Sa 2nd episode ay nakilala naman ni Jelly at Vince ang next couple, si Keisha and Timothy.
Napili ng LWTB team na i-meet ang couple sa office ng Emerald Wedding Planner na humahawak ng preparation ng wedding ni Keisha and Timothy.
Pagdating ng buong crew sa EWP office ay nadatnan nila ang wedding planner na si Katya at ang mga assistants nito pati na din si Keisha.
"Hi guys!" Bati ni Jelly kay Keisha at Katya at nagbeso sa mga ito.
"Hi!" Sinundan din ni Vince na nagbeso din sa mga dinatnan.
"I'm so sorry Vince and Jelly ha, hinihintay pa din kasi namin ni Katya si Timothy eh. May meeting pa daw kasi sya sa office with clients kaya ayan late na naman." Paliwanag ni Keisha. Si Keisha ay isang fitness instructor sa isang sikat na fitness center na sya din ang owner samantalang ang boyfriend naman nyang si Timothy ay isang senior partner sa isang kilalang construction firm.
"By the way, talaga bang rolling na ang camera kahit na wala pa si Timothy dito?" Bulong ni Keisha kay Jelly.
"Oo eh, yan kase bilin ng producer. Lahat daw talaga ng scenes kahit behind the scenes ay kukunan. Kaya pagpasok pa lang namin ng building, naka-roll na yan." Paliwanag ni Jelly.
"Oh ok..." Napatango lang si Keisha.
Maya-maya naman ay dumating na si Timothy. Halata na medyo malamig ang pag-greet sa kanya ni Keisha nang dumating ito.
"Hey babe, nandito na ako so don't be upset na. Sorry talaga kase din naman ako makaalis sa meeting nakakahiya kasi sa mga clients. Sorry rin sa inyo lahat, Katya, Jelly and Vince..." Kita sa mukha ni Timothy ang pagiging apologetic.
"Walang problema Timothy, it really happens sometimes, don't worry..." Nakangiting sagot ni Vince.
"Well, buti nga sana kung sometimes eh, it actually happens everytime." Hindi malaman sa mukha ni Keisha kung nagbibiro lang o seryoso.
"Oy ang babe ko talaga, malaki talaga ang tampo. Sorry na kase..." Nilapitan si Keisha at niyakap. Ngunit dahil sa pagyakap ni Timothy ay lalo yatang nahabag sa sarili si Keisha.
Napatingin si Jelly sa director. Gusto sana nyang ipatigil ang taping pero sumenyas lang ang director na okay lang daw yun.
Nang medyo nahimasmasan na si Keisha ay pinaupo ni Jelly at Vince ang mag-fiance sa loveseat na nasa loob din ng opisina. Umupo din sila sa dalawang magkabilang upuan na nasa tabi nito.
Kasama sana sa interview ang wedding planner ng dalawa pero iniba muna nila ang set-up. Sila na lang muna ang kakausapan ni Jelly at Vince.
"So... regarding sa wedding preparation nyo, ano ba ang mga na-eencounter nyong issues?" Pasimula ni Jelly.
"Well... exactly what you saw just a while ago... May issues kami lagi sa oras. Pinipilit ko naman talaga na makarating lagi sa appointment namin ni Keisha kaya lang... wala nga akong magawa, work yun eh. Para din naman sa aming dalawa ang ginagawa ko.. Para sa future namin." Timothy said firmly.
"But the thing is, he's always saying "Yes, I'll arrive on time" but keeps on breaking his promise. Pwede naman nyang sabihin na, "I can't come" and hindi yung umaasa lang lagi ako na darating sya." Nagrereklamo ang tono ni Keisha.
"Dumarating naman ako ah..." Depensa ni Timothy na humarap sa kasintahan.
"Dumarating ka nga pero laging at the last minute!" Hindi na naiwasan ni Keisha na tumayo mula sa kinauupuan.
"Okay wait, so you're thinking na hindi masyadong involved si Timothy sa wedding preparation nyo?" Naisipang itanong ni Vince.
"Exactly, that's my point! And that is our big issue here!" Keisha pointed out.
"But you're not getting it! I'm also taking care of "more" important thing here!" Timothy explained while trying to emphasize the word "more". "It's for our future! As much as you love your career, I also love mine.. Paano kung mapabayaan ko ang job ko, do you think magkakaroon tayo ng magandang future without that? No way!" Medyo mataas na ang boses ni Timothy.
"Wait... wait guys..." Halata na ang pag-aala-ala sa boses ni Vince sa kinatatakbuhan ng usapan ng dalawa. "Medyo cool muna tayong lahat okay? Kase hindi naman maayos ang isang bagay sa pag-a-argue. Ang mangyayari kase pag nag-uusap ang dalawang tao na parehong emotional at mainit ang ulo, nagkakaron lagi ng competition sa kung sino ang mas may reason or mas may magaling na point, then, wala namang gugustuhing magpatalo. Kase at this moment, I can see both of your points. Si Timothy, yes may shortcomings sya but he has reasons why. Si Keisha naman, of course may mga expectations sya na hindi naman maiaalis kase wedding nyo yan eh. Isa sa mga magiging pinaka-important na araw for both of you and she's expecting for both of you to work hard for it. Siguro for the meantime, kailangan nyong mag-usap na kayo lang dalawa. At dapat isipin nyo na habang nag-uusap kayo, hindi kayo magkaaway, kundi magkakampi kayo. Dahil ang aayusin nyo is for the sake of both of you. Try to sympathize with each other's opinion and I'm sure magiging maayos ang lahat." Paliwanag ni Vince sa dalawa kasabay ang pag-senyas sa director at buong crew na i-off muna ang rolling ng camera.
Pagkatapos magsalita ni Vince ay hinagip ni Timothy ang kamay ni Keisha na ngumiti naman nang bahagya.
Na-touch naman sa sinabi ng kasintahan kaya't napatingin si Jelly kay Vince at binigyan ito ng matamis na ngiti tanda nang paghanga sa lahat ng binitiwan nitong salita.
Pagkaupo ng dalawa sa RV ay hinagip kaagad ni Jelly ang kamay ni Vince at pinisil ito.
"I'm so proud of you, Hon... Grabe, ang galing-galing mo kanina. Habang kinakausap mo yun dalawa kanina, I can't help but to admire you so much... I'm so lucky talaga to have you." Malambing na sabi ni Jelly sabay hilig sa balikat ng kasintahan,
"Ows, talaga? Baka binobola mo lang yata ako eh..." Sabay haplos sa buhok ni Jelly.
"Of course not! Gustong-gusto ko nga sabihin kanina, "Boyfriend ko yan!" Kunwari'y mayabang ang tono na sabi ni Jelly.
"Haha! Pero we all know that certain things are easier to say than done. Gaya natin, hindi pa naman tayo dumadaan sa stage ng pagpi-prepare kaya di pa natin alam. But few months from now, we will be in their shoes." Nakangiting sabi ni Vince.
"But I really know you... Base sa pagkakakilala ko sa'yo, hindi ako magkakaroon ng problem na ganyan sa'yo. I know how hands-on are you pagdating sa mga ganyang bagay. Mas hands-on ka pa nga sa 'kin minsan." Nakataas ang kilay na sabi ni Jelly.
"Well, let's see if you're correct..." Sabi ni Vince sabay halik sa kamay ng kasintahan.
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
Roman d'amourFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...