(ALEX'S POINT OF VIEW)
"Kaya ko pa ba ang nakikita ko?" Kinakapa ko ang damdaming namumuo sa dibdib ko. "Masakit pero alam ko naman ang totoo noon pa man. Pero eto pa din ako, nagbabakasakali na mahalin din nya..." Eto ang paulit-ulit kong gustong sabihin sa sarili ko nang mga oras na iyon. Sa sakit na naramdaman ko ay di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari kanina.
"Okay eto na ang nabunot ko! Ayaw nyo nung mabilis na question na yun ha kaya eto ang sa inyo... "Dare! You should kiss the one you love... ops! may kadugtong... on the lips.." Ate Paula grinned.
"Oy jino-joke mo lang kami Ate Paula.. Patingin nga???" At kinuha ni Jelly ang papel. "Uh oh..." She said.
Kinuha ni Vince ang papel at binasa, napakamot sa ulo.
"O sige na nga..." Sabi ni Vince na maya-maya ay tumayo.
"O Jelly, tumayo ka na din at puntahan mo na ang mahal mo.." Kumindat na sabi ni Kuya Jeremy.
"Yoko ngang mang-kiss..." Umiirap na sabi ni Jelly.
"Sige na please... sports lang, kiss mo na si Jed! Ikaw naman Vince, i-kiss mo na si Alex." Teased Roy.
Mukhang napilitan na ding tumayo si Jelly habang bumubuntong hininga ng malalim.
Alam ko nang mga oras na iyon na lalapit si Vince sa babaeng totoo nyang minamahal... HIndi ako yon, alam ko... Pero hindi ko kayang i-give up na lang kaba-kabasta ang nararamdaman ko... Gusto ko syang ipaglaban...
Pero anong dapat kong gawin ng mga oras na iyon? Nabuo sa isip ko na dapat gumawa ako ng paraan...
"Arayyyyyyy!" Pleaseee help! My tummy's hurting so much!" I cried.
Bigla silang naglapitan sa akin para alamin ang nangyayari. Hawak hawak ko habang namimilipit ang aking tiyan. Dali-dali akong binuhat ni Vince para dalhin sa loob ng cabin.
Nang nasa loob na kami ng cabin ay nagsalita si Kuya Jeremy. "Don't worry Alex, tatawag kami ng tulong, okay!" Kuya Jeremy said worriedly.
"Wag na, I'll just have to take some tummy meds I think. Sobrang dami nating nakain na kung anu-ano today. Probably gawa lang nun." Sagot ko na sapu-sapo pa din ang tiyan.
"Are you sure?" Worried na tanong ni Vince.
"Yes I'm sure" I replied.
Maya-maya ay dumating na nga si Nina na napakabilis na nakapunta sa kusina para kumuha ng gamot. May dala na din itong glass of water.
"You should have this now." Nina told me.
At pinainom na nga ako ng gamot ni Vince.
"I think kailangan na nga nating magpahinga lahat. Lalabas lang kaming tatlo muna nila Jed at Roy para maayos namin sa labas at mapatay na rin ang apoy ng bonfire." Kuya Jeremy declared.
Tumabi si Jelly para tulungan akong himasin ang tummy ko. Nagi-guilty talaga ako nang oras na iyon dahil pagkukunwari ko.
After 10 minutes.."I'm okay now. Salamat talaga guys ha. Na-bloat nga lang siguro ako kaya sobrang sakit. Pero I think I'm fine now. Thanks..
"So pano, labas na muna ako ha, magpagaling kang mabuti Alex.. Girls labas na ako.." Paalam ni Vince.
"Thanks Vince.." Sabi ni Ate Paula at Nina.
Maya-maya ay pumasok ulit sa kwarto si Kuya Jeremy, Roy at Jed para lang mag-good night.
Medyo natagalan pa din nang magdecide kaming mga girls na matulog. Nakaramdam din ako nang antok kaya't napaidlip ako pero maya-maya ay narinig ko na may lumabas ng kwarto. Tumingin ako sa orasan at nakita ko na 1 am na pala. Nag-decide ako na lumabas din para sundan si Jelly at makipagkwentuhan kung di sya makatulog.
Sinundan ko sya hanggang sa makita ko na papunta sya ng beach. Tinatamad sana akong sundan pa sya pero sige na nga sasamahan ko na lang sya. Nakita kong naupo sya sa buhanginan. Lalapit na sana ako sa kanya nang makita kong papalapit sa kanya si Vince. Nag-decide akong magtago na lang sa likod ng isang motor boat para di nila ako mapansin.
Nakita kong umupo si Vince sa tabi ni Jelly, nag-start silang mag-usap ngunit maya-maya ay napansin kong umiiyak si Jelly. Ten meters ang layo nila sa kin kaya't di ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pero nakikita ko na nagpapahid ng mata si Jelly, ibig sabihin lang na umiiyak sya. Maya-maya ay may kumurot sa puso ko nang makita kong niyakap sya ni Vince. Mabili akong nag-isip ng excuse para hindi ako masaktan ng tuluyan. Mag-bestfriend sila so natural lang na patatahanin ni Vince si Jelly kapag umiiyak ito. Ngunit di ko talaga mapigilang di masaktan nang oras na iyon dahil alam ko ang totoo... Mahal talaga ni Vince si Jelly noon pa man. Gusto man nyang ibaling sa akin ang nararamdaman nya pero alam ko nahihirapan sya... Hindi man nya direktang sabihin yun sa akin pero alam ko... Pero umasa pa din ako na mababaling ang pagmamahal nya sa akin dahil alam ko na hindi sya pwedeng mahalin ni Jelly dahil sa mga preferences nito. Kaya nga umasa pa din ako na hindi sila pwedeng magkatuluyang dalawa. "Bakit kase Vince di na lang ako ang mahalin mo, ako na lang please..." Bulong ko sa sarili ko.
Ilang sandali lang ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong hinalikan ni Vince si Jelly. Hindi ko napigilang tumulo ang luha. It is so painful to see na niyakap at hinalikan ng lalaking mahal mo ang babaeng mahal nya.
Aalis na sana ako dahil di ko na kaya ang nasaksihan ko ngunit nagbago ang pakiramdam ko nang makita kong itinulak ni Jelly si Vince at bigla syang tumakbo papalayo dito. "Di pa ako talo." Bulong ko. "Alam ko, may pag-asa pa na mamahalin mo din ako Vince gaya ng pagmamahal mo kay Jelly. Hindi pa huli ang lahat... Ipaglalaban kita..."
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomantikFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...