina ah..." Singit ni Jelly na nakakunot ang noo.

"Hoy Jelly Joy Joaquin... Hindi pa ba sumagot yun e ikaw nga ang nangyakap at nanghalik dito kay Vince kanina?" Sita ni Daddy Jim kay Jelly.

"Daddy talaga!" Sabay dabog at takip ng mga kamay sa mukha dahil sa pagkapahiya.

Lalong nagtawanan ang lahat dahil sa usapan ng mag-ama.

"Hahaha! O sya parito ka na hug ko na ang baby ko.. Sorry na kung ipinapahiya kita... haha!" Sabay yakap sa anak na nakasubsob pa din ang mukha sa mga palad. "Bati na tayo?"

"Eh ikaw kasi Dad eh... Binibiro mo pa ko, napahiya na nga ako sa inyo lahat..." Inihilig na ang ulo sa balikat ng daddy nya. "Pero thanks for understanding, thanks sa inyo ni Mommy..." At sinenyasan ang mommy nya na lumapit para i-hug din sya. Lumapit si Mommy Jill at niyakap sya ni Jelly.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon