Chapter 50 - The Patient

2.4K 280 19
                                    


"Ano ba yan... 12:30 a.m. na pero di pa din ako makatulog..." Sabi ni Jelly sa sarili pagkatapos tumingin sa wall clock. Nakahiga na sya sa kama pero pabiling-biling sya sa kaliwa at kanan. Nandyang ilagay ang unan sa may mukha, sa may pagitan ng dalawa nyang hita, uupo then hihiga ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa din sya makapaniwala na alam na pala ni JM na sya si Silhouette Girl. Di tuloy nya alam ang gagawin. Iko-confront kaya nya ito o hihintayin na lang nya na ito ang lumapit sa kanya para magtanong. Di din nya alam kung dapat ba nyang sabihin kay Vince dahil ayaw nyang mag-alala ito lalo na't sobrang nag-alala si Jelly nang minsang sumakit ang ulo ni Vince nang huli silang magkasama. Nag-decide sya na ire-resolve nya muna mag-isa ang problema nya. Wala pa din syang lakas ng loob na sabihin sa Kuya Jeremy nya at sa parents nya ang pinagdadaanan nya at present.

Kinabukasan ay maaga syang nagising kahit nga late na din syang natulog. Nag-decide sya na puntahan na lang si JM sa address na ibinigay nito sa kanya noong una silang magkakilala. Ibinigay nito sa kanya ang phone number at address just in case na may kailanganin pa siya dito after ng accident nya sa paa ng magkabunggo sila. Jelly decided to talk to JM and convince him na kalimutan na ang plan nito na makipag-duet sa kanya at ipakilala sya in public.

Papunta na sana sya sa parking lot ng building nang bigla nyang makita ang papalabas na sasakyan ni JM. Nag-decide na lang si Jelly na sundan ang sasakyan. Nagtaka sya ng makita nyang papunta sa St. Luke's Hospital ang kotse ni JM. Naisip nya na sundan din si JM. 

Sa Reception Area ay nagpanggap pa sya na assistant ng binata kaya't ibinigay naman ng nurse ang room number na pinuntahan nito. Room 312 ang ibinigay sa kanya ng nurse. Hindi nya alam kung bakit curious na curious sya ng oras na iyon. Naalala kasi nya mula sa letter ni JM na may kaibigan itong may sakit at gusto nyang i-dedicate dito ang kanilang duet song. "Paano kung totoo ang sinabi nya sa letter na malala na nga ang sakit ng kaibigan nya? Wala ba akong puso para hindi man lang pagbigyan yun... Ahhhh, It's so hard! Ano ba naman Jelly itong napasok mo..." Sita nya sa sarili.

Hindi nya alam ang gagawin ng oras na iyon. Pero isa lang ang gusto nyang masiguro... Gusto nyang malaman ang katotohanan ng nasa letter ni JM. Kailangan nyang makapasok sa room na iyon? Pero paano?

May naisip sya...

Naisip nyang lihim na pumasok sa staff room at kumupit ng lab gown, stethoscope, at lab mask. Napaka-lucky naman nya ng oras na iyon dahil mukhang busy lahat ng nurses at doctors kaya't walang nakakita sa kanya. Natawa pa si Jelly sa sarili dahil sa kalokohang ginawa. This is the first time na ginawa nya yun at halong kaba at excitement ang naramdaman nya.

Ilang saglit lang ay nasa may door na sya ng Room 312. Nag-inhale at exhale pa sya bago kumatok sa pinto.

Di nagtagal at pinagbuksan sya ni JM ng pinto.

"Good morning, Doc!"

"G..Good morning too..." Pilit na binago ni Jelly ang boses nya.

Napalingon sya sa kama kung saan nakahiga ang isang binatang pasyente na nanlalalim ang mata, payat at mukhang may malala talagang karamdaman. Nakaramdam ng awa si Jelly sa pasyente. Sa tingin nya ay kung ano ang nakalagay sa sulat ni JM ay talagang pawang katotohanan. 

"Kumusta naman sya?" Tanong nya kay JM na nakaupo na noon sa tabi ng pasyente.

"Okay naman po ang kaibigan ko, Doc. Wag po kayong mag-alala lagi po nyang sinusunod ang mga advise ng nurses dito kase kung hindi e papagalitan ko talaga sya, di ba?" Sabay kindat sa pasyente.

"Magaling po yang adviser ko eh so, you don't have to worry Doc." Mahinang sabi ng pasyente na bahagyang ngumiti.

"That's good, that's good!" Wala nang maisagot si Jelly. Naaawa pa din sya sa hitsura ng pasyenteng kaharap.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon