"Mommmmmmyyyyyyyy!!!" Jelly screamed so loud na nabulabog yata buong village.
Natatarantang pumasok si Mommy, Daddy at Kuya sa kwarto ko. "Jelly what happened??" They chorused habang makikita ang pagka-worried sa mukha nila.
"Waaaahhhh! Look at my pimple sa nose, hu-hu-hu! Now pa man din date namin ni Josh". Jelly is crying while in the front of the mirror.
Sabay kamot silang tatlo sa ulo. "Kala naman namin kung napaano ka na. Kung may sakit ako sa puso e inatake na ako dahil sayo." Nagrereklamong sabi ng Daddy ni Jelly.
"Oo nga naman Jelly, tinakot mo talaga kami. Ikaw talagang bata ka I will pinch you talaga sa singit!" Dagdag ng mommy nya.
"Hay naku, Jelly Joy Joaquin Nakalabas-labas tuloy ako sa shower ng di oras dahil sa tili mo. Look at me! Buti na lang na-manage ko pang mag-bathrobe, kung hindi.." Reklamo ng Kuya ni Jelly habang nasisilam-silam pa ng sabon sa mukha nya.
"Sorry na po talaga. E kase naman now pa sumulpot tong face squatter na to, kainis talaga!" Nakasimangot na sagot ni Jelly.
They all laughed.
"E paano ba naman, malamang e di ka tumulog ng maayos kagabi." Umupo ang Daddy nya sa tabi ng bed. "Dito ka nga sa tabi ko." Her Daddy requested her to sit beside him. "O tingnan mo yang eyebags mo oh." Sabay hawak sa mukha ni Jelly. "Lumalabas yan kse nga di ka natulog dahil masyado yang tension mo. Relax lang. Take it easy. Sabi nga ni Maya, kalma, hehe!" Sabi ni Daddy Jim habang medyo natatawa. Her Kuya and Mommy are just giggling while watching them.
"Sorry po talaga, alam nyo naman po, first time kong formal date to e. Nung highschool prom at debut ko 2 months ago e ganito din ako pero mas malala ngayon." Jelly replied shyly.
"I understand. Kaya nga nandito kami ng mommy at kuya mo." Jelly looked at her Mommy and Kuya asking for their approval. And they put their thumbs up. "Nandito kami para suportahan ka every step of the way... Mahal mo na ba talaga si Josh?" And Jelly nodded. "Walang problema yun sa kin at kahit sa mommy mo o sa kuya mo. Kung masaya ka, masaya din kami para sa yo. Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin, okay?" Dagdag pa ng Daddy nya.
"Thanks po Dad... sobra. I love you!" Then Jelly hugged him.
"Oh ano pang hinihintay nyo! Group hug na!" Sabay senyas nya sa kuya at mommy nya na medyo naluluha-luha pa. Then they hugged each other tightly.
"O sya, tama na tong drama natin, kse nasasabunan na tayong lahat gawa nitong si Jeremy, haha! Tsaka etong dalaga natin e magpipili pa ng kanyang isusuot." Mommy Jill said.
"Mom, di ba kahapon pa pumipili yan, e wala pa ding napipili hanggang ngayon?" Jeremy asked.
"Ay naku Jeremy, kilala mo naman tong kapatid mo, mas metikulosa pa sa kin pagdating sa damit." Mommy Jill replied.
Mayamaya ay may nagsalita sa may pinto. "May na-miss ba akong hapennings?" Sabat ni Vince na bigla na lang sumulpot. "Tinanong ko si Manang sabi nandito daw kayo lahat sa taas." He added.
"Yes Vince dami mong na-miss. Na-miss mo kadramahan ng Joaquin Family, hehe! Kaya lang late ka na talaga kse dapat nang bumaba ang mga boys ngayon kase may fitting session pa ang prinsesa natin. 2 pm na, ilang oras na lang natitira e di pa nkakapagdecide tong si Jelly sa dress nya. Kaya baba na muna kayo please at mag-basketball na lang muna kayong tatlo. Oy magbanlaw ka pala muna Jeremy, please. " Pagtaboy ng mommy ni Jelly sa tatlo.
"Opo na po." Sagot ng tatlong boys.
"Bye! sorry po!" Jelly told them. "Wait Vince, dito ka magdi-dinner, right? Kse pinadamihan na ni mommy pinaluto nya kay Manang kse nga alam nya sasabay ka sa hapunan mamaya." Jelly added.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomansFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...