Sumakay si Jelly at Josh sa kotse ng walang imikan. Nobody wants to try to speak a word. Siguro dahil nahihiya pa si Josh dahil alam nyang nasaktan nya ang dalaga. Si Jelly naman, she doesn't want to speak anything dahil ayaw nyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya sa oras na yon. Actually nahihiya lang si Jelly na tumawag sa bahay nila para magpasundo. Ayaw na sana nyang si Josh pa ang maghatid sa kanya pauwi. Gustong-gusto sana nyang tawagan si Kuya Jeremy o kaya ay si Vince pero nag-decide na lang sya na hindi na lang. Hindi pa din naman sya handa na magkwento o sabihin sa kanila kung anong nagyari. She decided na sasarilinin na lang muna nya ang sakit.
Dumating sila sa tapat ng gate nila Jelly. Saka pa lang nagsalita si Josh.
"Ahmmm, sorry ulit Jell. Sana talaga mapatawad mo ko." Sabi nito.
"Pasensya na Josh pero wag na muna natin pag-usapan yan, please... Wag ka na nga pala pumasok, ako na bahala." She replied.
"I understand..." He said sadly. Then he went out of the car and opened the door for Jelly.
"Do you want me to take you inside?" He asked.
"I'm okay, don't worry." Jelly answered.
"Pakisabi na lang kina Tito at Tita pasensya na at salamat sa lahat." He added.
"Okay, ako na lang bahala magsabi sa kanila." Sabi ni Jelly sabay tango.
Nagpaalam na si Josh at si Jelly naman ay pumasok na sa gate.
Sa may pinto, natanaw ni Jelly na naghihintay ang Kuya Jeremy nya at si Vince. Mukha yatang di talaga uuwi itong si Vince hangga't hindi sya nakikitang umuwi. Ganun talaga silang dalawa mula pa noon, sobrang protective ni Vince sa kanya.
Malayo pa lang si Jelly sa pinto ay kumakaway na ang dalawa. Lalo pang binagalan mi Jelly ang paglalakad. Daig pa nya ang pagong sa sobrang bagal. Gusto nyang ikalma muna ang sarili para di masyadong mahalata ni Jeremy at Vince ang mata nya na galing sa pag-iyak. Sana naman e natakpan talaga ng face powder na inilagay nya ang kanyang namumugtong mga mata. Bago kase sila umuwi ni Josh ay she made sure na pumunta sya sa ladies room para makapag-retouch man lang kahit papano.
Di pa sya masyadong nakakalapit e nagsalita na si Kuya.
"Hey little sis! Mokong na Josh yun ah, di ka man lang inihatid dito sa loob." Salubong na sabi ni Jeremy.
"Oo nga bestfriend, bakit di man lang pumasok dito? Loko yun ah." Dagdag ni Vince.
"Ahhh kse sinabi ko sa kanya umuwi na kse gabi na. Nagpupumilit nga na ihahatid nya ako sa loob di lang talaga ako pumayag." Sagot ni Jelly na pinipilit ngumiti.
"Hindi pa rin ah. Hindi ako papayag na di ko ihahatid ang girlfriend ko sa loob ng bahay no?" He said sarcastically.
"Kuya, kilala mo naman ako di ba? mananalo ba sya sa kin??? Tsaka anong girlfriend ang sinasabi mo? Hindi ko pa sya boyfriend no?" Sagot mi Jelly na pinipilit magpatawa.
"Kala ko ba pag-uwi mo eh in a relationship ka na ha?" May pang-aasar na sagot ni Jeremy.
"Sabi nyong dalawa magpakipot di ba? E di nagpakipot, hmmmp!"Jelly said while still hiding her true feelings that moment. Hindi alam ng dalawa na wala syang gustong gawin ng oras na yun kundi tumakbo sa loob ng kwarto at umiyak ng umiyak buong magdamag.
"Jelly, tumingin ka sa kin..." Si Vince na kanina pa nananahimik.
"Ayoko, gusto ko nang magpahinga sa kwarto ko. Pagod kaya ako no? Tulog na ba si Mommy at Daddy?" Jelly is trying to avoid Vince.
"Jell, please look at me..." Vince insisted.
Jeremy just watched while waiting for Jelly to comply to Vince's request.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...