Chapter 27 - Sticking Together

3.7K 378 79
                                    

Pagkatapos dalhin ng magkakaibigan si Jelly sa kwarto ni Vince ay nakiusap ito na dalhin din sya sa kwarto ni Alex. Pinagbigyan din naman sya nang mga ito. Pagpasok nila sa kwarto ay nadatnan lang nila ang nurse na nagbabantay kay Alex. Nang time na yon ay kasalukuyang natutulog si Alex.

"Hello, Miss Nurse nasaan po si Tita Olivia?" Curious na tanong ni Nina.

"Ahh, sabi nya may kukunin lang daw sya sa house nila kaya nakiusap na ako muna bahala kay Alex." Sagot ng nurse.

"Ah ok.. thanks sa pagbantay kay Alex ha. Kami muna bahala sa kanya habang nandito kami.. Thanks ulit.." Ngumiting sabi ni Nina.

"Okay, no problem.." At tumango ang nurse na maya-maya ay lumabas na din.

Habang hinihintay nila na magising si Alex ay lumabas muna nang kwarto si Jeremy, Paula, Jed at Jasper. Naiwan sa loob si Nina, Roy at Jelly. Itinulak ni Nina ang wheelchair ni Jelly sa malapit sa bed ni Alex para makumusta nya agad ito pagkagising.

Maya-maya ay kumilos na si Alex senyales na nagising na ito. Pagmulat nya ng mata ay nagulat sya nang makita si Jelly sa tabi nya.

"Jelly?" Gulat na tanong ni Alex.

"Yes Alex, I'm okay now and I'm glad you're okay na din." Sabi ni Jelly pagkatapos ay ngumiti ng matipid.

"Ya.. yeah... I'm glad too na okay ka na din.." Ngumiti lang din ng matipid si Alex.

"I'm so sorry sa nangyari sa inyo ni Vince... Kung siguro di ako nagkasakit, di sana di kayo maaksidente..." Nangilid na naman ang luha mula sa mga mata ni Jelly.

"Si-siguro nga... Kung di ka nasugod sa hospital e di sana hindi nacomatose si Vince at wala din sana ako sa hospital bed na ito ngayon." Sarcastic na sagot ni Alex sabay iwas ang tingin kay Jelly.

Kitang-kita sa mukha ni Jelly ang pagkabigla sa salitang binitawan ni Alex na parang may tunog ng paninisi sa nangyari sa kanya at kay Vince. Kaya't bigla syang napatungo.

Medyo nabigla din si Nina at si Roy sa sinabi ni Alex.

"Wait Alex... Sorry to disagree pero di naman natin dapat sisihin si Jelly sa nangyari kase aksidente nga yun e... Walang may gusto ng nangyari..." Paliwanag ni Nina.

"Tama si Nina... Di tayo dapat magsisihan sa nangyari dahil lahat tayo malamang ay di gugustuhin yun." Pagsang-ayon ni Roy kay NIna.

"Ganun? Tingnan nyo nga kung ano ang kalagayan ni Vince ngayon??? Hindi natin alam kung kelan sya magigising dahil sa aksidente na yun!" Hysterical na sabi ni Alex. "Sana ako na lang ang nasa kalagayan nya ngayon para hindi na lang ako nasasaktan na makita syang ganun. Sana ako na lang ang na-comatose at hindi na lang sya. Tutal hindi naman ako mahalaga sa inyo lahat! Puro si Jelly na lang! Lagi na lang si Jelly, si Jelly, si Jelly!..." Tuluyan nang lumabas ang luha sa mga mata ni Alex. At pilit na tumagilid sa kabilang side ng bed.

Napaiyak nang husto si Jelly sa reaksyon ni Alex kaya't nanahimik na lang sya habang nakayuko. Lumapit si Roy sa kanya at hinawakan sya sa balikat.

Lumapit naman si Nina kay Alex at hinimas-himas ang balikat nito para i-pacify.

Biglang tinabig ni Alex ang kamay ni Nina. "Stay away from me, please! Iwanan nyo na muna ako... Hayaan nyo na muna akong mapag-isa... Hindi pa siguro ako handang makipag-usap kahit kanino..." 

"Pasensya ka na, Alex... Sige alis na muna kami..." Hindi nagustuhan ni Nina ang mga sinabi ni Alex pero di naman nya ma-confront ito dahil sa physical na condition nito. Kaya't sinenyasan na ni Nina si Roy na itulak ang wheelchair ni Jelly upang lumabas na sila ng kwartong iyon..."

Pagkalabas ng kwarto ay nagulat ang mga nasa bench sa labas dahil napakabilis naman ng pag-stay nila sa loob.

"What happened?" Tanong ni Paula.

"Alex is upset... Medyo di pa yata nya kayang makipag-usap kahit kanino." Si Nina.

"Well, pinalabas nya lang naman kami. At sinisisi pa nya si Jelly sa nangyari sa kanila..." Biglang nasabi ni Roy.

Siniko ni Nina si Roy.

"E totoo naman e.. Si Jelly na lang daw ng si Jelly, si Jelly, si Jelly..." Sarcastic na kwento ni Roy.

"Sssshhh... intindihin na lang muna natin sya... intindihin mo na lang muna sya Jell ha.. Pag okay na sya malamang naman e marerealize nya na mali sya sa mga iniisip nya.." Hinimas ni Nina ang likod ni Jelly.

"Stop crying na sis.. Baka kung mapano ka na naman..." Hinalikan ni Jeremy sa noo si Jelly.

"Tama si Kuya Jeremy, you should rest na, kailangan mo yun." Pagsang-ayon ni Jasper.

"Third the motion na rin ako... rest ka na..." Jed agreed.

Kaya't bumalik na sila sa kwarto ni Jelly. Hinintay nilang makatulog si Jelly bago nag-usap about sa mga nangyari ng nakaraang oras.

"Nagtataka talaga ako sa reaksyon ni Alex kanina. Para namang hindi nya kaibigan si Jelly sa mga sinabi nya kanina." Pagbubukas ni Roy sa usapan.

"Baka naman nabigla lang sya.. Probably she doesn't mean what she said." Jasper declared.

"I don't know... Parang may mas malalim syang pinaghuhugutan e.." Umiiling at nagtatakang sabi ni Roy.

"Matagal na kaming magkakaibigan pero di naman ganun si Alex e... Understanding yan, baka nga lang talaga sobra syang nag-aalala kay Vince but after nito e, I guarantee maayos din yan." Paliwanag ni Nina.

"Sana nga... Kase sayang naman ang friendship kung masisira. Kaya lang, hindi naman dahil sa kapatid ko si Jelly ha, unfair yun kay Jelly na sisihin sya when that time e nag 50/50 din kapatid ko." Jeremy stated.

"That's right... Sana ma-realize ni Alex yun.. Kase higit sa lahat, si Jelly ang affected dito sa situation ni Vince.. Bata pa lang e mag-bestfriend na sila so napakasakit kay Jelly ng event na to." Dugtong ni Paula.

"We just probably need to give time to Alex to recover just what Nina said.. But for the meantime, need talaga, lalo na ni Jelly, ng support natin lahat." Jed suggested.

Kaya't pinag-usapan na lang nila kung paano mapapasaya ang mga kaibigang nasa ospital. Nagplano sila na mag-take turns sa pag-aalaga kay Jelly at kay Alex maging ang regular na pagkukuwento kay Vince kahit natutulog ito. Kailangan nilang tulungan ang mga kaibigan to recover faster nang sa ganon ay bumalik ang saya at ingay nang kanilang kulitan at samahan.


TO BE CONTINUED...



My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon