(VINCE'S POINT OF VIEW)
"Hello..." Jelly answered.
"Congratulations, Hon..." Sorry ha di na kita na-congratulate ng personal. Medyo sumama kase ang pakiramdam ko so I just decided to go home earlier." Paliwanag ko.
"That's fine, Honey... Don't worry I understand. Kanina nang di kita makita kasama nitong mga flowers na bigay mo, I was really sad. Pero now na nakausap na kita, sobrang happy na ako." Masayang sabi ni Jelly.
"Sobrang galing mo kanina, Honey... Gustong-gusto kong isigaw sa lahat ng mga taong malapit sa upuan ko, 'Girlfriend ko yan!!!' Kaya lang baka mapagkamalan nila akong sira so tumahimik na lang ako, haha!' Nagbibiro kong sabi.
Napatawa si Jelly sa kabilang linya.
"Pero honestly, you were so good and so beautiful kanina. I can't take out my eyes on you..." Malambing na sabi ko.
"Nambola na naman ang #1 fan ko... Miss you honey..." Malambing din na sagot ni Jelly.
"Miss you twice as much... I love you..." Sagot ko.
"I love you too..." Jelly replied.
Pagka-hang up ng phone ay nalungkot na naman ako.
"Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ba nagseselos ako kay JM?" Bulong ko sa sarili ko habang nasa loob ng kotse sa parking lot ng Araneta Coliseum.
Hindi ko pa din mai-settle ang pakiramdam ko nang mga oras na iyon habang naiisip ang mga negative na bagay na pwedeng mangyari sa aming dalawa ni Jelly ngayong singer na sya officially. Pinipilit ko namang labanan ang selos pero simula pa lang ay iyon na ang naramdaman ko kay JM tuwing makikita ko silang dalawa ni Jelly na magkasama. Kahit pilit kong isiksik sa utak ko na showbiz lang yun, na I don't have to worry, ganun at ganun pa din ang nararamdaman ko
Lalo na kanina...
Nagmamadali akong pumunta sa kotse para kuhanin ang bouquet of roses. Gusto kong maibigay sa kanya iyon kaagad. Excited akong i-congratulate sya, at mayakap sya pagkatapos ng successful concert. Alam ko na matutuwa sya dahil favorite nya ang mga flowers na iyon.
Nagmamadali akong pumunta sa dressing room nya. I stepped back nang makita kong nauna sa akin papunta sa dressing room ni Jelly si JM na may dala ding bouquet ng bulaklak. Napapako na ako sa kinatatayuan ko and I didn't know what to do. Di ko alam kung sasabayan ko ba sya o hahayaan na lamang na mauna. I just chose the latter. I just stood there and waited for what's next.
I saw someone opened the door, P.A. siguro ni Jelly. The door was kept open kaya't kitang-kita ko nang lumapit si JM kay Jelly at hinalikan ito sa pisngi pagkatapos ay iniabot ang bouquet of roses sa kanya. Sobrang selos ang naramdaman ko. It could have been me. Ako dapat ang nauna sa kanya sa pagpunta dito para naibigay ko kaagad kay Jelly ang hawak ko ng mga oras na iyon. Ako sana ang unang nag-congratulate sa kanya at yakap ko na sana sya nang time na yon. Bakit ba lagi na lang ako ang nahuhuli. I blamed myself. Pero pilit kong kinumbinse ang sarili ko na wala kahit sinuman ang pwedeng makasira sa kanilang relationship ni Jelly. "I love her and trust her..." Bulong ko sa sarili ko.
Maya-maya ay bigla na namang sumakit ang ulo ko. Kaya't nag-decide na lang ako na hanapin sina Kuya Jeremy and the rest of the barkada para sila na lang ang pag-abutin ng flower na para kay Jelly. Gusto ko mang makausap sya nang personal pero kinailangan ko nang umalis muna.
Nag-derecho ako sa kotse para uminom ng gamot. Pagkainom ko nang meds after 15 minutes ay humupa naman ang sakit ng ulo ko. Medyo na-shift ang pag-iisip ko tungkol kay Jelly nang sumagi sa isip ko na dumadalas yata ang pagsakit-sakit ng ulo ko these past few days. Hindi ko nababanggit kahit kanino, kay Jelly man o kay Mommy ang pagsakit ng ulo ko halos everyday. Ayokong mag-alala sila. Lalo na si Jelly. Ayokong maka-interrupt sa kanya lalo na't nagsisimula pa lang sya ngayon sa bagong career nya. Gusto ko makapag-focus sya. Kahit naman nagseselos ako kay JM, alam ko naman na mahalaga din kay Jelly ang pagkakataong ito. Ayokong maisipan nya na mag-back-out or mag-stop nang dahil lang sa akin. I will support her in every way. "I love you, my Jell... I love you so much..." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...