Nagising nang maaga si Jelly. Parang napakasigla nang pakiramdam nya that morning. Kaya naman pagkatapos mag-breakfast ay maaga syang nagpaalam sa Mommy't Daddy nya para dalawin si Vince.
Dumaan sya sa store na nagtitinda ng special jelly-beans na favorite nila ni Vince. Magdadala sya ng isang jar na gaya ng dinadala nya ng mga nakaraang araw.
Excited na excited sya nang buksan nya ang pinto nang magulat sya ng makitang nakaupo sa tabi ng bed nito si Alex na mukhang natutulog. Wala ng oras na iyon ang Tita Mabel nya.
Dahan-dahan syang pumasok ng kwarto. Maya-maya ay biglang nagising si Alex. Kaya't binati nya ito.
"Good morning, Alex..." Ngumiti sya nang bahagya dito.
"I'm sorry Jelly, but Vince is still resting..." She said sarcastically.
"Yeah, I know... dinala ko lang naman to sa kanya e..." Itinuro ang jelly beans at pinilit pa din nyang ngumiti.
Maya-maya ay biglang kumilos si Vince at mahinang nagsalita... "Mom..."
Parang natuka ng ahas si Jelly sa kinatatayuan at naibagsak nya ang plastic jar na dala nya. Hindi nya napigilan ang sarili at dali-dali syang lumapit sa kabilang side ng bed ni Vince.
Naiiyak nyang niyakap ito na tila walang pakialam sa ibang taong nasa loob ng kwarto na iyon.
"Vince gising ka na?... sa wakas nadinig din ang mga prayers ko gising ka na now... sobrang saya ko..." At umiyak sya ng umiyak sa dibdib ni Vince.
Hindi makapagsalita si Vince. Hindi nya alam ang sasabihin sa babaeng yumayakap sa kanya ng oras na iyon. Basta ang alam lang nya ay parang may kuryenteng bumalot sa kanyang katauhan ng oras na iyon. Iba ang kabog ng kanyang dibdib at nararamdaman nya ang di maipaliwanag na espesyal na damdamin para sa babaeng iyon na din naman nya kilala.
Maya-maya ay biglang may nagsalita sa may pinto.
"Jelly, buti naman iha at alam mo na nagising na si Vince... Vince yan si Jelly ang bestfriend mo.." Naluluhang sabi ni Mabel habang pinagmamasdan ang dalawa na magkayakap.
"I...ikaw si Jelly?..." Mahinang tanong ni Vince.
Biglang nagtaka si Jelly kaya't napabitiw sya sa pagkakayakap kay Vince.
Napansin ni Mabel ang pagtataka kay Jelly kaya't sinimulan nyang magpaliwanag dito.
"Jell... Vince has amnesia. Wala syang natatandaan sa lahat ng past nya...Kahit pangalan nya ay di din nya natandaan." Paliwanag ni Mabel.
"What...?" Mahinang ekspresyon ni Jelly. Bigla syang napatingin kay Vince na pilit kinukumpirma ang truth sa sinabi ng Tita Mabel nya.
Hindi malaman ni Vince ang sasabihin kaya't hinagip nya ang kamay ni Jelly.
"My mom said that you are my bestfriend?" At ngumiti ito... "Napakaswerte ko naman pala. Napakaganda ng besfriend ko."
Lalong napaiyak si Jelly. Hindi nya alam ang sasabihin nya ng oras na iyon kay Vince. Gustong-gusto nyang sabihin at ipagsigawan sa lahat na hindi lang sya bestfriend ni Vince kundi sya ang girlfriend nito. Pero, paano naman nya sasabihin yun kung hindi naman sya nakikilala nito.
"Alam ko ang nararamdaman mo Jell, dahil yan din ang naramdaman namin ni Alex kahapon. Nakakagulat pero wala tayong magagawa sa pagkakataong ito kundi ang tulungan si Vince... Ako bilang mommy nya, ikaw bilang bestfriend nya... at si Alex bilang girlfriend nya..."
Lalong natulala si Jelly sa sinabi ng Tita Mabel nya... "Girlfriend?..." Halos pabulong na tanong nya.
"Yes Jell, hindi pala natin alam na before maaksidente silang dalawa e naging mag-boyfriend pala sila... Hindi na sila nagkaroon ng chance na sabihin sa atin dahil nga sa mga nangyari..." Dugtong pa ni Mabel.
Tinitigan ni Jelly si Alex ngunit hindi ito nagbababa ng tingin. Hinahanap ni Jelly na matinag ito sa pagkakatayo pero nakipaglaban ito ng titigan sa kanya.
"Hindi mo ba kami babatiin Jell? Monthsary namin yesterday ni Vince." Tila nang-iinis ang ngiti ni Alex.
Biglang pumatak na naman ang luha mula sa mga mata ni Jelly. Alam nya na simula sa araw na iyon ay may isa syang kaibigang naglaho. Nasaan ang Alex na matalik nyang kaibigan? Hindi nya maiwasang itanong sa sarili nya. Gusto man nyang labanan si Alex sa oras na iyon ay hindi nya gagawin. Hindi nya alam kung ano ang nasa isip nito kung bakit pinaniwala nya si Tita Mabel nya at si Vince na sya ang girlfriend nito, pero kung anuman ang balak nito ay pipilitin nyang alamin sa abot ng kanyang makakaya. Dahil sa kalagayan ni Vince ay hindi sya gagawa ng isang bagay na ikakagulo ng isip nito. Mahal na mahal nya si Vince pero hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman nya ang totoo.
Hindi nya pinansin ang sinabi ni Alex, bagkus ay bumaling na lang ito kay Vince... "Vince, I'm happy dahil kahit hindi mo ako naaalala alam ko naman na nandiyan pa din ako sa puso mo e.." Inilagay nya ang kamay nya sa tapat ng dibdib ni Vince. "Alam ko kahit ilang beses makalimot ito..." Inilagay nya ang hintuturo sa noo ni Vince. "Pero ito..." Itinuro ang puso nito. "Hindi kailanman ito makakalimot." Hindi napigilan ni Jelly ang muling pagpatak ng luha. "Darating ang panahon, alam ko, na maaalala mo lahat-lahat sa past mo, lalo na ang mga magagandang bagay na nangyari sa'yo, maghihintay ako Vince, maghihintay ako. Pagdating ng araw na iyon, puntahan mo lang ako dun sa lugar kung saan naging pinakamasaya tayong dalawa." At hinalikan nya ang kamay nito. "Magpagaling ka na ha..." At sinuklian sya ni Vince ng isang matamis na ngiti at tumango ito.
Maya-maya ay tumalikod na sya kay Vince at nagpaalam na sa kanyang Tita Mabel.
"Tita nasabi nyo na po ba sa ibang friends namin na nagising na si Vince? Kung hindi pa po e ako na po ang magsasabi sa kanila. Matutuwa po ang mga iyon." Sabi ni Jelly.
"Sige iha, salamat ng marami... Basta anytime na free ka e dalawin mo si Vince ha..." Pakiusap ni Mabel.
"Syempre naman po..." Ngumiti si Jelly. Maya-maya ay tuluyan na syang nagpaalam.
Habang pauwi ay hindi pa din nya malaman ang iisipin dahil sa ginawa ni Alex na pagsisinungaling. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Naguguluhan talaga sya. Hindi nya alam kung paano sya magsisimula ngayong nagising na si Vince sa ganung kalagayan. Tama ba na hindi nya sabihin ang totoo sa ngayon? O tama lang ba na tumahimik muna sya habang hindi pa tuluyang gumagaling si Vince? Kailangan ba nyang ipaalam sa iba ang totoong nangyari sa Boracay o hayaan na lang si Alex sa kanyang pagpapanggap....
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...