Nadatnan ni JM si Jelly na nakaupo sa buhanginan habang nakatungo at umiiyak. Umupo sya sa tabi nito at maya-maya ay inabutan ito ng panyo. Biglang naalimpungatan si Jelly. Hesitant man sya pero tinanggap din nya ang panyo na iniabot sa kanya ni JM at pinahid ang kanyang luha.
"Tama na ang iyak, lalabas ang eyebags mo nyan sige... Tapos lolobo yan ng lolobo then biglang magbu-burst... Ka-boom!!!" Nagbibirong sabi ni JM trying to cheer up Jelly.
"Silly... Pinilit tumawa ni Jelly kahit sa boses ay mahahalata mo na umiiyak pa din.
"I don't know how painful it is kase di pa naman nangyayari sa akin na maiwan e, baka nga ako pa ang mang-iwan..." Simula ni JM.
"What?" Tanong ni Jelly dahil medyo mahina ang pagkakasabi ni JM sa huling part ng sinabi nya.
"Nothing... sabi ko lang... I know mahirap ang pinagdadaanan mo now pero sigurado ka ba na hindi din mahirap kay Vince ang nangyari sa inyong dalawa? You don't even know the reason why he left. Are you sure naging madali para sa kanya ang magpaalam?" Tanong ni JM sa mababang boses.
Umiling si Jelly. "I don't know... probably madali sa kanya kase hindi man lang nya naisip ang mararamdaman ko, not knowing what he's up to. I don't even know what was running in his brain ng mag-decide sya na iwan ako... I don't even know if he really loves me, coz he doesn't even trust me to impart on what's going on with him... Wala akong alam... he left me empty-handed and that's the most painful part there." Di na naman napigilan ni Jelly ang pag-iyak.
Di napigilang hawakan ni JM ang dalawang pisngi ni Jelly. Iniangat nya ang mukha nito. "Look Jell... hindi ibig sabihin na umalis sya nang hindi ipinapaliwanag sa'yo ang lahat ay hindi ka na nya mahal. Tell me.. Naniniwala ka ba talaga na hindi ka mahal ni Vince? Naniniwala ka ba na umalis sya dahil hindi ka na nya mahal?
Umiling si Jelly.
"It doesn't mean na ayaw nyang maki-partake ka sa pinagdadaanan nya ngayon ay hindi ka na bahagi ng puso nya. Naniniwala ako na minsan may pinipili ang isang tao na hindi sabihin sa mahal nila, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na nila ito mahal." Patuloy na sabi ni JM.
Biglang yumakap sa kanya si Jelly. Wala syang nagawa kundi i-comfort ito. Habang yakap nya si Jelly ay hindi nya maiwasang isipin na sana ay sya na lang ang mahal nito. "Kung alam mo lang ang laman ng puso ko Jelly... Kung pwede ko lang sanang sabihin na kalimutan mo na lang si Vince at ako na lang ang mahalin mo... Kung pwede ko lang sanang yakapin ka sa bisig ko araw-araw tuwing umiiyak ka... I love you so much, my Silhouette Girl..." Bulong ni JM sa isip nya.
Si Jelly naman ay parang bata lang na dinama ang comfort sa bisig ng isang mabuting kaibigan.
Nang maramdaman ni JM na okay na si Jelly ay niyaya na nya itong bumalik sa bonfire.
"Let's go back,? Hinihintay na nila tayo, lalo ka na, hinihintay ka nila... You're so blessed to have friends like them. How I wish na meron din akong mga kaibigan na kagaya nila." Nakangiting sabi ni JM.
Ngumiti din si Jelly. "Who told you na you can't be friends with them. You're a good friend to me so they will sure love to have you as their friend too." She said.
"Are you sure?" He asked with a smile.
"Totally sure." Jelly replied.
Kaya't tumayo si JM at iniabot ang kamay nya para alalayan si Jelly na tumayo. At lumakad na sila pabalik sa bonfire.
Nakangiti sa kanya ang lahat ng kaibigan ng bumalik sya. Nginitian din nya ang mga ito.
"I'm sorry for running away guys. Don't worry, starting now tuwing kasama ko kayo, lagi kong iisipin na I'm the luckiest girl in the whole world to have the funniest and most loving barkada ever!" Sigaw ni Jelly.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...