Chapter 43 - Who's That Girl?

2.9K 316 27
                                    

(JELLY'S POINT OF VIEW)

"At sa balitang social media naman!" Umpisa ng TV newscaster. "Kumakalat ngayon sa social media world ang isang viral video ng isang unknown girl na may alias na "Silhouette Girl" na may mala-anghel na boses at the same time ay napaka-powerful ng dating. May pagka-misteryosa nga lang ang batang ito dahil ayaw ipakita ang kanyang mukha dahil nga naka-silhouette. Kaya ang tanong ng lahat... ano kaya ang hitsura nya? Maganda kaya sya o medyo lang? Pero di na po mahalaga yon kase umabot na ng 1 million views ang isang video nya. Haha! Eto po panoorin po natin ang kanyang solo cover with guitar ng "Just Give Me A Reason" by Pink!"

Nang marinig ko ang balita ay biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. "Waaahhh! No, don't panic girl... Okay lang yan, okay lang yan...." Saway ko sa sarili ko. Buti na lang hindi yata nahalata ng mga kasama ko sa table na namumula na ko at medyo pinagpapawisan. Napapatingin sa kin si Vince pero gaya ng dati, ngingitian ko lang sya ng matamis. Buti na lang he just smiled back. Siguro kung wala syang amnesia malamang bistado na nya ako ngayon. Si Vince pa... dahil sa kilalang-kilala nya ako, alam nya yata lahat ang iniisip ko at nararamdaman ko isang tingin pa lang. Whew... Blessing in disguise pa yata na may amnesia sya e di sana...

I decided I should exit for a while kase baka may makahalata na talaga sa akin.

"Ahhh... excuse me muna punta muna ako sa ladies room ha..." I said hesitantly.

"OK sis, just be back right away so that you can join us here laughing." Kitchy replied.

"Oo nga." Dagdag ni Jed.

Ngumiti lang si ako. 

Nang makarating ako sa ladies room ay dali-dali akong pumasok sa isang vacant cubicle. Umupo ako sa toilet bowl without removing the cover. Naupo lang ako doon na nakatulala.

Kinuha ko ang aking iPhone at binuksan ito. I opened my gmail account at nakita ko ang thousands of notifications... FROM YOUTUBE...

Eto na nga po, ano ba naman tong napasok ko. As in wala talaga akong plano na sumikat. Dati nang may mga talent managers na nagtatanong kina Mommy at Daddy kung gusto kong mag-artista pero di ko talaga carry yun. Kahit si Mommy... I never granted her request na mag-model ako ng mga creations nya, because it's really not my interest. I love my privacy so much. Gusto ko lang talagang kumanta, pero hindi siguro para maging professional singer... Kuntento na akong kumakanta ako kahit papano just to express my hapiness or sadness every now and then... "Bakit ba kase naisipan ko pang i-upload yun sa YouTube? Tsk! Ano nang gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko. 

"Wait... Eh bakit nga ba ako masyadong affected? E di ba nga naka-silhouette ako dun? Eng! Kaya nga Silhouette Girl eh, hihi!" I tried to convince myself na wala talagang dapat ika-worry. "Hayyy... I'm still safe from controversies..." Nakahinga ako nang malalim.

I decided that I should go back to my friends kase baka lalo silang makahalata. 

I went out of the cubicle and just fixed myself in the mirror and went out of the ladies room. Kakalabas ko pa lang ng door nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Are you okay, Jelly?" 

Muntik na akong mapatili dahil sa sobrang pagkagulat.

"Vince??? What are you doing here? I almost pass out dahil sa gulat sa'yo, ano ba!" Masungit na sabi nya dito.

"I'm so sorry if I freaked you out..." Natatawang sagot ni Vince. "Sinundan lang po kita kase I thought you look upset kanina. Sabi ko baka you're not feeling well or something. Gusto ko din pumunta ng men's room kanina so I just waited for you here. So... are you okay na?" Nakangiti ngunit mukhang nag-aalalang sabi nito.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon