Nasa ospital din pala na yun ini-transfer si Alex at si Vince magmula sa St. James Hospital sa Boracay. Kaya't naging mabilis lang sa magkakaibigan ang pag-ikot sa pagbisita sa tatlong naka-confine na si Jelly, Vince at Alex.
Nang nagkamalay na si Jelly ay inihanda na ng magkakaibigan ang sarili nila na pagbigyan ito sa pakiusap na makita si Vince.
Inalalayan nila si Jelly na makaupo sa wheelchair para mabilis nila itong madala sa kwarto ni Vince. Nailipat na ito sa isang private room after being in the ICU for few days. Nakakabit pa din sa kanya ang mga main aparratus na nakakabit sa kanya mula sa ICU. Nang makarating sila sa pinto ng kwarto ay binuksan ni Jeremy ang pinto at nakita kaagad nila ang mommy ni Vince na nakaupo sa tabi ng kama nito. Nang makita sila ay bigla itong tumayo at sinalubong ng yakap si Jelly.
"Jelly, buti na lang iha at okay ka na. Nabawasan ang lungkot ko kahit papaano." Sabi nito na lumuhod at hinalikan ang kanyang kamay.
"Tita Mabel sorry po. Sorry po talaga... Kung di dahil sa akin ay di nangyari ito kay Vince..." Humihikbi sa pag-iyak na sabi ni Jelly.
"Shhh..." Pinahid nito ang luha ni Jelly. "No Jell... Don't ever blame yourself... No one liked it.. Walang may gusto na maaksidente si Vince o si Alex, o sino man. Nagkataon lang yon na doon nangyari. Niloob ito ng Lord kase alam nya na kaya natin.. " Inilibot nito ang mata sa magkakaibigan na umiiyak din ng oras na iyon. "Kaya natin okay? Let's show Vince na okay tayo para mas magkaroon sya ng strength na lumaban. Vince is a nice boy. Alam ko hindi sya pababayaan ng Diyos. Hmmm.. Kaya wag ka na umiyak, okay Jell? " Hinawakan nito sa baba si Jelly at tiningnan sa dalawang mata para hingin ang pag-sang-ayon dito.
Tumango si Jelly. "Thank you so much, Tita.." At niyakap ni Jelly ang kanyang Tita Mabel.
Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap ay nakiusap si Jelly. "Tita Mabel... "Pwede po bang kausapin ko si Vince?... Pwede po bang kausapin ko sya na kami lang dalawa?" Pakiusap ni Jelly.
"Oo naman, bakit hindi... Come here, dadalhin kita sa tabi nya." At itinulak nito ang kanyang wheelchair papunta sa tabi ng bed ni Vince.
"Vince... Eto na si Jelly.. You're waiting for her to get well di ba? Eto na sya..." At pinisil nya sa balikat si Jelly bago sya lumabas ng kwarto kasama ang magkakaibigan.
Nang makalabas na ang kasama ay di na lalo napigilan ni Jelly ang mapahagulhol sa pag-iyak.
Hinawakan nya ang kamay ni Vince at hinalikan ito. "Ang daya-daya mo naman... Akala ko ba ikaw ang nurse ko.. Bakit nakahiga ka pa dyan hanggang ngayon? Bakit ayaw mo pang gumising? Gusto mo ba kurutin kita para magising ka na?" Napahikbi si Jelly. "Look... I am well now. Di ba gusto mo gumaling na ako? Eto na ako oh.. Wake up ka na, please... Di ba, ia-announce pa natin sa kanila na tayo nang dalawa? Paano ko sasabihin sa kanila na mag-boyfriend na tayo kung natutulog ka dyan?" Tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak si Jelly. "Hindi ko sasabihin sa kanila nang ako lang, gusto ko tayong dalawa.. Kaya nga gumising ka na, please... Please wake up na, Vince... Please... " Isinubsob nya ang mukha nya sa kamay nito at umiyak sya nang umiyak. "A few weeks from now icecelebrate na natin 1st monthsary natin, then after that 2nd monthsary... then 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th, 10th, 11th.. then we'll go back there... sa 1st anniversary natin, you will make me the happiest girl again... because we'll go back to Boracay.. tayo lang dalawa... We will watch the sunset together... We will sing together as I'm laying my head on your shoulder... "
Naalala ni Jelly nung nasa tabi sila ng dagat na ipinangako nila hindi kahit kailan nila kakalimutan ang isa't isa...
"Hayyy... hindi ba nananaginip lang ako Jelly? Totoo ba talaga to? Girlfriend na ba talaga kita?" Hindi pa din makapaniwala na tanong ni Vince kay Jelly.
"Gusto mong bang malaman kung totoo ito... O sige eto..." Sabay kinurot nya si Vince sa pisngi nang pagkasakit-sakit.
"Ouch! Enough na! Naniniwala na ako na hindi dream ito... Ang hilig mo talaga sa kurot.. Puro pasa na yata ako dahil sa kakukurot mo..." Tatawa-tawang sabi ni Vince.
"May reklamo ka?" Sabi ni Jelly sabay irap.
"Wala po, boss... wala po..." At hinalikan ni Vince ang kamay nya.
"Okay sige, basta promise me every anniversary natin dapat nandito tayo... every April 18 ay dapat nandito tayong dalawa to celebrate it." Sabi nya habang inihilig ulit ang ulo nya sa balikat ni Vince.
"I promise... yung cabin lagi kong ipapareserve before ang anniversary natin. Gusto ko din lahat ng memories natin ay ma-preserve natin, para kahit tumanda tayo at magka-dementia or alzheimers e hindi pa din natin malilimutan ang isa't isa.. hehe!"
"Promise yan ha... walang makakalimot kahit tumanda na ha... pinky promise?" At pinag-embrace nila ang kanilang mga hinliliit.
"Promise..." Sabi ni Vince at pagkatapos ay hinalikan nya si Jelly nang dahan-dahan.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay sabay nilang naalala ang kantang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" kaya't di nila napigilan na hindi mapakanta.
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, nasaan man
Ito ang pangarap ko...
Kuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko...
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan natin...
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko...
La la la
La la la
La la la la la la
La la la
La la la
La la la la la la
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang...
Kahit maputi na ang buhok ko...As she's remembering those sweet moments, she's running out of breath as she's crying, but she doesn't want to stop. "Vince, please wake up... I love you so much... I'm waiting for you... Please wake up..." Nahihirapan sya sa paghinga dahil sa pag-iyak pero hindi naman nya mapigilan ang kanyang emosyon lalo na't nasa harap nya ngayon sa ganong kalagayan ang kanyang pinakamamahal.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...