Chapter 22 - Please come back...

3.7K 385 79
                                    

(Vince's Point of View)

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Jelly habang yakap-yakap ko sya. 10 o'clock am pa lang nang umaga so pwede pa naman kaming mag-rest before ako magprepare ng lunch for the two of us. Nakakapagod din ang paglalakad namin bukod pa sa napaka-aga namin gumising para nga sa pagha-hiking. Nag-decide ako na matulog na din habang natutulog si Jelly. 

Maya-maya ay bigla akong nagising dahil bigla kong narinig ang boses ni Jelly.

"Vince... Vince..." She's calling my name na parang nanaginip.

Gigisingin ko na sana sya dahil para syang binabangungot pero napansin ko na para syang nanginginig at naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.

"God, ang taas-taas ng lagnat ni Jelly..." Bulong ko sa sarili ko.

Kaya't sinubukan ko na gisingin sya.

"Jelly... Jelly... wake up... Ano nararamdaman mo?" Pilit kong tinatapik bahagya ang kanyang pisngi pero patuloy pa din sya sa pagtawag sa pangalan ko. Napansin ko na lalo pang lumala ang panginginig nya kaya't lalo akong kinabahan. 

Dali-dali akong kumuha ng towel at ng bowl na may tubig at yelo at agad agad kong pinunasan ang kanyang mga braso, binti at ulo hanggang leeg. Maya-maya ay medyo bumaba na ang kanyang lagnat kaya't medyo nakahinga na ako nang malalim. Maya-maya ay nagising sya at tinawag muli nya ang aking pangalan. Kaya't tumabi ako sa kanya at tinanong kung anong nararamdaman nya.

"Jelly, what do you feel now? Sobrang nagworry ako sa'yo kanina kase inaapoy ka ng lagnat... Anong pakiramdam mo now?" Tanong ko na may pag-aala-ala.

"Masakit ang sugat ko..." Sagot nya.

"Oo nga pala buti at nagising ka na, papainumin na kita ng gamot wait lang kukunin ko sa medicine cabinet sa kitchen." Dali-dali akong nagpunta sa kitchen para kunin ang paracetamol na nandoon.

Pinainom ko si Jelly ng dalawang tablets at kinumutan sya muli pagkatapos.

"Vince, I feel so cold..." Sabi ni Jelly na nagsisimula na naman manginig. Kaya't humiga ako sa tabi nya at niyakap ko muli sya nang mahigpit na mahigpit para mawala ang lamig na nararamdaman. nya.

"Don't worry Jell, I won't leave you. I will stay here beside you... I promise..." Sabi ko sa kanya habang hinahawi ko ang buhok na nakakalat sa kanyang mukha.

"Promise me dito ka lang sa tabi ko ha.." Mahinang sabi ni Jelly.

"I promise..." I whispered to her ears.

Maya-maya ay nakatulog na ulit sya kaya't napanatag na ang loob ko. Napilitan din akong iwanan sya nang sandali dahil kailangan kong mag-prepare ng kahit soup man lang para sa kanya. Buti na lang at may mga naka-ready na chicken noodle soup sa cupboard kaya't yun ang aking niluto. Kailangan ni Jelly ng mainit na sabaw para gumanda ang kanyang pakiramdam. Pagkaluto ko ay naglagay ako sa isang bowl at ipinatong ko sa bedside table para naka-ready na paggising ni Jelly. Bumalik ako sa tabi ni Jelly at ikinulong ko ulit sya sa mga braso ko. Kailangang magising sya na nasa tabi pa din nya ako gaya nang promise ko sa kanya. Maya-maya ay naidlip na din ako. 

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na wala na sa bisig ko si Jelly. Bumangon ako para hanapin sya sa bawat parte ng cabin ngunit wala sya. "Saan kaya sya pumunta? May sakit pa man din sya..." Bulong ko sa sarili ko. 

Kaya't nagdecide ako na lumabas ng cabin para tingnan sya. Nakita ko syang naglalakad papuntang beach kaya't sinundan ko sya. Sinimulan ko syang tawagin ngunit kahit anong lakas ng tawag ko ay parang hindi nya ako naririnig. Kaya't hinabol ko sya, pero parang kahit anong bilis ko ay hindi ko sya maabutan. Nakita ko na lamang na papunta sya ng dagat kaya't lalo akong kinabahan. Binilisan ko pa ang pagtakbo pero bakit parang hindi ko sya malapitan. Maya-maya ay nadapa na ako sa bilis ng aking pagtakbo. Bigla ay nakaramdam ako nang sobrang takot nang lumusong na sya sa tubig at unti-unti ay palayo sya nang palayo at palalim nang palalim ang kanyang kinalalagyan. Pilit ko syang tinatawag pero wala pa din syang naririnig. Hindi ko malaman ang gagawin habang parang hindi naman ako makarating sa mismong kinaroroonan nya.

"Jelly, stop! Please stop! Eto na ko... please come back here..." Sigaw ko.

Hanggang sa makita ko na hanggang dibdib na nya ang tubig. Maya-maya ay bigla syang lumingon at ngumiti...

"Goodbye Vince..." Sabi nya sa paos at mahinang boses.

"No Jelly! No.... Please come back!" Sigaw ko na halos mapatid na ang hininga ko.

Ngunit talagang parang wala syang naririnig sa mga sinasabi ko. Nagpatuloy pa din sya sa paglakad hanggang makita ko na nakain na sya ng tuluyan ng mga alon. 

"Jelly, no!!!!" Malakas na sigaw ko na halos ay bumalot sa buong beach. Ngunit sa pagtigil ng alon ay alam kong wala nang nakakarinig sa akin.

Napaluhod ako sa dalampasigan habang pumatak ang mga luha...

"Jelly...Please come back..." Umiiyak na bulong ko.

"Please come back...." 


TO BE CONTINUED...


My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon