Hindi mapakali si Vince habang nakahiga sa kanyang kama kaya't bumangon sya. Hinagod nya ang buhok mula noo hanggang sa likod ng ulo. Maya-maya'y inisubsob ang mukha sa kanyang dalawang mga palad. He felt like crying that moment. "Bakit ba ganito? Kelan ba matatapos ang lahat ng to?" He asked himself.
Malinaw na malinaw pa sa kanyang isip ang sinabi ng doktor sa kanilang dalawa ng mommy nya kanina...
"I'm so sad to tell na may nag-build up na tumor sa kaliwang bahagi ng brain ni Vince na malapit sa hypothalamus which is a very sensitive part. I'm afraid na kailangang natin syang ipadala sa mga espesyalista sa Amerika dahil alam naman natin na mas advance ang mga procedures nila doon at mas malaki ang chances na maging successful ang operation." Dr. Soliven stated.
Nagulat at napaluha ang mommy ni Vince sa narinig. Bigla nyang nahawakan ang kamay ni Vince na noon ay nakatungo. Hinimas-himas nya ang kamay nito.
"Pero malaki naman po ang percentage na matanggal ng maayos ang tumor di ba Doc so wala akong dapat ipag-alala?" Mabel wants to hear an affirmation from Dr. Soliven.
Nanatili lang tahimik si Vince.
"I want to be honest Mabel, the procedure to be done for Vince is a very delicate one. But I can assure you that the one to handle this case is one of the best surgeon sa Los Angeles. So what we can do is to just trust na magiging maayos ang lahat. And best of all, we will really pray for Vince's safety." Kalmado ang boses na paliwanag ni Dr. Soliven.
Humarap si Mabel sa anak at niyakap ito.
Nagtunghay ng ulo si Vince at kinuha ang photo frame na may picture nila ng mommy nya sa kanyang side table. Hinimas-himas ang larawan. Maya-maya ay ibinalik ito sa pinaglalagyan at kinuha naman ang picture nilang dalawa ni Jelly. Tinitigan nya ng matagal ang larawan, hinimas ang mukha ni Jelly sa picture at maya-maya ay di napigilang yakapin ang larawan. Hindi na napigilan pa ni Vince ang mga luha nya sa pagpatak.
Unti-unting bumalik sa isip nya ang lahat ng masa-sayang oras na magkasama silang dalawa, simula nang magkamalay sya mula sa ospital. Ang kanilang tawanan, kulitan, tampuhan at lahat-lahat pa ng mga moments na basta magkasama sila. Parang isang mabilis na movie roll na nag-flash back sa kayang isipan. Lalo lamang syang napa-iyak sa mga ala-alang yon. Napahiga sya sa kama na yakap-yakap ang picture hanggang sa nakatulugan na nya ang ganung pwesto.
Pagkagising nya kinabukasan ay agad-agad syang tumawag kay Jasper.
"Pwede ba tayong magkita, bro?"
"Sure, saan?"
At nag-usap sila na magkikita sa isang restaurant.
Pagkatapos nilang mag-usap sa telepono nagbihis sya at umalis ng bahay. Dumiretso sya sa isang sikat na jewelry shop sa Mall of Asia at bumili sya ng isang mamahaling necklace na may cute na arrow. Nakita nya yun minsan nang mamasyal sila ni Jelly doon at naipangako nya sa sarili nya na babalikan nya para bilhin. Buti na lang at nandoon pa nang bumalik sya.
Pagkagaling sa MOA ay dumaan sya sa isang bakeshop/cafe kung saan magkikita sila ni Jasper.
Natanaw na ni Vince si Jasper sa loob ng cafe kaya't nagmadali na sya sa pagpasok.
Pagkapunta nya sa table ni Jasper ay binati kaagad sya nito.
"Kumusta, bro?" Sabay tayo sa mula sa kinauupuan at nakipag-high-five kay Vince.
"Okay naman, Bro. Salamat sa pagpunta ha." Nakangiting sabi ni Vince na umupo na rin sa chair pagkatapos muling umupo ni Jasper.
"Okay lang, Bro. Basta ikaw!" Sabay ngiti nito. "Ano bang mahalagang pag-uusapan natin?"
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...