Sinalubong ni Jed, Kitchy, Alex, Nina and Roy sa airport ang mga galing sa Amerika na si Mabel, Jasper at Vince. Excited na niyakap ng magkakaibigan ang mga dumating lalo na't si Vince na talagang gusto nilang makita after so many months.
"So good to see you, Pare!" Sobrang excited na sabi ni Jed.
"Grabe ka namang magpa-miss Vince! As in, sobra-sobra ka naming na-miss!" Maluha-luhang sabi ni Nina.
"Di bale, babawi yan sa 'tin for sure..." Sabi ni Alex na yumakap na rin.
"Syempre naman guys, na-miss ko din syempre kayo. Pa'no ba ako makakabawi?" Masayang-masaya ang boses ni Vince.
"Pare, gusto ka man namin bawian pero may isang tao na sobrang dapat kang makabawi. You owe her so much explanation..." May halong pagbibiro pero alam mong seryosong sabi ni Roy.
Tumango si Vince. "I really have to see her right away." Vince said with sadness in his voice.
Tinapik ni Jasper ang balikat ni Vince, tanda ng pagsuporta.
Pagkababang-pagkababa ng mga gamit nya sa bahay ay nagmamadaling nagpaalam si Vince sa Mommy nya para puntahan sa ospital si Jelly kung saan ay dumalaw ito kay JM. Gustong-gusto nyang makita kaagad ito kaya't kahit saan man ito nandoon ay gusto kaagad nyang puntahan.
Pagkadating nya sa ospital ay agad syang nagpunta sa 3rd floor, room 304, kung saan naka-confine si JM.
Pagkarating nya sa may pinto ng kwarto nito ay kakatok na sana sya pero mas minabuti na lang nyang buksan na lang ang pinto. Bigla syang natigilan nang narinig nya ang boses ni JM.
"Hindi ko alam kung kelan pa magtatagal ang buhay ko... It can be the next 3 months.. It can be just a month... It can be a week.. O kaya malay natin hanggang bukas na lang pala ang ipinahiram na buhay sa kin ni God..."
"Please JM, don't.... Your life will be longer... Hihilingin ko kay God... I'll pray for it, so don't think of any negative things..." Alam mong umiiyak si Jelly dahil sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Pero habang humihinga pa ako, gusto ko sanang humingi ng last favor... I know it may sound like a silly request. Hi-hindi ko alam if this is right but.... I'm already in a desperate situation wherein I'm like somebody walking on a very thin rod which will break anytime... I... want to ask you... can you be my girlfriend kahit sa mga huling araw ng buhay ko?" Nahihirapan sa pagsasalita si JM.
Napabuntong-hininga si Vince dahil sa mga binitawang salita ni JM kay Jelly. Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon ng oras na iyon. Pinaghalong pagkabigla at kaba ang naramdaman nya. Gusto nya na parang ayaw nyang marinig ang isasagot ni Jelly. Paano kung pumayag ito dahil mahal na din pala nito si JM? O paano kung kahit di nito mahal si JM ay pumayag pa din ito dahil sa awa? Madaming naglalaro sa isip nya ng mga oras na iyon. O baka mas mabuti pang di na lang nya marinig ang isasagot nito.
Pinili ni Vince ang huli. Nag-desisyon sya na ayaw nyang marinig ang sagot ni Jelly kaya't dahan-dahan nyang isinarado ang pinto at malungkot na umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...