One week before officially mag-start ang Look Who's The Boss ay nakipag-bonding muna si Jelly and Vince sa kanilang mga kaibigan. First reason nila ay dahil ma-mimiss na nila ang mga ito pag naging busy na sila sa reality show. Then second ay para mahingan nila ng opinyon ang mga ito about sa mga issues ng mga couples in a wedding plan stage. Nagpunta sila sa Tagaytay sa isang resthouse nila Jasper at doon sila nag-stay for the weekend.
Pagkababa ng lahat sa kanya-kanyang sasakyan.
"Hey dude, ang ganda-ganda talaga dito!" Hindi maiwasan ang paghanga na sabi ni Jed kay Jasper habang inililibot ang mata sa napakalawak na bakuran ng resthouse na parang isang. malaking private resort. "Pwede bang dito kami ni Kitchy after ng wedding namin 2 years from now?"
"Why not? All the time pare, alam nyo naman na lagi kayong welcome dito lahat..." Nakangiting sabi ni Jasper.
"Oy Jed, before kayo magpa-book ni Kitchy e syempre kami muna ng honey ko." Si Vince sabay kindat kay Jelly.
"Alam mo Jasper, I'm sure nagtitipid lang itong dalawang ito kaya gusto dito..." Sabi ni Jelly na pumagitna sa dalawa ni Vince at Jed at inakbayan ang dalawa. "Kaya kung ako sa inyo ni Alex, pag nagpa-book ang dalawang ito eh dapat singilin nyo, ha? Hayy naku! Ang kuripot ng mga grooms natin Kitchy!" Sabay kurot sa pisngi ng dalawa.
"Hahaha! I bet...." Ang lakas ng tawa ni Kitchy dahil sa sinabi ni Jelly. Nagtawanan na din ang buong barkada.
"Ay basta ako hindi ako kuripot, di ba my loves..." Komento ni Roy sabay kindat kay Nina.
"Talaga? Nagsalita ang di kuripot... Eh gusto mo nga damihan ang ninong at ninang natin pag tayo ang kinasal para madaming magbibigay ng gift at baka daw may magbigay pa ng honeymoon package... right?" Sagot ni Nina na nakataas pa ang kilay sa boyfriend nya.
"Shhh.... ibinisto mo naman..." Sabi ni Roy na kunwari eh tinatakpan ang bibig ni Nina.
Kaya't naghagalpakan ang lahat sa kakatawa.
"Wag na kayong magtalo kung sinong kuripot at generous, alam naman natin kung sino ang pinaka-generous sa atin di ba? Syempre may tatalo pa ba kay Kuya Jeremy at Paula?" Sumabat si Alex. "Half ng kanilang cash gift e ibinigay sa charity.. so may gusto pa bang humirit sa inyo?
"Ay wala naman syempre... Nothing can beat that..." Sang-ayon ni Vince.
"Hindi naman po... Nagkataon lang na malaki naman yun na-receive namin so why not share it sa mas nangangailangan di ba?" Sagot ni Paula na noon ay 8 months pregnant na.
"Yeah that's true... Masarap naman talaga sa pakiramdam na nakatulong kami sa charity lalo na't pareho naming decision yun. Para ngang yun yung nagbigay lalo ng joy sa relationship namin ng Ate Paula nyo.." Nakangiting paliwanag ni Jeremy. "Kaya sa inyo lahat, basta payo lang, lahat talaga dapat pag-uusapan nyo. Both must be happy sa decision ng isa. Both must agree to one thing para masaya lahat di ba?
"Bingo! That's exactly what we want here ni Vince... To learn from all of you guys. Merong mas may experience becasue 3 years nang married like Ate Paula and Kuya Jeremy, may newly wed pa lang like Jasper and Alex. May nagpapa-plan pa lang ikasal like us, Nina and Roy and also Jed and Kitchy... Hmmm do you think kumpleto-rekados na tayo Vince?" Nakangiting sabi ni Jelly sabay sulyap sa kanyang honey.
"Yup, complete na complete! I'm sure madami tayong matututunan sa kanila before tayo sumabak sa "Look Who's The Boss"..." Nakangiti ding sagot ni Vince.
"Uwian na tayo, uwian na... Subject lang pala tayo for experiment ng dalawang 'to..." Nagbibirong sabi ni Jed sabay talikod na kunwari'y hahakbang paalis.
"Dude wait!" Bigla syang pinigil ni Vince. "How about 5 pairs of Nike collectibles, hmmm?" Nakangiting tanong ni Vince.
"Tinatanong pa ba yun? Syempre stay ako no? So, start na ba tayo?" Kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Jed.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
Roman d'amourFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...