WARNING: This Chapter has mild SPG's ^_^
Sa may veranda ay masaya pa ring nagkukwentuhan ang magpinsan nang maya-maya ay nagsalita si Jed sa likod nila.
"Ehem..." Para na namang nasamid si Jed. "So... paano ba ang feeling ng makipag-bonding sa EX?" Natatawang tanong ni Jed.
"Oy Jed ikaw pala!" Napalingon si Jasper.
"Hey! What's up!" Bati din ni Kitchy sabay tayo sa kinauupuang lounge chair.
"Nakaabala ba kami?" Nakangiting tanong ni Jed. "By the way Kitchy, meet Alex..."
Dali-daling tumayo si Kitchy, para makilatis si Alex. "So, you're the "famous" Alex..."
"What do you mean?" Sabay lingon nya kay Jasper na parang tinatantya kung anong pinagsasabi nito tungkol sa kanya.
"Ahh.. I mean... Famous coz Jasper told me lots of good things about your barkada and of course you're one of them so, I'm just really excited to meet all of you guys." Kitchy tried to cover up, keeping the naughty smile on her face.
"Oh, okay..." Masama pa din ang tingin ni Alex kay Jasper.
"Well... yeah... I was telling her about our adventures in Boracay and all the happenings we had... Right?" Sabay taas ng kilay kay Kitchy. "Tutal, lumabas na lang din sa kwarto ang mag-sweetheart.." Sabay kindat kay Jed. "Why not mag-unwind tayo for a while. Inom tayo ng konti...Let's get inside?" At niyaya nya ang mga kasama sa bar na malapit lamang sa kitchen ng mansyon. Sumunod naman ang tatlo na parang gusto ding tanggalin ang tensyon sa pagitan ng bawat isa, habang si Kitchy naman ay nag-iisip pa din kung anong dapat nyang strategy para i-attack ang babaeng kinaiinisan nya.
Habang nakaupo silang tatlo sa bar stool at si Jasper naman ay nagpi-prepare ng kanilang maiinom ay nakaisip na ng dapat gawin si Kitchy. "I need to give her a dose of her own medicine." Nangingiti pa sya ng lihim sa kakulitang naiisip nya.
"Jed and Alex, how long have you been together? I mean being couple?" Nakangiting tanong ni Kitchy.
"Aaahhhh..." Medyo nalito si Jed kung anong isasagot.
"One month... Actually it's our monthsary last week..." Salo ni Alex na sabay irap kay Jed.
"Yeah.. Yeah 1 month na nga pala kami... Sorry ha ganyan yata talaga kaming mga boys, masyadong makakalimutin sa mga important dates..."
"Ohhh I see..." Nangingiti pa din si Kitchy sa kanyang ginagawang pagpapahirap sa dalawa sa pag-isip ng alibi, lalo na kay Alex. "I'm sure you became couple in a very memorable place? If you don't mind, Alex... Where did you say yes to Jed?" Muling nagtanong si Kitchy.
"Sa airport..."
"Sa Boracay..."
Nagsabay ng sagot si Jed at Alex pero magkaiba ang sagot nila.
"Di ba sa Boracay kita sinagot, ano ka ba???" Sita ni Alex kay Jed.
"Yeah sa Boracay, ano ka ba syempre alam ko yun.." Napaikot ang mata na sagot ni Jed.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...