Naging consistent ang magkakaibigan sa pagdadala kay Jelly sa room ni Vince kaya naman mabilis na nakarecover si Jelly. After five days ay pinayuhan na ito ng doktor na pwede na itong lumabas. Before lumabas ng ospital ay dinalaw nya ulit si Vince. Pinabayaan ulit ni Tita Madel nya na masolo nyang makausap si Vince before sya mag-check-out ng hospital
Pagpasok nya ng kwarto ay hinalikan nya ito sa noo at binulungan. "Good morning, Vince ko... Paano ba yan uuwi muna ako ng bahay namin kase namimiss ko na din yun.. Tagal ko na din hindi umuuwi... Totally magaling na nga pala ako, kaya dapat pagaling ka na din para makapag-basketball na ulit tayo. Sobrang miss na miss na kita..." Nagsimula nang mag-crack ang boses ni Jelly. "Dapat gumising ka na kase hindi pa natin napapag-usapan ang endearment natin... Hmmm... ano nga bang gusto mong itawag ko sa'yo? Honey ba or sweetheart or Babe or Love or... hayyy.. bahala na nga basta paggising mo, ikaw ang masusunod kung anong gusto mong tawag mo sa kin. Hindi ako magrereklamo, promise! Your wish is my command, never akong magco-complain basta gumising ka lang..." Tumulo na naman ang luha nya.
Hinawakan nya ang kamay ni Vince nang mahigpit na mahigpit. At maya-maya ay hinalikan ito. "Just promise me na gigising ka, gusto ko paggising mo ako yung una mong makikita. I love you, Vince... I'll be back, promise."
Maya-maya ay tumayo na sya at nagpaalam kay Vince. Muli nyang hinalikan si Vince sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Gaya nang pangako nya ay araw-araw nga syang dumalaw kay Vince. She made sure na may dala syang iba't ibang special jar ng jelly beans tuwing dadalaw sya kay Vince. Para paggising nito ay malaman nya na lagi syang dumadalaw doon.
Dumating ang May 18. That day is very special kay Jelly dahil ito dapat ang 1st monthsary nila ni Vince. Gusto nyang maging special ang araw na iyon kahit tulog pa si Vince. Alam nya na kung gising si Vince e magbibigay yun ng bouquet of roses sa kanya kaya't nagpagawa sya ng isang bunch of 12 blue roses and nagprepare din sya ng 3 small special boxes of jelly beans.
Pagdating nya sa kwarto ni Vince ay nurse lang ang nadatnan nya. Umalis lang daw sandali ang mommy nito na si Tita Mabel.
Natuwa na din sya dahil at least masasabi nya kay Vince lahat ng gusto nyang sabihin dahil sila lang dalawa sa kwarto.
Gaya nang kinagawian nya, ni-kiss nya sa noo si Vince at kinausap nya ulit ito na kagaya ng normal na conversation nila.
Hawak-hawak nya ang kamay nito habang sya ay nagsasalita.
"Alam mo, I'm so happy today kase 1st monthsary na natin..." Ngumiti si Jelly nang matamis na matamis na parang nakikita sya ni Vince. "Happy Monthsary, mahal ko... Sobrang mahal na mahal kita. I can't explain yun love na nararamdaman ko para sa'yo. Imaginin mo tayo palang dalawa? Si Jelly-Vince na laging nagbabangayan.. si Jelly-Vince na laging magkaaway... si Jelly-Vince na magbestfriend... Sila pala para sa isa't isa.. Imagine, all this time naghanap ako ng "J". At napakarami ko na ngang nakilalang "J" pero hindi ko pa din mahanap yung gusto ko. Tapos yun pala hanap ako nang hanap, nandiyan lang pala sa tabi ko all these years... Coz It's just you lang pala..."
"Wait... wait... JUST YOU??? Gosh Vince, I didn't realize... Yeah you're a "J"! JUST YOU! IT'S JUST YOU!"
Biglang napaiyak si Jelly... "Kung sana gising ka masasabi ko sana sa'yo na ikaw lang pala.. JUST YOU pala... "
Tumayo si Jelly at hinawakan nya bahagya ang ilong nito gaya ng ginagawa nito sa kanya.
"If I can draw what I want you to dream right now, I will draw the picture of the two of us holding hands together... Yun bang kahit maputi na yun buhok natin at uugod-ugod na e sasabihin ko sa'yo.... I love you, My Last Mr "J". Tapos ulyanin ka na pala talaga then sabi mo, "E hindi nga "J" ang pangalan ko e, V nga... Vince ang pangalan ko hindi Jince... At sasagutin naman kita nang ganito.. "Basta "J" ka... Ikaw lang ang mahal ko wala nang iba... "JUST YOU" lang..."
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomansFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...