Hindi mapakali si JM habang nakahiga sa couch. Nagpapahinga sya ng mga oras na iyon pagkagaling sa kanyang guesting sa isang sikat na TV show. Dederetso sana sya sa isang party pero he just decided na dumiretso sa pad nya para makapagpahinga. Gusto rin sana nyang makapag-isip kung paano nya sasabihin kay Jelly na alam na nya na ito si Silhouette Girl...
"Ahhh... What should I do? You must think carefully JM..." Sita nya sa sarili nya. "Di pwedeng padalos-dalos..." Bumuntung-hininga sya nang malalim na malalim.
Maya-maya ay bumangon at kumuha ng ballpen at papel at nag-decide na magsulat.
Dear Pare,
Kumusta ka na? Sorry ha, ilang araw akong di nakapagsulat para sa'yo. Naging busy kase masyado e. Napakadaming guesting this week... And nadagdag pa ang paghahanap ko sa isang misteryosang singer na una ko pa lang narinig e nahulog na ang loob ko... Waaaahhh! And imagine what happened??? Yun palang girl na sinasabi ko nung isang araw sa'yo na nabangga ko habang tumatakbo ako eh, sya din pala yun! Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya ay espesyal na kaagad ang naramdaman ko... Ang tadhana nga naman... Sssshhh wag kang maingay kase sa'yo ko pa lang sinabi. Sobrang saya ko! As in, sobra!
Kaya lang paano ko sasabihin sa kanya na alam ko na ang lihim nya? Paano ko sasabihin sa kanya na, please magpakilala ka na sa lahat ng tao at i-duet na natin ang kantang ginawa ko... Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa kanya na ito ay para sa pare ko na malapit nang lumisan sa mundong ito... Gusto ko sanang i-dedicate sa'yo pare ang kantang ire-record naming dalawa....
Anyway, kamusta ka na nga pala? Kamusta na ang sakit mo? Sana may pag-asa pa... Sana nga lumipas ang 3 months na nandyan ka pa din. Sinabi ng doktor na di ka na magtatagal, pero sana kahit pa gaano ka-expert ang doktor mo.. sana nagkakamali lang sya...
Be strong pare ha!
As always,
JM
Pagkasulat nya ng letter na iyon ay isiningit nya sa kanyang planner. Maya-maya ay muling nahiga at matagal na tumitig sa kisame. Hindi nagtagal ay nakatulog din sya.
Kinabukasan ay nagising sya sa tawag ng kanyang P.A. mula sa labas ng kanyang kwarto.
"Justin, time to wake! Maaga tayong pupunta sa University ng crush mo, di ba?" Tawag ni Vannie habang kumakatok sa pinto ng kwarto. Alam nito na may crush si JM sa bago nyang nakilalang estudyante na si Jelly dahil walang inililihim ang binata dito. Pag silang dalawa lang ang magkausap ay lagi nitong isinisingit ang usapan tungkol kay Jelly at lagi nitong tinutukso si JM na ligawan na kaagad ang dalaga.
"Okay, don't worry I'll take a shower na right away! Don't be so makulit na po..." Sagot ni JM.
"Hindi ka ba magco-coffee muna or tea? Baka malamigan ang tummy mo sige ka..." Warning ni Vannie kay JM.
"Don't worry I'm fine.. Iinom muna ako ng warm water here... Remember yun electric kettle na binigay mo sa kin last month? I'm using it na di ba? And it's here..." Sagot uli ni JM.
"Okay... just be sure okay?" Makulit na sabi ni Vannie.
"Yes po, Ma'am..." Napapakamot na sa ulo si JM.
Maya-maya ay natapos nang mag-shower si JM. Then nag-breakfast sila ni Vannie ng inihanda nitong fried rice, sausage and egg at ipinag-brew din sya ng coffee ni Vannie.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...