Inagahan ng magkakaibigan ang pagpunta sa bahay nila Vince para maghanda ng surprise "Welcome Home" party para dito. Iniayos nila ang maluwang na living room ng mga Montenegro. Masayang-masaya sila at sobrang excited dahil sa wakas ay makakauwi na din mula sa ospital ang kaibigan na mahigit isang buwan na nag-stay sa hospital. Although hindi pa rin ito totally magaling dahil nga sa amnesia nito pero sobrang happy na din sila kase nga safe na ang health ni Vince at wala nang anuman na life threatening issues na result mula sa pagkaka-aksidente.
Habang nag-aayos ng flower sa table si Jelly ay nilapitan sya ng kanyang Ate Paula.
"Hey Sis! Relax lang okay? Sige ka magmumukha kang stressed e kailangan pa man din na beauty ka pag nakita ka ng iyong Honey mamaya.." Paula giggled. "After mo mag-ayos dyan mag-rest ka na sa couch then susunod ako sa'yo at lalagyan kita ng light make-up." She added.
"Ate Paula talaga... I'm not stressed... Ahmm well medyo kabado lang... slight, hehe! Ikaw talaga, no need na the makeup kase pretty naman ako kahit wala nun dahil nagmana ako sa aking future sister-in-law! Hahaha!" Pinilit nyang magpatawa para matanggal ng konti ang kaba nya.
"Ay syempre naman noh? Agree na agree ako dyan... Hahaha!" At nag-high five pa ang dalawang dalaga.
Makalipas ang isang oras ay narinig na ng magkakaibigan ang busina ng kotse sa labas ng bahay.
Mabilis na lumabas ang dalawang helpers ng mga Montenegro sa labas para salubungin ang mga dumating. Sinulyapan naman ng magkakaibigan kung maayos na talaga ang mga ini-prepare nila na "Welcome Home Vince" banner, balloons, foods especially ang cake at isang special jar ng jelly beans na ini-prepare ni Jelly. Then excited sila na nagkumpul-kumpol sa tabi ng party table. Hihintayin nila ang pagpasok ng Tita Mabel nila at ni Vince.
Sa labas ay inalalayan ng dalawang maids at ng driver si Vince para makababa ng kotse. Nakakalakad naman sya ng maayos kaya't hinawakan lang sya ng mga ito sa kanyang kamay para maglakad.
Nang makarating sila sa may pinto ay dahan-dahang ibinukas ni Mabel ang front door. Pagkabukas na pagkabukas ay sabay na nagsigawan ang magkakaibigan... "SURPRISE!!!!"
Maluha-luha si Vince ng mabungaran ang masasayang mukha ng mga kaibigan, na although di pa nya naaalala ay ramdam naman nya sa sarili nya ang pagmamahal at concern ng mga ito sa ospital pa lang. Si Mabel ay maiyak-iyak din sa tuwa dahil sa wakas ay nakauwi na ng bahay ang anak at kasama pa nito ngayon ang mga totoong kaibigan na totoong nagmamahal sa kanya.
Isa-isang lumapit ang magkakaibigan kay Vince at niyakap ito.
Pagkatapos yumakap ang lahat ay naiwan si Jelly sa kanyang kinatatayuan. Hindi nya malaman kung anong gagawin ng oras na iyon. Puno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi nya malaman kung ano ang eksaktong gagawin nya. Gustong tumulo ng kanyang mga luha dahil sa tuwa at kaba ng mga oras na iyon. Dahan-dahan namang lumingon sa kanya si Vince. Nagsalubong ang kanilang mga nangungusap na mata.
Di napigilan ni Jelly ang kanyang sarili. Napatakbo sya sa harap ni Vince at dali-daling niyakap ito ng mahigpit na mahigpit. Sa paghiwalay nya sa pagkakayakap dito ay dahan-dahan syang tumingala ng bahagya at hinanap ang mga mata ni Vince. Pareho silang mangiyak-ngiyak sa saya. Hindi nagtagal ay unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Unti-unting kumilos ang kanilang mga labi papalapit sa isa't isa. Nang magdikit ito ay para silang lumipad sa ulap. Wala na silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Both of them want to show how much they missed each other. They are both running out of breath when they stopped kissing. "I missed you so much, Vince... I love you.." Jelly uttered. "I love you too, Jelly..." malambing na sagot ni Vince na pabalik-balik ang tingin sa magkabilang mata nya. At sa pangalawang pagkakataon ay naglapit ulit ang kanilang mga labi.
Nagulat si Jelly nang biglang may nagsalita. "Sis... di mo ba lalapitan si Vince?" Bulong na tanong sa kanya ni Paula. Jelly shook her head and realized that she was just imagining all along.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Jelly.
Isinenyas ni Paula na lapitan nya si Vince na nakatingin sa kanya ng oras na iyon.
Kaya't dahan-dahang lumapit si Jelly kay Vince. Sa totoo lang, talagang takot syang lumapit dahil baka magawa nya talaga kung ano yung ini-imagine nya kanina pa. Pero alam nyang hindi pa pwede. Nag-usap kasi sila ng Tita Mabel nya na unti-unti o gradual lang ang magiging process nila para ipaalam kay Vince ang totoo. They will start at the very beginning. Yun bang parang nasa "getting to know" stage. Dahil nga alam ni Vince na mag-bestfriends sila, they will start muna that way. Coz they know that eventually, Vince will learn to know her from his heart.
Nang nasa harap na sya ni Vince ay nagsalita si Mabel.
"Anak, won't you hug your bestfriend?" She said to Vince.
Hindi na nakapagsalita pa si Jelly nang bigla syang yakapin ni Vince. Unti-unti din nyang ikinilos ang kamay nya para gantihan ang yakap nito. Napapikit si Jelly. Na-miss nya ang yakap na iyon. Hindi na nya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nang magbitaw sila sa pagkakayakap ay nakita ni Vince ang luha sa kanyang mga mata. He wiped her tears.
"Hey, bakit umiiyak ang maganda kong bestfriend? Di ba dapat masaya ka kase magaling na ko, ha?"At pinisil nito ang pisngi nya. "Kahit naman di ko naaalala ang past natin, I just can feel in my heart that we are close.. So wag ka nang umiyak, dahil promise, pag nakaalala na ako, ikaw ang unang makakaalam.. Mom okay lang ba, di ka magseselos?" At kinindatan nya ang mommy nya.
"I will try..." At itinaas nito ang isang kilay.
Kaya't nagkatawanan silang lahat. Napatawa na din si Jelly habang pinapahid ng kamay ang natitirang luha pa sa pisngi nya.
"Yan ba, e di mas maganda pag tumatawa ka, lalo kang kumu-cute!" Sabay pinisa nito ang ilong nya.
"Ouch! Hindi ka pa nakakaalala pero mahilig ka pa ding mangpisa ng ilong kaya eto ang sa'yo!" Kinurot nya ng pino ang tagiliran ni Vince.
"Aray! Masakit yun ah!" Reklamo ni Vince. "Ganito ba talagang mangurot to?" Tanong ni Vince na tiningnan ang mga kaibigan.
At parang mga robots na sabay-sabay na tumango ang mga ito.
"Ay, ayoko na palang makaalala kase baka pag nakaalala ako lalo pang sakitan nito ang kurot sa kin!" Nakasimangot kunwari habang hinihimas ang tagiliran na kinurot ni Jelly.
"Naku talaga! Pag nakaalala ka na, hindi lang yan ang aabutin mo sa'kin!" Sabi ni Jelly na nakataas ang isang kilay.
"Ah ganun? Eto naman ang aabutin mo sa'kin..." At kiniliti ni Vince si Jelly sa tagiliran nya.
"Hey, no... Lagot ka sa kin talaga! Stop it!" Sigaw ni Jelly.
"Well, I guess... they're back to normal..." Umiiling-iling pa na sabi ni Jeremy.
Kaya't nagtawanan silang lahat habang pinapanood ang dalawang nagkukulitan.
*** END OF FIRST SEASON ***
-- Continue to Season 2 right away on the next chapter :)
Want to be more updated with the latest MLMJ News???
Follow Us Now @ https://twitter.com/OfficialMLMJ
Visit and Like Our Page @ https://www.facebook.com/MyLastMr.J
Keep In Love! <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...