Chapter 33 - True Friends

3.4K 346 41
                                    

Sabado ng umaga. Naalimpungatan si Jelly nang bigla nyang maramdaman ang sikat ng araw sa kanyang mukha. 

"Oh, it's morning na pala, napasarap yata ang tulog ko." She whispered.

Maya-maya ay bigla syang nagulantang nang may marinig syang sunod-sunod na katok. 

"Sino yan?" Tanong nya pero wala namang sumagot. Nainis sya sa lakas ng mga katok kaya't napilitan na syang bumangon kahit nanlalambot pa.

"Nandyan na! Para namang masisira door ko sa katok na yan!" Inis na sabi ni Jelly.

Pagbukas nya ng pinto ay nagulat sya nang bumulaga sa harap nya ang mga kumakatok na sina Kuya Jeremy, Ate Paula, Nina, Roy, Jed at Jasper.

"Good morning Jelly!" Sabay-sabay nilang sigaw.

"Sheesh!" Sabay takip ko sa tenga ko. "Grabe kayo, may balak ba kayong sirain ang door ko???" Di nya alam kung ngingiti sya o sisimangot dahil ginulat sya ng mga ito sa ganung hitsura nya na gulo-gulo pa ang buhok at may muta pa yata sa mata. 

Pagkasabi nya noon ay parang mga walang narinig ang mga kaibigan at biglang nagtakbuhan na parang mga bata sa loob ng kwarto nya at sabay-sabay na nag-jump sa bed nya.

Umiling-iling na lang na nakiupo si Jelly sa kanila sa kama.

"Hahahaha!" Tawa sila nang tawang lahat.

"Ang kulit nyo! Ano bang meron today at napakaaga nyong mambulabog lahat?" Nakakunot pa din ang noo na tanong ni Jelly.

"Hehe! Wala naman... Nag-usap usap lang naman kami kagabi na they will come early here para i-discuss kung paano tayo makaka-help sa situation ni Vince." Nakangiting explanation ni Jeremy.

At tiningnan ni Jelly ang mga mukha ng mga kaibigan at tumatango sila lahat.

"Madaya talaga kayo, di nyo man lang sinabi sa kin, sana man lang mas inagahan ko pa gising... Look at me naman oh, ni hindi pa nga ako nakakapag-brush ng buhok ko o nakakamumog man lang, hmmp!"  Nakasimangot na sabi ni Jelly sabay cross ng arms.

Pagkasabi nya nun ay sabay lapit si Jasper at nagsalita. "My princess, kahit yata gulo ang buhok mo e ikaw pa din ang pinakamagandang bagong gising na nakita ko." Sabay akbay sa kay Jelly.

Biglang lumapit si Jed at tinanggal ang kamay ni Jasper sa balikat ng dalaga. "Oops gusto mong lumamang ha.. Akala ko ba e nag-usap na tayong tatlo ha, na friend zone na lang talaga tayong dalawa kay Jelly? Ikaw ha..." Sabay turo ng dalawang daliri nya sa mata nya papunta sa tapat ng mata ni Jasper which means he's watching Jasper. Kaya't nagkatawanan silang lahat.

"Oo na po sorry na po, na-carried away lang.. Peace bro!" Sabay peace sign kay Jed.

Dahil sa sinabi ni Jasper ay lalong lumakas ang tawanan naming lahat.

"Hahaha itong dalawang 'to talaga kahit kelan... So nagpunta pala kayo dito lahat para sa Oplan Sagip Vince, ganun ba yun?" Natatawang tanong ni Jelly.

"Oplan Sagip Vince? Mukhang okay na title yan ng project natin Jelly ah, smart ka talaga!" Nina giggled.

At nagtawanan ulit sila ng malakas.

"Tutal kayo naman ang may bright idea nito... so... paano ba ang strategy natin, hmmm?" At isa-isa silang tiningnan ni Jelly.

"Well syempre kailangan natin sya i-remind especially ng mga happy moments ng barkada." Suggestion ni Jeremy.

"Need natin i-show sa kanya ang mga pictures nya with the barkada kahit noong highschool, madami ako nun. Ikaw ba Jasper natitira pa ba yun mga pictures natin especially nun nag-ice skating tayo?" Excited na tanong ni Nina kay Jasper.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon