Five o'clock ng hapon pagkatapos ng klase nila ay isinabay na nga ni Jelly si Vince sa kotse nya gaya ng request nito. Hindi pa nakakalabas ng campus ay biglang may naisip si Vince.
"Ahmm Jell, can I request something?"
"Sure, ano yun?" Nakangiting sagot ni Jelly habang nakatutok pa din sa kanyang pagda-drive.
"Can we go to the park?"
"Uhm... o sige ba... San bang park mo gustong pumunta?" Lumingon sya kay Vince sabay baling ulit sa unahan ang tingin.
"Ah, sorry wala akong alam na park... alam mo na... Kaya kahit saan na lang, bahala ka na... " Napakamot ng ulo si Vince.
"Oh... oo nga pala sorry.. Nakalimutan ko na..." Pinutol na lang nya ang kanyang sasabihin. "Okay sige, ako na bahala."
Naisip ni Jelly na dalhin si Vince sa Luneta Park. Tutal eh 10 to 15 minutes lang naman ang layo nito mula sa University nila (depende sa traffic).
"I'll just bring you to Luneta Park." Jelly said.
"Luneta Park?" Curious na tanong ni Vince.
"Yeah... actually madalas tayong pumunta dun lalo na pagkatapos ng exams para medyo mag-relax after ng hell week..." Kumindat si Jelly.
"That's awesome!" Vince winked back.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Luneta. Pagkatapos nilang mag-park ng kotse ay nagsimula na silang maglakad. Di pa sila nakakalayo ay biglang hinawakan ni Vince ang kamay ni Jelly. Ngumiti lang naman ito at di naman nagreklamo.
Jelly decided na unang dalhin si Vince sa shrine ni Jose Rizal para ipakita ito dito. Nang nasa harap na sila nito ay lihim na natawa si Jelly nang maalala nya nang minsang magpunta sila dito ni Vince dati na binibiro sya nito.
Sabi nito sa kanya, "Hoy Jelly wag kang masyadong tumitig kay Jose Rizal baka ma-inlove ka din sa kanya ha..."
"What??? Ikaw talaga puro kalokohan..." Natatawa lang si Jelly sa biro ni Vince.
"Posible naman di ba? "J" din kaya si Jose Rizal, hahaha!" At tumawa nang tumawa si Vince.
"Sira ka talaga!!!" At kinurot nya si Vince ng pinung-pino sa tagiliran at gaya ng dati ay napangiwit na naman ito sa sakit ng kurot nya
"Ouch!!! Tama na po!!!"
At naghabulan na naman silang magkaibigan.
Habang nagfa-flashback ay mag-isang nagtatawa ng mahina si Jelly kaya't...
"Hey Jell... okay ka lang? Nagtatawa ka kasing mag-isa..." Sinipat-sipat ni Vince ang mukha nya na mukhang natatawa na din sa kanya.
"Ha?? What did you say?" Gulat na tanong ni Jelly.
"Sabi ko, nagtatawa kang mag-isa..." Nakangiti pa din ito sa kanya.
"Ahh kase may naalala lang ako na event here na nakakatawa..." Paliwanag nya.
"Ahhh okay..." Tumango tango lang ito.
"O yan ha, I'll be your tour guide naman this time..." Jelly changed the topic. "So eto nga tayo sa Rizal shrine, and sya yung national hero natin." Sabay turo kay Rizal.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...