Chapter 51 - The Big Announcement

2.5K 67 15
                                    


Hindi mapakali si Jelly sa kanyang kwarto. Alam nyang naghihintay na ang mommy at daddy nya, Kuya Jeremy at Ate Paula, Nina at Roy, Kitchy at Jed, Jasper, and syempre pa si Vince sa kanilang dining room. Nag-set sya ng isang special dinner para sa kanila dahil sa isang big announcement na kanyang gagawin. Syempre, hindi sya papayag na i-broadcast sa buong Pilipinas na sya si Silhouette Girl kung hindi nya sasabihin muna ito una sa kanyang family at mga matatalik na kaibigan.

Tiningnan muna nyang mabuti ang sarili sa harap ng salamin, hindi dahil gusto nyang ma-sure na maganda sya. Instead, she wants to see if she is ready enough to tell them the truth. 

"Ready ka na ba talaga?" Tanong nya sa nasa reflection. "Huh... inhale-exhale...Wala nang urungan to! Aja Jelly, aja!" She's trying to compose herself.

Sa may dining room, habang nakaupo na ang lahat sa palibot ng dining table na formally prepared...

"Nasaan na ba yang anak mo at ayaw pang bumaba. Napapanis na ang kapogian ko dito sa suit na suot ko." Nakangiting biro ni Daddy Jim.

"Hayaan mo na, malamang nagpapa-pretty pang mabuti yun. Di ka na nasanay sa grand entrance nya lagi.. hihi!" Hinawakan ni Mommy Jill ang kamay ng asawa.

"Ano kayang big announcement nya at pinag-formal pa tayo? Di na ako makahintay tuloy." Inip na sabi Jeremy.

"Wala bang nabanggit sa'yo ang baby sister mo?" Curious na tanong ni Daddy Jim.

"Wala nama po Dad eh." Napakamot sa ulo na sagot ni Jeremy. "Baka kay Vince may nabanggit." He winked at Vince.

"Sorry po but she didn't mention anything." Nakangiti pero nagkibit balikat na sabi ni Vince.

Sumunod ding magkibit balikat si Jed, Jasper, Nina, Roy, Kitchy and Paula.

"Well, well... Let's just wish na hindi about pagbo-boyfriend ang announcement na 'to." Biro ni Daddy Jim na nagpatawa sa lahat maliban kay Vince na iniisip pa ding mabuti kung ano nga ba ang big announcement ni Jelly dahil wala talagang nabanggit ito sa kanya.

"Hi guys!" Maya-maya ay lumabas na si Jelly sa dining room. "Sorry for waiting." Sabay ngiti sa mga nakaupo sa dining table. " I just have to compose myself for this evening.

"Okay lang yun, baby girl ko basta wag mo nang masyadong patagalin pa kase aatakihin na yata ako sa puso sa sobrang pagka-suspense." Sabay kindat ni Daddy Jim kay Jelly.

"Daddy, O.A... Kiss nga muna kita at tsaka si Mommy." At lumapit sa mga parents nya at niyakap at hinalikan ang mga ito.

"Ako walang hug?" Sunod na biro na Jeremy.

"Oh syempre meron din ang Kuya ko." At niyakap at hinalikan din ang kapatid.

"Eh ako wala?" Pahabol na biro naman ni Jasper.

"Hihirit pa eh!" Sabay baling sa kanya ng masamang tingin ni Jed at Vince na nasa magkabilang tabi nya at pinigilan sya sa pagtayo.

"Hahaha!" At nagtawanan ang lahat.

"Kayo talagang tatlo, same as always..." Natatawa pa ding sabi ni Jelly.

"So, are you ready for my big announcement?" Jelly exclaimed.

"Yes we are!" Everybody replied excitedly.

"Then here we are!" Jelly grabbed her iPhone and pressed it.

Maya-maya ay sabay-sabay na tumunog ang mga cellphone ng kanyang mga kaharap kaya't sabay-sabay din na ni-check ng mga ito ang kanilang mga phones. Ni-message nya sabay-sabay ang mga ito sa Facebook messenger nila para i-check ang link ng YouTube video ni Silhouette Girl. Maya-maya ay sabay-sabay nang pinapanood ng mga ito ang video ni Silhouette Girl sa mga phones nila. 

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon