(JELLY'S POINT OF VIEW)
Sa pagdating ni Jasper, lalo yatang gumulo ang dati ko nang magulong utak. "Ano ba 'to'ng pinasok ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakadapa ako sa kama at iniuuntog-untog ang sarili ko sa unan.
"Jelly, alis na daw tayo, you have to hurry up!" Tawag sa akin ni Ate Paula mula sa labas ng pinto ng aming kwarto. Lahat sila ay naghihintay na sa akin dahil magha-hiking and camping kami sa isang gubat na malapit sa beach. At syempre, dahil sa pumunta dito si Jasper sa Boracay para sundan kami, so kasama na din sya sa lahat ng activities namin sa natitirang 2 days namin dito sa isla. Gusto ko naman syang makasama, in fact, excited pa nga ako kase matagal din naman namin syang hindi nakasama. Kaya lang, nervous at the same time dahil hindi ko alam ang magiging effect ng presence nya sa akin, kay Vince at kay Jed. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagdating nya. Hindi ko din alam kung matutuwa si Vince na alam nya na nagbalik ang dati kong first love. At si Jed dahil nga alam nya na may konting past kami ni Jasper. Well, whatever happens, kailangan kong harapin ang mga fears ko. "Huhhh, kaya ko to!" I told myself as I'm breathing in and out.
"Coming, Ate Paula! Palabas na ko!" I responsed.
"Okay, we will wait outside the cabin na lang, okay!" Ate Paula added.
"Sure! Give me 2 minutes!" Then I stood up and grabbed my backpack.
Sa labas ay naghihintay na silang lahat. Nang makita nila akong palabas na ng cabin ay nagsimula na silang maglakad maliban kay Jed at Jasper na sadyang hinihintay ako kaya't malamang ay magpapahuli. Bago tuluyang lumakad si Vince ay nakita kong sinulyapan nya ang kinatatayuan ng dalawa ni Jed at Jasper at maya-maya ay lumingon sa aking kinakatayuan. Ngingitian ko sana sya pero tumalikod na rin sya kaagad at sumabay sa paglalakad kay Alex na dali-dali namang kumapit sa braso nya.
"Hi Jelly!" Bati ni Jasper sabay taas ng kanang kamay.
"Hello Jelly! Ako na ang magdadala ng backpack mo, please..." Bati ni Jed.
"Hello sa inyong dalawa." I replied shyly. "Uhmmm thanks Jed. But actually, I'm okay. Siguro mamaya na lang pag di ko na kayang maglakad, hehe!" Pabiro kong sagot.
"Oh okay." Tumatangong sagot ni Jed.
"Pero sa akin mo na lang ibigay mamaya ang backpack mo pag napagod ka kse kokonti lang naman ang dala ko e." Jasper said habang nakatingin kay Jed..
"But I was the first one to ask." Jed added na tiningnan din si Jasper.
"Ooooppps, boys wait, mukhang maiiwan na nila tayo, so we must hurry na." I said habang nagsisimulang lumakad ng mabilis.
Maya-maya ay humahabol na ang dalawa kaya't lalo kong binilisan ang paglakad. But because they are faster than me, napansin ko na lang na yung isa ay nasa right side ko na at yung isa ay nasa left side. "Kaloka talaga itong dalawa na to..." I whispered to myself habang umiikot ang mga mata.
Maya-maya ay nakarating na kami sa bungad ng forest na lalakarin namin. There are lots of rocks na nadadaanan kaya't medyo naging complicated ang paglalakad namin. Maya't maya ay inaalalayan ako ni Jed at ni Jasper just to make sure na di ako matutumba at masusugatan. Mapapansin mo nga na medyo nagkakainitan na nang konti ang dalawa dahil nag-uunahan sila to help me. But I can't help but to notice din ang pag-alalay ni Vince kay Alex. Hindi ko alam pero may kurot na talaga sa dibdib ko tuwing makikita ko silang dalawa na magkatabi. I can't help but to recall ang nangyari nung isang gabi, about sa sinabi nya sa akin, how he hugged me, and that kiss... that kiss that I will never forget the feeling... Pero... oo nga pala, pagkatapos noon ay bigla na lang akong tumakbo. Tumakbo papalayo sa kanya. Nasaktan ko kaya si Vince? Malamang nga nasaktan ko sya... Kaya nga ba't simula noong gabing iyon ay di pa din nya ako kinakausap about doon? Is it the reason why I felt that he is so far away from me?
Dahil sa kaiisip ay hindi ko namalayan ang isang malaki at matulis na bato na nasa aking harapan. Huli na nang marinig ko ang warning sa akin ni Jed.
"Jelly wait!" Sigaw ni Jed. Sabay hakabang sa kinaroroonan ko ngunit huli na dahil natisod na ako sa malaking bato at tumama ang aking binti sa gilid nito. Natumba ako dahil na-out of balance na ako ngunit buti na lang nasalo ako ni Jasper. If not, malamang ay napatama pa ang ulo ko sa isa pang malaking bato.
Biglang napatigil sa paglalakad ang mga nasa unahan nang marinig ang ingay namin sa likuran.
Napatakbo papalapit si Vince at si Kuya Jeremy at kitang-kita sa mukha nila ang pagkatakot nang makita nilang dugong-dugo ang binti ko dahil sa sugat. Nagmamadaling ibinaba ni Vince ang bag nya at kumuha ng first aid kit, bandages at alcohol.
It was so painful pero hindi ko maiwasan na hindi humanga kay Vince ng mga oras na iyon. Nakita ko sa mukha nya ang sobrang pag-aala-ala and I'm even so thankful dahil hindi pa rin sya nagbabago sa pagiging boy scout nya. Never syang umaalis nang walang dalang first aid kit. Naalala ko pa nang minsan magkaroon kami ng camping when we were in Elementary na naaksidente din ako dahil sa pagkakadapa.
"O yan ha, mag-iingat ka kase palagi. Nag-aalala akong sobra pag nasusugatan ka kaya simula ngayon, I will always bring my first aid kit everytime na kasama kita para sure ako na ako lang ang gagamot ng sugat mo.. okay ba yun?" Vince said habang binabalutan nya ng bandage ang sugat ko sabay ngiti.
Biglang napatigil ang daydreaming ko nang maramdaman ko ang hapdi nang sugat ko dahil sa alcohol na ibinuhos ni Vince.
"Ouuuuuchhhh! Why did you do that, Vince? It is so painful!!!" Masungit na sigaw ko kay Vince.
"Hindi ka kase nag-iingat! Bakit ba laging di ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Sigaw ni Vince na kasinglakas nang sigaw ko.
"Kung susungitan mo lang ako, wag mo na kong gamutin! Sinabi ko bang tulungan mo ko???" Tinaasan ko pa ang boses ko dahil sa inis. Maya-maya ay naramdaman ko na lalo nyang dinidiinan ang pag-lilinis sa sugat ko na medyo malalim pala. "Ouuucchhhh! ano ba???"
Hindi na sya nagsalita. Hindi rin makapagsalita ang mga tao sa paligid namin habang nanonood sa paggamot sa akin ni Vince. Siguro ay dahil na din sa pagkabigla at dahil sa ayaw na nilang makadagdag pa sa tension sa pagitan naming dalawa ni Vince.
Pagkatapos nyang malagyan ng bandage ang sugat ko ay nagsalita sya.
"Kuya Jeremy, hindi pwedeng maglakad si Jelly dahil malalim ang sugat nya. Malamang ay di nya kakayanin na makarating sa pupuntahan natin. I think kailangan na nyang bumalik sa cabin." Sabi ni Vince
"What??? No way? Kaya ko to, no?" I tried to stand up pero hindi ko pala talaga kaya kaya't bigla akong binuhat ni Vince.
"Sige na Kuya Jeremy, ako na ang bahala sa matigas ang ulo na to. Pero tumuloy kayo kase sayang naman ang plano nyo ni Ate Paula. She'll be okay for sure." He explained.
"But..." I was about to refuse.
"No buts na Jell, makinig ka na lang kay Vince.. Okay Vince, just take care of her and we'll continue this hiking..." Kuya Jeremy declared.
Parang gustong tumutol ni Jed, Jasper at Alex pero wala din silang nagawa. Hindi na nakatutol pa ang iba naming kasama.
Bago kami umalis ay pinasakay na lang ako ni Vince sa kanyang likod at lumakad na nga kami pabalik sa cabin.
Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko nang oras na iyon. Natutuwa ba ako o naiinis sa ginawa nya? Hindi ko alam ang iisipin ko sa oras na iyon. Nagtatalo ang isip at puso kung gusto ko ba talaga ang pagkakataon na iyon na magkakaroon kami ng oras na makapag-usap at magkakaroon ng moment na kaming dalawa lang. Pabilis na naman nang pabilis ang tibok nang puso ko.... "Oh Vince... bakit ganito na ang feeling ko tuwing kasama kita?..."
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...