Chapter 38 - My Chinito

3K 331 26
                                    


So... Ano nga bang nangyari kay Kitchy at Jed nang umakyat silang magkasama sa kwarto? Hmmm... let's check what happened...

Pilit na inalalayan ni Jed si Kitchy habang umaakyat sila sa stairs kahit mismong sya ay hindi makapaglakad nang derecho. Iniakbay nya ang braso ni Kitchy sa kanya para maalalayan nya ito nang maayos.

"Hahaha!" Ang lakas ng tawa ni Kitchy. Halatang-halata ang pagkalasing. "Don't hold me I can manage... hik! I'm not drunk, hik! Who told you that I'm drunk, huh... hik!" Sabay turo sa ilong ni Jed.

"You're drunk na.. Look at you, hik! You can't walk properly..." Lalong inayos ni Jed ang braso ni Kitchy sa kanyang balikat dahil bumabagsak ito.

"Hahaha! I'm not the one who's drunk... You are... look at your eyes... hik! It is more chinito now... Hihi! Soooo cute!" Sabay pisil sa cheeks ni Jed then biglang kumanta ng "Chinito by Yeng Constantino" (slang version)

At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako'y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito... 

Nang matapos kumanta si Kitchy, habang pinipisil-pisil pa din ang pisngi ni Jed ay nakarating na din sila sa kauna-unahang kwarto sa hanay ng mga guest rooms. Hindi na nila alam kung yun ba yung kwarto talaga ni Kitchy o hindi. Binuksan ni Jed ang pinto sabay na-out of balance naman si Kitchy kaya't bigla silang bumagsak dalawa sa floor sa bungad ng kwarto. Sa pagbagsak nila na nasa ibabaw si Kitchy, ay nagkadikit ang kanilang mga mga mukha at muntik na ding magkadikit ang kanilang mga lips. Nagtagpo ang kanilang mga mata at may kakaibang spark sila parehong naramdaman. Unti-unti na sanang naglalapit ang kanilang mga labi but Jed suddenly shook his head and apologized. Unti-unti syang kumilos para tumayo at itayo din si Kitchy. 

Para namang napahiya si Kitchy kaya't bigla syang tumawa na lang muli habang inaalalayan sya ni Jed patayo. "Hahaha! You're really drunk... You almost kissed me! hahaha!" Sabay pasuray-suray na naglakad papuntang bed. She suddenly dropped her drunk body on the bed. 

Sumunod naman si Jed at ibinagsak din ang katawan sa kama. They talked while their backs are lying on the bed.

"I'm not drunk... Ah...I'm sorry for almost kissing you".

"Hahaha! Why are you apologizing? Philippine boys are ridiculous? Do you really have to ask for permission if you wanna kiss a girl? Too polite... geeez..." Kitchy smirked.

"I asked for apology not because I tried to kiss you... I'm apologizing because I almost kissed my friend's girlfriend."

"Girlfriend? Jasper? Jasper is not my boyfriend. we are cousins, hahahaha! Somebody was tricked... hahahaha!" 

"What? Hindi kayo mag-boyfriend ni Jasper?" Napatayo si Jed sa pagkakahiga kahit namimigat na ang ulo nya. "What? I don't understand... Can you explain to me what's happening?"

"Well, that's life...coz..." Yun na lang ang nasabi ni Kitchy at bigla nang naputol ang sasabihin nito dahil bigla na lang itong nakatulog dahil sa pagkalasing.

Napabuntong hininga si Jed. "Hayyyy at tinulugan na lang ako..." Although naiwang gising ay parang nahimasmasan si Jed dahil sa nalaman. Napangiti sya. "Ibig sabihin... Yes! Pwede ko syang ligawan? Yahoooo!" Sigaw nya sa sarli. "Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya kanina, may spark na... Sya na ba ang "meant to be" ko?... Wait nagmamadali ba ako? Pero... Siguro eto na nga yun tinatawag nila na "Love at first sight"? Basta... Basta in love ako walang kokontra... E paano kung may boyfriend pala sya sa Canada? Huh.. erase-erase.. Saka ko na puproblemahin yun, basta in-love ako ngayon..." Tuwang-tuwa sya at para syang baliw na kinakausap ang sarili. Maya-maya ay mabilis na pumunta sa banyo at naghilamos ng mukha at nagmumog ng bibig para lalong matanggal ang pagkalasing. Pagkalabas sa banyo ay tinanggalan nya ng sneakers si Kitchy, iniayos nya ang pagkakahiga at kinumutan pa ito. Masaya nyang pinagmasdan ang mukha nito at hinaplos ang mamula-mulang pisngi. Para syang lumulutang sa alapaap habang pinagmamasdan ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso nya sa napakabilis na panahon.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon