Sa pagmulat nya ay bigla nyang na-realize na ala-ala lang pala ang lahat. It was one year ago na pala. "Ang bilis ng panahon..." Napabuntong-hininga si Jelly. "Kung pala hindi ko nire-reject ang mga nasa isip at puso ko noon, siguro matagal na kami... Kase! Kase! Kase! May pa-Mr. J - Mr. J ka pa! Yan tuloy... Hayyy..." Muntikan na naman mapaiyak si Jelly pero pinigil nya ito. "No, hindi na ko iiyak... I won't cry anymore..." Kinuha ang isang picture ni Vince mula sa photo album. "I still love you, but I won't cry for you anymore.. gets mo???" Dinuro-duro ang picture then sabay irap sa picture ni Vince. Pero maya-maya'y niyakap din ito.
Pagkatapos mag-senti ay naisipan na nyang lumabas ng kwarto. She went downstairs para kumuha ng glass of milk pero napansin nya na parang ang tahimik yata ng buong bahay, sa living room, sa kitchen... kahit boses ng maids nila na usually naman ay naririnig nya kaagad ay wala din. "Hmmm... what's happening here? Seems strange..." Bulong nya sa sarili.
Kaya't nagpunta sya sa may garden. As soon na makita nya ang mga nasa labas ng bahay na naghihintay sa kanya ay biglang kumanta ang mga ito ng "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, dear Jelly.... Happy Birthday to you!"
Hindi ini-expect ni Jelly na kasama ng Mommy't Daddy at Kuya Jeremy nya ng umagang iyon ang kanyang mga kaibigan. Nandoon ng oras na iyon si Jed at Kitchy, Nina at Roy, Jasper and Alex na mukhang nagiging closer, si Paula, at syempre mawawala ba si JM na isa na din sa barkada. Nandoon din si Peachy na P.A. nya pati si Vannie na P.A. ni JM na naging close na din sa kanya. Nag-prepare sila ng birthday breakfast sa garden na wala syang kaalam-alam.
"Happy Birthday, Jelly!" Sigaw ng lahat then nagpalakpakan.
"Oh guys! Ano pa bang pwede kong i-wish sa birthday ko eh super blessed na ako ng mga super loving people na gaya nyong lahat... Ahhh.. you're all making me cry again!" Sabi ni Jelly sabay subsob ng mukha sa kanyang mga palad. At isa-isang nagyakapan sa kanya ang mga nandoon na pinangunahan ng daddy at mommy nya.
After ng dramahan ay masaya nilang ibinigay ang lahat ng gifts nila kay Jelly na hindi naman talaga para sa kanya dahil she announced it in advance talaga na hindi sya tatanggap ng any birthday gift kase gusto nya ay maka-gather talaga ng mga donations para sa isang bahay ampunan na isa sa mga nasalanta ng Bagyong Ruby. Pinakahuling nagbigay ng gift si JM.
"And this is from me..." Si JM sabay abot ang gift na especially-wrapped in a white rectangular box na may pink and light blue na ribbons.
"Hey, I told you no special gifts, right?" Nakakunot ang noo pero bahagya namang nakangiti na sabi ni Jelly kay JM.
"Na-ah... Open it first..." Sabi ni JM na kumindat pa.
"Okay..." Napatawa ng bahagya si Jelly.
Nang buksan ni Jelly ang maliit na box ay napa-wow sya ng makita nya ang isang pile ng Enchanted Kingdom Tickets. "Are all these for the kids?" Excited na tanong ni Jelly.
"Yes ma'am!" Sagot ni JM na nag-salute pa kay Jelly.
"Really??? Oh JM, thank you so much!!!" You're an angel!" Sa sobrang tuwa ay nayakap nya si JM.
Nagkatinginan tuloy ang mga nanonood sa kanilang dalawa ng oras na iyon at maya-maya ay nag-pretend ang daddy nya na nasamid.
"Ehem! Ehem!" Sabi ng daddy nya kaya't natawa ang lahat.
Kaya't napabitaw tuloy sa pagkakayakap si Jelly kay JM.
"So..sorry po everyone sobra lang po ako na-excite dahil I'm sure sobrang matutuwa lahat ng kids sa Angels of St. Monique. Can't wait to see the smiles in their faces." Sabay giggle ni Jelly na halos ay di na kita ang mata sa saya. "Tsaka mas mahal ang gift nya eh, hehe! Joke! Peace!" Sabay peace sign at tawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...