After a week nang makalabas si Vince mula sa ospital ay nag-resume na ang kanilang klase sa University.
Back to normal ang buhay ni Vince lalo na't matapos na makatanggap ng break-up note "daw" from Alex. Well, hindi nya maintindihan kung bakit di man lang sya nakaramdam ng lungkot or disappointment. Tanong pa nga nya sa sarili nya after nyang basahin ang note, "Bakit ako ganito? Napaka-bad ko naman yata dahil parang di naman ako affected... Well anyway, anong magagawa ko, wala akong naramdaman?"
Back to normal din ang buhay ng magkakaibigan.
Dahil tapos na ang leave nila e busy-busyhan na naman sina Jeremy at Paula sa work nila. Si Nina at Roy naman e back to school din na although magkaibang school sila dahil nasa "all girls school" si Nina e di naman pwedeng di sila magkasama ng lunch time. At si Jed, Jelly at Vince? Well, syempre naman, iisa sila ng school kaya't lagi silang magkakasama. Kailangan pa din ni Vince ng magga-guide sa kanya lalo na't para syang stranger sa dati nyang school na hindi nakikilala ang mga dating kaibigan, kaklase, teachers at team-mates. Pero dahil aware naman ang buong school sa nangyari sa kanya, lalo na't sya ay basketball varsity, ay supportive naman ang mga ito sa adjustment na ginagawa ni Vince. At dahil nga si Jed ay batch mate nya sa Engineering at team mate din nya, he made sure na nag-enroll sya sa lahat ng subject na inenroll ni Vince para matulungan nya ang kaibigan sa pag-aadjust. Nakakatuwa nga na tuwing may babati kay Vince sa school ay sya ang nag-iintroduce sa mga ito kay Vince. Ino-orient nya pati si Vince sa mga pangalan ng mga professors nila, mga classmates, team mates at sa lahat ng mga dating kakilala ni Vince. Iniikot nya pati ito sa lahat ng buildings at facilities sa buong university. Para syang naging tourist guide nito.
Nang dumating ang lunch break ay nagpunta sila sa canteen.
"Sorry bro ha.. para ka tuloy alalay ko. Pasensya na ha.." Nahihiyang sabi ni Vince pagkaupo nila.
"Okay lang yun pare.. don't worry, masaya ako sa ginagawa ko.. Paano pang naging magkaibigan tayo no?" Nakangiting sagot ni Jed.
"Sobrang thank you talaga!" Dagdag pa ni Vince.
Maya-maya ay may nakita si Jed na papasok sa canteen. "Uy, makakapagpaganda ng araw mo 'to.." Kumindat si Jed.
"Ha?" Litong sagot ni Vince.
"Hehe! Ang bestfriend mo nandyan na.." Sabay turo sa papalapit sa table nila na si Jelly.
"Ahhh..." At nagkatawanan silang dalawa ni Jed.
Nang makalapit si Jelly. "Oy sinong pinagtatawanan nyong dalawa ha?" Sita ni Jelly sa dalawang binata.
"Wala po.. Masaya lang kami kase may kasama kaming magla-lunch na magandang babae.." Kumindat si Jed.
"Mga bolero kayo! Para bang dahil sa pambobola nyo e ililibre ko kayo??? No way!" Supladang sagot ni Jelly.
"Ganito ba talaga Jed kasungit ang bestfriend ko na to?" Curious na tanong ni Vince.
"Hindi...." At umiling si Jed. "Hindi ka nagkakamali, hahaha!"
"Bad ka talaga Jed kahit kelan!" At hinampas ng dala nyang folder si Jed. "Bili na nga tayo ng food natin!"
"Wait lang may hinihintay pa tayo e..." Nakangiting sabi ni Jed.
"Sino?" Tanong ni Jelly.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...