Chapter 63 - One Sided Love

1.3K 50 18
                                    


Kinabukasan ay maagang nag-prepare si Jelly para sa date nila ni JM. Hindi dahil sa excited sya kundi she doesn't want to cram na maaring makadagdag sa pagka-nervious nya dahil sa hindi nya talaga alam kung anong reason why JM will be dating her. Naglalaro sa isip nya kung magtatapat na kaya ito ng feelings nya or it will be just a birthday treat for her. Kung yung unang nasa isip nya ang reason, para kay Jelly ay hindi nya talaga alam kung paano sya magrereact. She tried to calm herself habang nasa harap ng salamin. "Relax Jelly... just inhale and exhale..." Sabi pa nya sa sarili.

Maya-maya ay narinig na nya ang katok ng mommy nya sa pinto. "Anak, JM is already downstairs..." Sabi nito.

"Yes Mom, I'm coming!" At muli syang nag-inhale and exhale pa ng isang beses bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.

Habang bumababa ng hagdan si Jelly ay hindi tinatanggal ni JM ang tingin sa kanya. Kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga. Hindi rin naman naiwasang humanga ni Jelly sa kasimpatikuhan ng hitsura ni JM. Pero lagi nyang ini-insist sa sarili na kaibigan lang talaga ang turing nya dito.

Pagbaba ni Jelly ay iniabot ni JM sa kanya ang isang napakagandang bouquet of peach and white roses. After handing her the flowers ay hinalikan nito ang dalaga sa pisngi.

"Thanks.." Tipid na sagot ni Jelly.

Maya-maya ay nagpaalam na ang dalawa sa parents ni Jelly.

Dinala ni JM si Jelly sa isang first class restaurant sa Timog Avenue. The place was so sophisticated and halos mukhang mga executives ang pumapasok. Dinala sila ng host sa isang part ng restaurant which seems to be so private dahil halos malayo sa tables ng ibang guests. Napaka-intimate ng ambiance na sinabayan pa ng napaka-mellow na pagtugtog ng orchestra. The setting seems to be so perfect.

Inalalayan ni JM si Jelly sa pag-upo sa chair nya. JM is so gentleman pero para kay Jelly ay si Vince pa din ang pinaka-gentleman sa lahat ng lalaking nakilala nya, syempre aside from her dad and kuya.

Not so later ay binigyan na sila ng waiter ng menu. Nang maka-order sila ng soup, appetizer and main course nila ay biglang nagtanong si Jelly sa waiter.

"Uhmm, don't you have a fruit jelly bean ice cream here?" Slightly shy na tanong ni Jelly.

"I'm so sorry Ma'am but we don't have that dessert in the menu. But if you really wish to have that, we can prepare it especially for you..." Nakangiting sabi ng waiter. 

"Really? Thank you so much!" Nakangiting reply ni Jelly.

"Thanks!" Pahabol na sabi ng nakangiting si JM sa waiter.

Pagkaalis ng waiter ay nag-start nang mag-usap ang dalawa.

"So, jelly beans is really your favorite ha?" JM asked and he smiled.

"Yes, since bata pa ko favorite ko na yun... Actually.. kaming dalawa ni Vince." Medyo nahiyang sabi ni Jelly.

"Oh I see... Kaya pala Jelly-Vince gawa ng jelly beans..." Tumango-tango si JM.

"Yes..." Jelly smiled shyly.

Nagkwentuhan pa ang dalawa. Usually ang topic nila ay about sa careers nila at ang mga coming projects. Pinag-usapan din nila yung coming album na magiging joint project nilang dalawa for this year.

Maya-maya ay dumating na ang orders nila. Unang ini-serve ang soup, then the appetizers and then the main course. When they are ready for the dessert ay ini-serve ng waiter kay JM ang choco sundae nya at kay Jelly naman ay ang especially made for her na fruit jelly bean ice cream.

Nang mailagay sa front nya ang ice cream ay nagsalita si Jelly. "Perfect!" Masayang sabi nya. 

"I'm sure you will like it Ma'am. It was carefully prepared for you by our chef." Nakangiting sagot ng waiter.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon