Chapter 47 - I Finally Found Her

2.1K 279 15
                                    

(JM'S Point of View)

Before magsimula ang Students Assembly nang hapong iyon ay di talaga ako mapakali. Bakit ba sa lahat ng concerts at events ko e hindi ako kinabahan ng ganito... "Ahhhh... bakit ba hindi sya maalis sa isip ko since yesterday... Why does she keeps running in my mind? No... I have to focus... Pumunta ako sa university na ito to do my mission.. to find Silhouette Girl... Di dapat mag-swerve ang isip ko... Focus JM, focus..." Patuloy kong pag-convince sa sarili ko.

Maya-maya ay nagdatingan na ang ilang mga estudyante. Habang nasa likod ng stage ay sumisilip ako sa likod ng curtain, tinitingnan kung marami nang dumarating. Isa-isa nang dumadagsa ang mga estudyante pero bakit meron yatang hinahanap ang aking mga mata... Why do I keep searching for someone out there? Madami nang estudyante pero parang... parang wala yata sya... Wala ang magandang estudyanteng nakilala ko kahapon... Wala si Jelly Joy Joaquin... Sayang naman... kala ko makikita ko ulit ang mala-anghel nyang mukha... "Ahhhh! Ano ka ba JM! Sabi nang mag-focus ka eh... It's not the right time for that thing... May tamang panahon para dyan..." Patuloy kong pagkausap sa sarili ko.

Nagsimula na nga ang assembly. Naunang nagsalita ang chancellor para i-welcome ang lahat ng estudyante. Nang matapos makapagsalita ang chancellor ay sumunod namang nagsalita ang Student Council president at maya-maya ay tinawag na nya ako sa stage.

"At ngayon naman po... alam kong matutuwa ang lahat dito... lalo na ang mga girls na talaga namang kilig na kilig sa kanya... Let's welcome! Ang isang modelo ng ating youth ngayon and very popular RnB prince... Please welcome.. Justine JM Madrigal!"

Nang marinig ng mga estudyante ang pangalan ko ay nagtilian at hindi magkamayaw ang hiyawan ng lahat.

Una kong kinanta ang "Kiss You" by One Direction (RnB version).

Nagtilian ang mga girls at halos magkasakitan makalapit lang sa may stage.

Nang matapos ang song...

"Thank you so much! Thank you so much! Actually, I decided to go here sa university nyo dahil meron talaga akong mission... Alam ko narinig nyo na that I'm looking for a girl... Sino nga ba yun hinahanap ko?" Tanong ko sa audience.

At sumagot naman ang mga estudyante. "Silhouette Girl!!!" Sigaw ng mga ito.

"So yun nga, we discovered from a very reliable source na nandito daw si Silhouette Girl. And I'm so happy na malapit lang pala sya... So... I'm asking for your help to find her for me... Maaasahan ko ba yun? Are you going to help me?" Tanong ko uli.

"Yes, we will help you!" Dumadagundong na sigaw ng mga estudyante.

"My next song is actually the one that was sung by Silhouette Girl sa viral video nya... And actually mas gusto ko sanang may ka-duet eh... Kaya nga before I sing that song, gusto ko sanang i-invite dito sa stage yung girl na kumumpleto ng araw ko yesterday na after ko syang ma-hurt e tinanggap naman nya ang sorry ko and pinakain pa ako sa house nila ng napakasarap na dinner. Nandito kaya sya?" Nagbakasakali talaga ako nang oras na iyon na nasa audience sya t hindi ko lang talaga nakita.

Pinilit hanapin ng mga mata ko si Jelly sa karamihan ng mga estudyante pero hindi ko talaga sya makita.

"Jelly Joy Joaquin can I call you in the stage please..."

At nagsigawan ang mga estudyante. Maya-maya ay parang natanaw ko si Jelly na papalabas ng gym. Nagtaka ako kase sa halip na lumapit sya papuntang stage ay mukhang aalis na sya. "Hindi kaya nya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya sa stage... Baka nagalit sya sa akin..." Sobra akong nag-alala nang oras na iyon.

"Jelly wait!" Nabigla ako sa pagtawag sa kanya. 

Bigla kong ibinigay sa kasama kong banda ang microphone at nagmamadali akong bumaba ng stage para habulin si Jelly. 

Kaya't lalong lumakas ang sigawan ng ibang mga estudyante.

Buti na lang may kasama akong banda nang oras na iyon kaya't sila na ang sumalo sa pagkanta.

Hinarangan ng mga assistants ko ang mga estudyanteng gustong sumunod sa akin.

Nakarating naman ako kaagad palabas sa direksyon na pinuntahan ni Jelly. Hinanap ko pa nga sya kung saan sya nagpunta. I tried to go to the girls locker room at tama nga ako nandoon si Jelly pero hindi kaagad ako dumiretso dahil narinig kong nag-uusap sila ni Vince.

"Ewan ko Jell... siguro lang kase lagi kitang ino-observe... I love looking at you.. I love listening at you... And..." Si Vince.

Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng oras na iyon. Bakit parang nagseselos ako?

"And what?...." Sagot ni Jelly.

Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Vince. Magtatapat ba ito kay Jelly? Wag naman sana, yun ang dasal ko nang oras na iyon.

"And I care for you that's why..." Vince added.

"Whew..." Bulong ko sa sarili ko dahil nakahinga ako nang maluwag, kala ko magtatapat sya.

I stayed listening to them.

"That's why I'm concerned... Bakit nga ba ayaw mong magpakilala?" Tanong nito.

"Magpakilala? Kanino ayaw magpakilala si Jelly?"Bulong ko sa sarili ko.

"Ayoko kasi ng buhay showbiz eh... Magulo, masyadong maraming nakakakilala sa'yo, walang privacy... Gusto ko simpleng life lang..." Si Jelly.

"Pero maganda ang boses mo Jell... sayang naman..." Sabi ni Vince.

"Maganda pala ang boses nya... Ahhh gusto ko syang marinig. Siguro mala-anghel din ang boses nya pag kumakanta." Napangiti ako.

"Kumakanta naman ako ah kahit hindi ako maging celebrity... sa choir natin, sa Youtube yun nga lang nakatago... I love singing but I don't want the people to know that...." Binitin pa ni Jelly ang sasabihin.

Tumibok ng malakas ang dibdib ko nang oras na iyon... "Hindi kaya si Jelly ay si..."

"I'm Silhouette Girl..."

Nang marinig ko iyon ay parang lumutang ako sa tuwa. "Ibig sabihin ang babaeng hinahanap ko at ang espesyal na babae na nakilala ko kahapon ay iisa?" Bigla akong napasandal sa wall ng oras na iyon. Ang sarap-sarap ng pakiramdam. Hindi pa man nagtatagal ang aking paghahanap ay nakita ko na sya.

Pero anong gagawin ko? Parang ayaw nyang ipaalam kung sino sya... Nagbuntong-hininga ako nang malalim. "Kailangan ko munang isipin kung anong dapat kong gawin... In the meantime, hindi muna dapat malaman ni Jelly at Vince na narinig ko ang usapan nila..."

Kaya't umalis ako before pa sila matapos sa pag-uusap nila. Bumalik ako sa stage at tinapos ang pagkanta ng ilan pang songs na naka-line up ng hapong iyon. Hiningi ko pa rin sa closing ng assembly ang tulong ng mga estudyante, pretending na hindi ko pa din nahahanap ang dapat kong hanapin... Si Silhouette Girl na tingin ko ay magiging malaking bahagi ng buhay ko...

(TO BE CONTINUED...)

Ano kayang plano ni JM? Sasabihin na kaya nya kay Jelly na alam na nya ang totoo na sya si Silhouette Girl? Magiging barrier kaya sa tambalang Jelly-Vince si JM?

ABANGAN!!!

Want to be more updated with the latest MLMJ News??? 

Follow Us Now @ https://twitter.com/OfficialMLMJ

Visit and Like Our Page @ https://www.facebook.com/MyLastMr.J

Keep In Love! <3 <3 <3  

 


My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon