Chapter 40 - Alex Revealed

3K 323 17
                                    

Sa ospital habang natutulog si Vince...

Pak! Nayanig ang mukha ni Alex sa lakas ng sampal ni Mabel. 

"How dare you do this to my son!!! How dare you tricked us like this Alex! I trusted you! I treated you like my own daughter pagkatapos lolokohin mo lang pala kami ng ganito??? My God! Where is your heart? How can you do this habang nasa ganitong kalagayan ang anak ko..." Galit na galit habang dumadaloy ang luha sa pisngi ni Mabel, pinipigilang magtimpi at ihina ang boses dahil natatakot sya na magising si Vince sa ganung eksena nila ni Alex.

"Tita, I'm so sorry... I'm really sorry... Please forgive me... please... please po...." Pagmamakaawa ni Alex na pugtong-pugto na ang mata sa kaiiyak.

"Please lang Alex umalis ka muna dito, habang kaya ko pang pigilin ang sarili ko... Please..."

"Tita, patawarin nyo na po ako oh... Minahal ko lang po talaga si Vince ng sobra kaya ko nagawa yon... please po, please po forgive me..." Napaluhod na si Alex sa pagmamakaawa.

"Alex please leave... please... leave right now..." Itinayo ni Mabel si Alex at pilit na ipinagtabuyan sa labas ng pinto. Nagpupumilit pa rin makiusap si Alex na patawarin sya pero di na sya pinakinggan ni Mabel. Tuluyan na nitong isinara ang pinto. Pagkasara ng pinto ay naalimpungatan si Vince.

"Mom..."  Tawag ni Vince.

Mabilis na pinahid ni Mabel ang luhaang mata bago humarap kay Vince.

"Is something wrong?" Curious na tanong ni Vince.

"Nothing, anak... Nothing..." Pag-a-alibi ni Mabel.

"Para kasing may naririnig akong boses ng umiiyak kanina kaya nagising ako... Si... si Alex nga pala dumating na ba sya?" Tanong ni Vince.

"Hi-hindi pa anak... Don't worry I'll wake you up pag dumating na sya. Mabuti pa matulog ka na lang ulit." Nilapitan ang anak at umupo sa tabi nito at hinaplos nya sa pisngi ang anak. "Sige na sweetheart you go back to sleep na muna... Mag-rest ka nang maayos kase tomorrow e pwede na kitang umuwi sa bahay sabi ng doctor mo..." At hinalikan nya sa noo ang anak.

Ngumiti lang sa kanya si Vince at maya-maya ay nakatulog na ulit.

Nang matiyak na tulog na ulit si Vince ay kinuha ni Mabel ang cellphone nya at nag-dial ng number.

"Hello Jelly... Can you please be here iha? I really need you this time... please..." Naiiyak na naman si Mabel. "Thanks... I'll be waiting for you." Pagka-hang-up ng phone ay nilapitan ulit ang anak at hinawakan ang kamay nito.

Sa labas ng kwarto ay nakaupo pa rin at nakasandal sa pinto ang umiiyak na si Alex. Awang-awa sya sa sarili sa oras na iyon pero hindi naman nya masisisi ang kanyang Tita Mabel kung sobra ang maging galit nito sa kanya dahil malaki naman talaga ang kasalanang nagawa nya. Wala naman syang ibang magawa nang oras na iyon kundi ang umiyak nang umiyak.

Maya-maya ay biglang may lumapit sa kanya. Iniangat ang kanyang mukha at pinahid ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Pilit syang itinayo nito at niyakap nang mahigpit at tinapik-tapik ang kanyang likod.

"Jasper...." lalo syang napahagulhol habang binabanggit ang pangalan nito. 

"Sige lang... iyak ka lang sa balikat ko hangga't gusto mo... Nandito lang ako..." Sabi ni Jasper habang hinihimas ang likod ni Alex. 

Maya-maya ay inalalayan nya ito palabas ng ospital... papalayo sa lugar na iyon...

Nang mareceive ang tawag ng kanyang Tita Mabel ay agad agad na sumakay ng kotse si Jelly para pumunta ng ospital. Sa pakinig nya ay umiiyak ito kaya't kailangan talagang magmadali syang puntahan ito.

Eksaktong 20 minutes ay nakarating sya ng ospital. Pagpasok nya ng kwarto ni Vince ay nadatnan nya pa ding hawak-hawak ng Tita Mabel nya ang kamay ni Vince at umiiyak ito. Dali-dali nyang niyakap ito.

"Tahan na po, Tita. Tahan na po... Just tell me kung maitutulong ko..." Hinagod-hagod nya ang likod ng Tita Mabel nya habang nakayakap dito.

"I'm sorry, Jelly... I'm sorry hindi ko alam..." 

"Bakit po kayo nagso-sorry? Ano po bang nangyari..." Curious na tanong ni Jelly.

"Dito tayo sa couch mag-usap, anak..." Niyaya sya ni Tita Mabel nya na umupo sa couch.

Inalalayan nya sa pag-upo ang kanyang Tita.

"Ano po ba talagang nangyari?" Ulit na tanong ni Jelly.

"Nagpunta kase dito si Alex at ipinagtapat na nya sa akin ang lahat... Ang pagsisinungaling nya sa amin pati na ang pagtatago nya ng truth about sa inyong dalawa ni Vince..." Simula ni Mabel.

Jelly bowed her head and started to cry.

"I was so mad at her kase hindi sya dapat nagsinungaling at pinapaniwala si Vince na sya ang girlfriend ng anak ko kahit ang totoo ay ikaw naman pala ang kasintahan ni Vince." Hinawakan nya ang kamay ni Jelly. "Mixed emotions actually ako ngayon kase, I'm happy at the same time kase ikaw pala yung totoong girlfriend ni Vince, which is matagal ko nang wini-wish..." Hinawakan nya ang pisngi ni Jelly at pinahid ang pumapatak na luha dito. "Alam ko napakahirap ng naging sitwasyon mo nitong mga huling araw na hindi mo man lang maalagaan ng maaayos si Vince kahit alam kong gustong-gusto mo dahil nga nandyan si Alex.... Anak, I'm sorry..."

"I have to say sorry din po Tita that I didn't say anything... Nung hindi pa nagigising si Vince, I planned to tell everyone na pag gumaling na si Vince ay sabay naming sasabihin sa lahat na mag-boyfriend na po kami. Kung alam ko lang na mauunahan ako ni Alex nung time na yun, sana sinabi ko na lang kahit wala pang malay noon si Vince. Noong sinabi ni Alex na mag-boyfriend sila, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maipaglaban ang karapatan ko dahil inaalala ko ang kalagayan ng mahal ko. Hindi pwedeng magulo ang isip nya, baka makasama sa kanya. Kaya po pinili ko na lang munang magpaubaya... Sorry po tita..." Napatungo ulit si Jelly.

"Don't worry iha, naiintindihan kita. Kung ako nasa sitwasyon mo baka ganun din ang gawin ko... Salamat Jelly... alam ko mahal na mahal nyo ni Vince ang isa't isa. Ipagdasal natin na tuluyan na syang gumaling nang maging masaya na uli kayong dalawa." Hinagod ni Mabel ang buhok ni Jelly.

"Salamat po Tita... Sana nga po gumaling na sya... I really miss Vince... sooo much..." At niyakap nya ulit nang mahigpit ang Tita Mabel nya.

Want to be more updated with the latest MLMJ News??? 

Follow Us Now @ https://twitter.com/OfficialMLMJ

Visit and Like Our Page @ https://www.facebook.com/MyLastMr.J

Keep In Love! <3 <3 <3 


TO BE CONTINUED...

 


My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon