Dahil sa naging controversial na sagot ni Jelly sa mga critical na tanong ng reporters ay lalong nagustuhan ng masa si Jelly. Naging positive ang dating ng pagiging honest nya. Although may ilan na na-disappoint lalo na't inaasahan nila na magkakaroon ng reality ang wish nila na maging real partners si JM at si Jelly pero mas marami ang sumuporta sa kanya at tanggap naman ng kampo ni JM ang lahat ng iyon.
Habang nanonood ng balita si JM at si Vannie sa condo ay lihim na tinitingnan ni Vannie kung anong reaksyon ni JM sa mga naririnig.
"Hey Mr. Justine Madrigal, seryosong-seryoso ka yata?" Nagbibirong sabi ni Vannie.
Napangiti lang si JM. "Ikaw talaga, ako na naman ang napansin mo. Buti pa damihan mo pa ang kain ng ice cream oh, ubusin mo na yan at baka matunaw na.." Sabay push ng jug of ice cream kay Vannie.
"Kaya dumadami ang baby fats ko eh, lagi mo akong pinipilit ubusin ang mga foods mo." Nagrereklamo pero nag-scoop naman ng ilang scoop na ice cream sa cup nya sabay subo ng isang punong-puno na spoon sa bibig.
"Haha! Complain pa ng complain e gusto din naman." Napatawa ng malakas si JM.
"Honestly, na-a-ouch ka no?" Seryosong tanong kay Vince kahit medyo namumuulan pa dahil sa ice cream sa bibig.
Natahimik si Vince sabay tayo at biglang hinawi ang curtain ng malaking glass window, sabay tingin sa labas kung saan kita ang mga naglalakihang building at naggagandahang ilaw ng buong city.
"Ano namang magagawa ko, may mahal na sya noon pa. Ano bang laban ko sa kababata and bestfriend? And you know me Vannie, never akong mag-iinterrupt ng relationship ng iba, para ano? Para makasira? No way..." Umiiling na sabi ni JM.
"Okay... Sabi mo eh..." Umiling-iling na din na sabi ni Vannie habang kumakain pa din ice cream nya.
Sa kabilang dako, sa condo ni Jasper...
"What??? Gulat na sigaw ni Kitchy, Jed, Roy, Nina at noon ay nagiging active na uli na si Alex.
"Patay, bakit nga ba ako nadulas sa inyo. Lagot ako kay Vince neto..." Napahawak sa noo na sabi ni Jasper.
"Sigurado ka ba pare na ganun ang sitwasyon ni Vince ngayon?" Pangungulit ni Jed.
"Kawawa naman si Vince, sigurado ka ba talaga Jasper?" Ulit na tanong ni Alex.
"Eh ano pang magagawa ko e nalaman nyo na... O sige na nga... Oo ganun na nga, may brain tumor sya at need nya maoperahan kaagad sa Amerika. Pero gaya nga ng nasabi ko, ayaw nya ipaalam kahit kanino, lalong-lalo na kay Jelly."
"That will be so unfair to Jelly... She has the right to know!" Diin ni Alex.
"Yun na nga ang sabi ko kay Vince eh, pero para sa kanya e hindi dapat malaman ni Jelly kase nga kilala nyo si Jelly, mas pipiliin nun na bantayan nya si Vince kesa sa ituloy ang career nya dito. Yun ang ayaw mangyari ni Vince."
"Pero alam naman natin na mas mahalaga nga kay Jelly si Vince kesa sa career nya. Di ba masasaktan yun kung hindi sasabihin sa kanya?" Nakakunot ang noo na sabi ni Nina.
"That's right, so we must tell that to Jelly so not to be unfair to her.." Sang-ayon ni Kitchy.
"Eh ano namang gagawin natin, if Vince doesn't want it? Sabi nya bahala na daw syang magsabi after ng operation. Pagkatiwalaan na lang natin sya sa gusto nyang mangyari. Ayaw nya talagang pag-alalahin si Jelly. Kaya please lang... yun mga napag-uasapan natin ngayon walang lalabas ha.. Di ko sinasadya na masabi sa inyo pero tayo na lang please... Kahit kay Kuya Jeremy at Ate Paula wag nyo na munang sabihin, please mangako kayo..." Nakikiusap ang mga mata na sabi ni Jasper.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
Storie d'amoreFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...