Kinabukasan ay nakarinig ng tawag si Vince mula sa P.A. ni JM na si Vannie. Inirerequest ni JM na puntahan sya ni Vince sa ospital. May hesitation man sa pagpunta pero nag-decide sya na pagbibigyan nya ito dahil gusto din naman nyang kumustahin ang kalagayan ni JM.
Nang kumatok sya sa pinto ng room ni JM ay pinagbuksan sya kaagad ni Vannie. Nang makaupo sya sa chair sa tabi ni JM ay iniwan muna ni Vannie ang dalawa para makapag-usap sila ng maayos.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Mahina ang boses pero nakangiting tanong ni Vince.
"Mabuti-buti naman compare yesterday. Naka-dalawang turok yata ako ng pampatulog yesterday dahil sa pain na nararamdaman ko... But I'm good, thanks for asking..." Nakangiti ding sagot ni JM. "Ikaw, kumusta? I bet, di mo pa din ipinapaalam kay Jelly na dumating ka na... Aaawayin ka nun sige ka, pag di mo pa ipinaalam na dumating ka na.." Nagbibirong sabi ni JM.
Umiling si Vince. "Hindi pa nga... Kaya nga di ko pa pinapaalam eh kase malamang talagang aawayin ako nun ng grabe dahil malaki atraso ko dun..." Natatawang sabi ni Vince.
"Hahaha! Malaki talaga, kaya maghanda ka na ng panggamot sa mga pasa mo pag kinurot-kurot ka nun ng pinung-pino..." Nagbibiro na namang sabi ni JM na alam mong nagpipilit lang maglakas-lakasan.
Maya-maya ay biglang natahimik silang dalawa. Parehong naghahanap ng isusunod na sasabihin sa conversation nila.
"Naalala ko lang bigla yung usapan namin ni Jelly yesterday..." Nagsalita muli si JM.
Biglang kinabahan si Vince. Babanggitin kaya sa kanya ni JM ang naging usapan niya at ni Jelly kahapon? Sasabihin kaya ni JM kung anong naging sagot ni Jelly sa tanong nya yesterday kung pwedeng maging girlfriend nya ito? Hindi sya mapakali ng oras na iyon.
"Kahapon tinanong ko si Jelly... kung pwede bang maging girlfriend ko sya... haha!" Pilit na tawa ni JM. Tumatawa sya pero makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero sobrang nagulat yata sya kaya hindi sya nakapagsalita... Then sabi ko sa kanya... nagbibiro lang ako, hehe, mukhang saka pa lang sya nakahinga ng malalim..." Napailing si JM.
Bigla ding nakahinga ng maluwag si Vince sa sinabi ni JM.
"Napaka-palad mo pare! Mahal na mahal ka ni Jelly hanggang ngayon. Nawala ka man ng matagal. Kahit konti, hindi nabawasan ang pagmamahal nya sa'yo..."
"Do you still remember noong ipinagbilin mo si Jelly sa akin? Yung day bago ka isugod sa ospital at ipadala sa Amerika para operahan?" Tanong ni JM.
"Tumango si Vince."
Nag-flash back sa isip nya nang tawagan nya si JM para makipagkita sa kanya. Nagkita silang dalawa sa isang restaurant.
"I don't know if this is the right thing to do... Na pagbilinan ang taong alam mong karibal mo... Yes, I know that you love Jelly too..." Vince started.
Napatungo si JM.
"Pupunta ako sa Amerika para doon magpa-opera. Alam ko masasaktan ko ng sobra si Jelly pero wala akong planong ipaalam sa kanya kung saan ako pupunta at kung anong dahilan ng paglayo ko. Gusto ko kase na ipagpatuloy nya ang pangarap nya dito sa Pilipinas. Gusto ko na wag masira ang career nya dahil sa akin. Pag sinabi ko kung saan ako pupunta, alam ko na iiwanan nya lahat ng nasimulan nya dito sa Pilipinas para samahan ako. Ayokong mangyari iyon..." Paliwanag ni Vince.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...