Chapter 45 - Meet JM Madrigal

3K 365 20
                                    

Eight o'clock ang Biology class ni Jelly kaya't maaga syang pumasok ng araw na iyon.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang nya ng campus ay napansin na nya ang usap-usapan ng mga estudyante at ang mga estudyanteng nagpo-post ng mga posters about sa pagbisita ng sikat ng RnB singer na si Justin "JM" Madrigal. 

"Weeeee! Excited na ako! Ang gwapo-gwapo nya grabe!!!" Sigaw ng isang estudyante.

"Bakit kaya sya pupunta dito, no? Nakaka-curious naman... Di kase sinabi kung anong reason di ba?" Bulong ng isang estudyante sa katabi nito.

"Baka naman may kinalaman ito about dun sa hinahanap nyang girl na si Silhouette girl..." Sagot naman ng isang estudyante.

"Baka nga.... So... does it mean na taga-rito sa campus si Silhouette Girl? Grabe nakaka-excite yun!!!" Sagot naman ng isa.

Sa pagkakarinig ng tungkol kay Silhouette Girl ay biglang kinabahan si Jelly kaya't binilisan nya ang paglalakad. 

Hindi nya napansin ang isang tumatakbong lalaki na paparating sa direksyon nya. 

Huli na ang lahat para umiwas pa sya dahil nagkabungguan na sila ng lalaki. Pareho silang bumagsak.

"Ouch! Can you please even look at your way para di ka nakakasakit!" Masungit na sigaw ni Jelly habang hawak-hawak ang elbow na bumagsak sa semento.

"Really sorry miss... hinahabol lang kasi nila ako eh..." Sabay turo sa mga girls na biglang napatigil sa kakahabol at kakatili. Maya-maya ay inalalayan sya nito na tumayo.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo." Tanong nito habang tinutulungan si Jelly sa pagtayo.

Nang mapatingin si Jelly sa mukha ng nakabunggo sa kanya ay... "JM??? JM Madrigal???" She was shocked.

"Yes, ako nga... sorry talaga miss ha... Don't worry, I will bring you to the clinic to make sure that you're okay." Nag-aalalang sabi nito.

"Ang swerte naman nya... Kakainis sana ako na lang nabungo ni JM..." Komento ng isang fan na kanina'y humahabol sa kanya.

"Oo nga... I feel so Jealous..." Sabi ng isa.

"Kilala nyo ba yang girl na yan? Paeksena ha..." Irap ng isang girl.

"Si Jelly yan... member sya ng Campus Music and Sound..." Sagot ng isang babae.

Nagpipilit pa ding lumapit ang mga girls kay JM at Jelly ngunit hinaharangan sila ng mga assistants at bodyguards ni JM.

"Ahh... I'm okay... Don't worry I'm really okay na... Just go back to your fans na..." Pilit nyang nire-resist ang pag-hawak ni JM sa kanya.

"No, I can't allow you to go without making sure na okay ka... Ayan oh, may bruises ka sa elbow..." Itinuro ni JM ang galos nya.

"It's nothing... Ang liit lang oh... so don't worry..." Pinilit nyang ngumiti kahit kanina pa sya nahihiya dito pati na din sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"I'll bring you na to the clinic, please..." Pamimilit nito.

"No, I'm okay..." Naiinis nang sagot ni Jelly.

"No you're not..." Sagot nito.

"Yes I am... Sagot naman nya." Nang bigla syang maglalakad na ay bigla syang na-out of balance dahil siguro medyo na-twist yung ankle nya pagbagsak nya kanina.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon