Nakarating si Vince at Jelly sa cabin nang hindi man lang nag-uusap. Dinala ni Vince si Jelly sa kwarto at iniupo sa bed. Maya-maya ay hinubad ni Vince ang sneakers ni Jelly at dahan-dahang itinaas ang mga paa nito sa kama. Iniayos nya ang unan na hihigaan ng dalaga. Hindi pa din sya nagsasalita at hindi din nya kinakausap si Jelly. Maya-maya ay lumabas si Vince papuntang kitchen at nagtimpla ng juice para kay Jelly. Pumasok sya muli sa kwarto na dala-dala na ang juice at sandwich para sa kaibigan.
"Kain ka muna. This is good for you para medyo ma-relax ang tummy mo." Alam ko na-stress ka kanina sa pagkakadapa mo..." Malambing na sabi ni Vince.
"Thanks but I'm okay... I'm not hungry yet..." Nginitian sya ni Jelly. "T-thank you nga din pala kanina sa paggamot sa akin at sa pagbuhat mo sa akin pabalik dito..." Jelly said.
"Okay lang yun... kahit medyo mabigat ka, hehe! Peace!!!" Nagbibiro nitong sabi...
"Ganun mabigat ako??? Naku lagot ka talaga sa akin! Pasalamat ka at may sugat ako sa paa at di kita mahahabol.. Kundi naku..." Jelly thrown him a sullen look.
"Ikaw naman, di ka na mabiro... Syempre di ako nabigatan sayo.. Ako pa e trained yata 'to..." He said while showing his muscles.
"Where? Where are the muscles???" Pang-asar na sabi ni Jelly as she's pretending to look for something.
At nagtawanan silang dalawa...
"Can we always be like this?" Jelly asked.
"Like this, what?" Nagtatakang tanong ni Vince.
"Like this... Di nagsusungitan, di naiilang sa isa't isa kagaya nang dati." She said sincerely.
Biglang naging tahimik na naman silang dalawa.
"Why did you leave me?" Vince asked silently.
Hindi nakasagot si Jelly.
"Why did you run from me that night?" He added.
Bigla akong bumuntung-hininga para maka-recover sa nararamdaman kong kaba nang mga oras na iyon... "Ano bang dapat kong isagot?" Pilit pa ring tinatanong ni Jelly ang sarili dahil hanggang nang oras na iyon ay hindi pa rin nya alam ang dahilan kung bakit sya tumakbo nang gabing halikan sya ni Vince...
"Hindi ko alam, Vince... Honestly, hindi ko alam..." Sagot nya.
"Hindi mo alam? Gusto mo bang ipaalam ko sa'yo?" Medyo hesitant at emotional na tanong ni Vince.
Muli ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng magkaibigan.
"Duwag ka kase Jelly... Takot kang mahalin ako di ba? Yun ang dahilan kung bakit iniwan mo ako nung oras na iyon..." Vince declared. "Hanggang ngayon ganyan ka pa din... Laging takot..."
Napatingin si Jelly sa mata ni Vince... Ngunit muli ding tumungo pagkatapos dahil hindi nya matagalan ang mga tingin nito.
"Naaalala mo kung paano ka naging duwag sa pagmamahal mo noon kay Jasper. Natakot ka na ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya dahil sabi mo ay mga bata pa kayo... That will probably be a good decision dahil oo nga naman, mahirap makagawa nang isang bagay na hindi mo pinag-iisipan nang husto dahil nga bata ka pa... But still, nawala ang lalaking una mong minahal nang ganun-ganun na lang dahil naduwag ka. With Josh... actually may choice ka na pigilan sya na magpunta sa seminary, knowing na alam mo na mahal ka din nya. Kaya lang takot ka na baka di ikaw ang piliin nya, di ba? With Jed... takot ka na bigyan sya nang chance kase baka kapareho lang nang mga nagdaang "J" sa buhay mo ang mangyari sa inyong dalawa... At sa akin... duwag ka na ipakita ang totoo mong nararamdaman... Takot ka na mahalin ang bestfriend mo who doesn't possess the characteristics nang lalaking gusto mong makatuluyan someday. Bakit kailangang itago mo ang feelings mo Jell??? Alam ko... naramdaman ko ang tibok nang puso mo habang kayakap kita nang gabing yun... Lalo na nang magdikit ang mga labi natin dalawa... Alam ko Jell, hindi mo yun pwedeng itago sa akin... Mahal mo din ako..." Vince stated.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...