After Jeremy, Paula and Jelly talked, Jelly hurriedly got her phone and texted Jed and Jasper. She told them na makipagkita sya sa kanila at 3 pm sa club house sa village na iyon. Mabilis namang nag-confirm ang dalawa which makes Jelly feels good dahil at last makakausap na din nya ang dalawa about sa situation nila. Alam ni Jelly ang feelings ng dalawa para sa kanya and she wants to be fair enough and tell them everything.
Pagka-park nya ng kotse ay nakita na din nya ang kotse ng dalawa na naka-park na din sa parking lot kaya't alam na nya nauna na ang mga ito na dumating. Dumiretso si Jelly sa may golf course kung saan nya sinabing magkikita silang tatlo. Malayo pa ako ay natanaw na siya ng dalawa na magkatabi sa bench habang nanonood ng golf tournament. Nang makita sya ng dalawa ay kumaway ang mga ito at dali-dali syang sinalubong.
"Hi Jelly!" Nakangiting bati ni Jed.
"Hi Jell!" Bati din ni Jasper.
"Hi Jed, Hi Jasper!" She greeted them back. "Buti naman nakarating kayong dalawa." Jelly smiled.
"Syempre naman, ikaw pa.. Pwede bang di ako magpunta pag ikaw ang nag-invite? Baka itong si Jasper pa.." Pabirong sabi ni Jed.
"Oy ha, syempre pag si Jelly nag-invite never din ako mag-decline.. Ikaw talaga.." Sabay irap kay Jed.
"Oy wag na kayo magtalo dalawa.. mabuti pa mag-coffee na lang tayo.. Treat ko kayo.. tara!" Yaya ni Jelly sa dalawa.
At nagpunta silang tatlo sa coffee shop. Nag-unahan pa ang dalawa sa pag-oopen ng door para sa kanya at maging sa pagkuha ng chair ng dalaga.
Pagkaupo ni Jelly ay di nya naiwasang sabihin sa dalawa, "Sobrang lucky ko naman at may two handsome ang gentleman prince akong kasama... At kinindatan ni Jelly ang dalawa.
"Ehem.. ehem..." Birong sagot ng dalawa.
Habang hinihintay ang order nilang coffee at tuna sandwiches ay kinumusta si Jelly ng dalawa at sinabi naman ni Jelly na okay na okay na ang pakiramdam nya and she's fully recovered. Maya-maya ay dumating din ang order nila.
"So, Princess (tawag ni Jasper kay Jelly pag naglalambing)... bakit mo nga pala kami ipinatawag ni Jed?" Nakangiting tanong nito.
"Oo nga Jell, kanina pa ako excited malaman kung bakit ba?.." Nakangiti ding taning ni Jed.
"Uhmm... well, mabuti pa siguro e kainin muna natin ang mga sandwiches natin before tayo pumunta sa topic." At huminga ng malalim si Jelly. Medyo dini-delay pa nya para humanap ng timing.
"O sige ba.. sabi mo e..." Kumindat si Jasper. At ngumiti lang din si Jed.
Habang kumakain ay nagkwentuhan lang silang tatlo ng tungkol sa mga nakakatawang nangyari noong nagbakasyon silang lahat sa Boracay at maya-maya ay biglang nalungkot ang dalawa ng mabanggit nila ang pangalan ni Vince.
"Speaking of Vince... kumusta na kaya sya? Di pa ako nakakadalaw sa kanya simula nung isang araw..." Malungkot na sabi ni Jed.
"I really wish na magising na si Vince. Aminin natin, di kompleto ang saya natin kung wala sya, di ba?" Dagdag ni Jasper.
"Uhmm... Jed, Jasper... Actually kaya ko kayo gustong kausapin ay dahil sa kanya..." Simula ni Jelly.
"Ganun ba? What about him? Don't tell us na hindi sya okay?" Malungkot na tanong ni Jed.
Tumingin din si Jelly kay Jasper at nagtatanong din ang mata nito.
"A..actually... Vince is okay na..." She said habang nakangiti nang bahagya.
"Really? He's awake na? Oh, thank God!" Jasper exclaimed.
"I'm so happy to hear that he's okay na! Buti na lang talaga..." Natutuwa ding sabi ni Jasper.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...