(JASPER'S POINT OF VIEW)
I was still in the plane and I already knew where I should go pagkababang-pagkababa ko ng airport. I have to go to the first girl that made me fall in love... I really miss Jelly Joy Joaquin... "Kumusta na kaya sya? Makilala pa kaya nya ako?" I keep asking myself. "I wish she doesn't have a boyfriend yet. But that's impossible... Jelly is so charming... so beautiful... Ahhh I know mraming pwedeng magkagusto sa kanya... Pero saka ko na iisipin yon... I just really want to see her.."
Ilang oras pa lang akong nakakarating ng Pilipinas ay nag-decide na ako agad na pumunta sa bahay nila Jelly. Too bad naman dahil 2 days ago lang daw nang umalis sila papuntang Boracay. Ibinigay naman ni Tita Jill ang eksaktong beach na pinuntahan nila Jelly. I told her that I'm planning to go to Boracay but I requested her not to tell Jelly or Kuya Jeremy.
Sayang talaga, I'm really too excited to see Jelly. "But I should not waste any hours. I have to see her.." I told myself.
So I decided right away to book a ticket to Boracay and make a cabin reservation. I was lucky naman kase napakabilis lang pala mag-plan ng trip. Within that day din ang nakuha kong schedule kaya lang gabi na din nang dumating ako sa cabin na ni-reserve ko. Medyo napapabuntung-hininga ako pag naiisip ko na kinabukasan ko pa mapupuntahan si Jelly. Anyway, mabilis naman ang oras, sabi ko sa sarili ko.
It's beean almost 1 a.m. na hindi pa ako nakakatulog. Inip na inip na ako kaya I just decided na lumabas ng cabin para maglakad-lakad muna sa beach. Nang mapagod ako sa paglalakad ay naupo ako sa bench na malapit sa isang palm tree. Maya-maya ay may napansin akong isang babae na naglalakad sa tabing dagat. She's wearing a long, white dress na dahil sa tinatangay ng hangin ang laylayan ay maingat nyang hinahawakan ito. Bago sya umupo sa buhanginan ay inayos nya ang kanyang uupuan kaya't napaharap bahagya ang kanyang mukha at naaninag ko ito. Medyo malayo ang kanyang kinalalagyan pero hindi ako magkakamali na si Jelly nga ang nakita ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa wakas ay eto na ang oras na pinakahihintay ko. Inisip ko pa na fate nga siguro na makita ko sya kaagad. Di ko na kailangang maghanap pa.
Lalapit na sana ako sa kanya nang mapansin ko na may papalapit na lalaki sa kinauupuan ni Jelly. Pinagmasdan kong mabuti at nakita ko na si Vince nga ang papalapit sa kanya.
Bakit ba tuwing nakikita ko silang magkasama, kahit alam kong mag-bestfriend lang sila, ay lagi akong nagseselos. It's been years but it's still the same feeling. Nothing changed. Lagi pa din akong natatakot. After ilang years, mag-bestfriend pa din kaya sila o... baka sila na? Ahhh! ano ba tong mga iniisip ko! Mabuti pa ay lapitan ko nga sila para malaman ko ang totoo. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ay biglang parang bombang sasabog ang dibdib ko nang makita kong hinalikan ni Vince si Jelly. Hindi ko na nakayang ihakbang pa ang aking mga paa. Bumalik ako sa bench na inupuan ko at ikinulong ko ang aking mukha sa aking mga palad. "Huli na pala ang lahat. Wala na pala akong babalikan..." Bulong ko sa sarili ko. The girl that I love is not free anymore. The reason that I came back here from Canada ay may nag-mamay-ari na pala...
Muli akong tumunghay para tingnan sa huling pagkakataon si Jelly pero nakita ko na tumatakbo sya palayo kay Vince. Dahilan ba yun para mabuhayan ako ng loob? May pag-asa pa ba na hindi naman sila talaga? Ahhh! Dami kong tanong na gusto ko nang kasagutan.
Nang unang beses kong hawakan ang mga kamay ni Jelly noon, alam ko na hawak ko din ang puso nya. Alam ko mahal nya din ako. Hindi ako magkakamali sa naramdaman ko. Noong bago ako umalis at tinanong ko sya, alam ko may dahilan sya noon para hindi sabihin ang totoo nyang nararamdaman. Ngayong nagbalik ako, kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung sino talaga ang nasa puso nya. "Mahal na mahal kita, Jelly... I'll get you back... I'll get you back. Ipinapangako ko..."
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...