Hindi pa mawala-wala ang kaba, excitement, at joy na nadarama ni Jelly habang nasa harap sya ng salamin ng kanyang dressing room at nagtatanggal ng make-up. Habang tinutulungan syang magbihis ng dalawang P.A. na ini-assign sa kanya ng producer ay hindi nya maipaliwanag ang mixed emotions nya sa mga oras na iyon. "Yes!" Bulong nya sa isip nya. "Thank you po talaga for guiding me." Nasa isip nya sabay tingin sa itaas. Sobrang thankful sya sa Diyos sa nakamit na success ng first concert nya with JM. Di man nya pinangarap talaga na maging sikat na singer pero yung marinig ang kanyang boses ng napakaraming tao ay isa nang napakalaking tagumpay para sa kanya.
Naaalala pa ni Jelly kung gaano ang pagkamahiyain nya noong bata pa sya. Kahit gaano ang pag-praise sa kanya ng mommy nya at pag-encourage sa kanya ng daddy at kuya nya na maganda ang boses nya ay hinding-hindi pa din sya mapilit ng mga ito na kumanta sa harap ng mga tao especially pag may mga family gatherings na kinakantyawan sya lagi na kumanta. Isang tao lang talaga ang nakapag-push sa kanya na kumanta in front of a crowd... Si Vince.
Naalala nya noong mismong araw na magkakilala sila ni Vince sa Easter Egg Hunt Party ng Tita Jem nya. Pagkatapos nilang mag-hunt ng mga eggs ay nagkaron ng ibang games at short program. Tinawag ang mga batang gustong sumayaw at kumanta.
"Sino dito ang gusto pang kumanta?" Nakangiting tanong ni Tita Jem sa mga bata.
May sumagot na isang bata. "Si Jelly po!"
Kaya't nagkaisa na ang lahat ng bata na isigaw ang, "Jelly! Jelly, Jelly! Jelly!". Kaya't hiyang-hiya si Jelly na napatungo habang madiing nakapatong ang dalawang magkahawak na kamay sa hita habang uneasy na nakaupo. Kabadong-kabado sya ng oras na iyon. Nang mamaya-maya ay nakita nyang nakaabot ang isang kamay ni Vince sa kanya sabay sabi nang, "Tara, sabay tayong kumanta." At bumulong ito sa kanya.
Hindi alam ni Jelly kung anong convincing power meron si Vince at wala syang nagawa kundi iabot ang kamay nya dito at tumayo sya then sabay silang pumunta sa unahan. "Let's sing Somewhere Out There together. I promise, we can do this... I'll be there beside you..." Yun ang ibinulong sa kanya ni Vince na enough na para mapapayag sya nito to sing in front of many kids. At kinanta nga nila ang naging isa na sa childhood songs nilang dalawa, ang "Somewhere Out There"
Habang naaalala nya ang pagkanta nilang dalawa ay napapangiting mag-isa si Jelly. Nagulat na lamang sya nang magsalita ang isa sa PA nya.
"Naku Miss Silhouette Girl, este Miss Jelly pala, pwede po bang pa-video greetings mamaya kase idol po talaga kayo nung pamangkin ko, sasabunutan po ako nun pag umuwi ako na hindi ko dala yun request nya..." Sabi ni Aida na isa sa mga PA's nya.
"Ako din po, Ms. Jelly ha, pa-greet din nung sisters ko, hehe!" Dagdag naman ni Peachy na isa pang PA.
"Naku, walang problema. Pwedeng-pwede..." Medyo nahihiya pero nakangiting sabi nya sa mga PA.
"Ngayon pa lang po, we are sure na sobrang sisikat kayo kase ang bait-bait nyo po pala.." Dagdag ni Peachy.
Natuwa lalo si Jelly sa sinabi ni Peachy. "Naku salamat sa encouragement ha.. Tsaka nga pala, wag nyo na akong i-"po" mga ate ko nga kayo eh, Ate Peachy and Ate Aida." Nakangiting sabi ni Jelly.
"Okay po.. I mean, okay Ms. Jelly pero sana talaga magkatuluyan kayo ni Sir JM kase bagay na bagay kayo, sobra!" Medyo may pangti-tease na sabi ni Aida.
Hindi nya alam ang isasagot kaya't ngumiti na lang sya.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Mabilis na pumunta si Peachy sa may pinto at tiningnan kung sinong kumakatok.
At medyo bumulong sya sa mga kasama sa loob ng kwarto. "May gwapo sa labas, may dalang flowers..." At kumindat si Peachy.
Biglang kinabahan si Jelly. Si Vince kaagad ang pumasok sa isip nya kaya't sobrang excitement ang naramdaman nya. Gusto man nyang makita kaagad ang family nya para makita ang saya ng mga ito dahil sa success nya pero mas gusto pa rin nya na si Vince ang kauna-unahang mag-congratulate sa kanya. Alam nya na masayang-masaya ito at mahigpit syang yayakapin dahil sa tuwa.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...