Chapter 61 - Beyond Memories

1.5K 44 10
                                    


Dumating ang umaga at natanong na ni Jelly at JM ang mga kaibigan at ang buong crew kung may nakapulot ng necklace nya pero kahit isa sa kanila ay walang nakakuha nito. Ini-report na din sa hotel management pero ni isa sa mga employees ay walang nakakita. Inulit pa nga nila ang paghahanap sa mga posibleng lugar na pwedeng nalaglag ito pero wala talaga. Kaya naman malungkot na malungkot si Jelly habang pauwi ng Manila. 

Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip nya ang mga huling araw bago sila magkahiwalay ni Vince. Napaka-gaganda ng memory at hindi nya mapigilang maiyak sa mga naaalala. Kinuha nya ang cellphone at tiningnan ang mga pictures doon. Pinagmasdan nya ang picture ng necklace na kinuhanan nya. Hindi nya maiwasang manghinayang. "Nawala na nga si Vince, pati ba naman ang necklace na bigay nya, nawala na din..." Bulong ni Jelly sa sarili habang tumutulo ang luha.

Hindi maiwasan ni JM na maawa kay Jelly habang nakatingin sya dito at pinagmamasdan ang pag-iyak nito. Magkasama sila sa van kaya't kitang kita nya ang lihim na pagpahid nito sa luha. Kung pwede lang sana syang tumabi dito para i-console, yakapin at pagaanin ang nadaramang bigat nito ay ginawa na nya. Nag-iingat lang sya dahil malamang ay tutuksuhin silang dalawa ng mga crew which is not good sa kalagayan ngayon ni Jelly.

Pagdating nila sa Manila ng mga 4:00 ng hapon, dali-daling pumunta si Jelly sa kanyang kwarto matapos syang salubungin ng yakap at halik ng Daddy at Mommy nya. Alam ng mga ito na pagod ito at exhausted kaya't di na muna sila nakipagkuwentuhan. Pagkapasok ni Jelly sa kwarto ay nag-isip sya kung paano nya marerecover ang necklace nya na nawala. "Ano kaya kung tumawag ako doon sa jewelry shop? Baka sakaling meron pa silang kapareho nun..." Bulong ni Jelly sa sarili. Alam naman nya kung saan ito na-purchase ni Vince dahil nga magkasama sila sa pamamasyal nung makita nila yun dati. Jelly shook her head. "No way... Pag kumuha ako ng kapareho nun para i-replace yung nawala, para ko na ding niloko ang sarili ko... It cannot replace the one I lost kahit pa they look the same... Grrrrr! Ano ba talagang gagawin ko! Nagpapadyak at nagtatalon si Jelly trying to feel better. Then she jumped to her bed and cover her face with the pillow. Dahil siguro sa pagod, puyat at kakaiyak ay mabilis na nakatulog ito. 

 Malapit nang mag-7 o'clock ng gabi nang maalimpungatan sya dahil sa katok sa pinto.

"Jelly anak, mag-dinner ka muna before mo i-continue ang pagtulog mo. Baka malipasan ka ng gutom.." Malakas na sabi ng Mommy nya sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. "Oo nga naman anak..." Sang-ayon ng Daddy nya na nasa labas din pala ng pinto. "That's right little sis..." Pag-"third the motion" ng Kuya Jeremy nya.

Bahagyang napangiti si Jelly. Nata-touch sya sa effort ng family nya lagi para pangitiin sya sa mga oras na down na down sya.

"You may enter na, the door is not locked..." Malakas na sagot ni Jelly na nakahiga pa din.

"Good evening Ms. Silhouette Girl... Dinalhan ka namin ng favorite dinner mo..." Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Bumangon si Jelly at nakita nya ang mga hawak na food ng mommy, daddy at Kuya Jeremy nya. 

"Dinalhan ka namin ng sinigang na baboy, daing na bangus. Ipinagluto ka din ng daddy mo ng tortang talong tapos ipinag-prepare ka ng Kuya mo ng buko salad at fresh mango juice! Hmmmm sarap!" Nakangiting sabi ng Mommy nya. Ang daddy at kuya naman nya ay parang mga commercial models na idinisplay sa harap nya ang mga pagkain.

Natawa si Jelly sa gimik ng family nya. "They don't stop making me smile..." Bulong nya sa isip nya. "Hayyy... napaka-sweet naman talaga ng family ko! Come here nga kayo lahat kase I love warm hugs!" Sigaw ni Jelly.

"Olaf, ikaw ba yan?" Biro ni Daddy Jim.

At sabay-sabay silang kumanta ng "Do You Wanna Build A Snowman" mula sa Frozen movie.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon