SEASON 2 FINALE

1.7K 57 19
                                    

Hindi maalis-alis ang mga mata ni Vince at Jelly sa isa't isa habang nakaharap sila pareho sa altar. Kitang-kita sa mga mata nila ang sobrang pag-ibig sa isa't isa. Pareho silang dalawa na maluha-luha dahil sa kaligayahan nang oras na iyon. Parang nakatigil ang mundo sa kanilang dalawa.

Nagulat pa si Jelly at Vince nang biglang magsalita ang priest...

"And now, you may kiss the bride..." Nakangiting sabi ng pari.

Pagkasabing iyon ng pari ay dahan-dahang naglapit ang mukha ng dalawa. Unti-unting pinakilos ang mga labi papalapit sa isa't isa.

Ngunit maya-maya'y biglang may sumigaw...

"Cut!!! Cut!!!" Sigaw ng direktor sabay lapit sa dalawa.

Hindi mapigilan nang dalawa ang pagtawa nang makita ang inis nang mukha ni Direk Tonee.

"Kayong dalawa kung hindi ko lang kayo mahal pareho, nag-resign na ako sa shoot na 'to! Nakakasampung take na kayo sa kissing scene na yan.. mag-jowa naman kayo pero napaka-awkward tingnan! Talaga bang ayaw nyong matapos ang music video nyong dalawa ha? Ha???" Inis na sabi ni Direk Tonee.

"Direk, sorry na po talaga... Promise, gagalingan na namin talaga... Promise! Promise..." Sabay akbay ni Vince sa direktor habang natatawa pa din.

"Ikaw, kung hindi ka lang gwapo naku, sabi ko sa'yo, ihahanap ko talaga ng ibang loveteam 'tong si Jelly! Kayong dalawa, ewan ko nga ba! Ang galing-galing nyo pareho sa pagkanta pero pagdating na sa acting part, as in waley! Waley na waley! Kaloka kayo! Maaagasan ako sa inyong dalawa! O sige pack-up na muna bukas na ulit! Kailangan na muna nating mag-rest for now. Mag-rest kayo mabuting dalawa nang maging maayos naman ang acting nyo tomorrow. Pag hindi nyo inayos dalawa magwawala na talaga ako bukas!"

"I love you, Direk... Wag ka na masyado ma-imbyerna ha... Sige ka mawawla na beauty mo nyan" Nahihiya habang napapangiti na pambobola ni Jelly sa baklang direktor.

"Ay sya, sya! Buti na lang talaga sa lahat ng hinahawakan ko e kayong dalawa paborito ko, kung hindi naku talaga!" Nakangiti nang sabi ni Direk Tonee maya-maya'y nagbeso na sa dalawa. "Go ahead na kayong dalawa sa hotel at mag-rest na kayo." Paalala pa nito.

"Okey po direk, Thanks po!" Halos sabay pang sabi ni Vince at Jelly.

Pagka-akyat ng kanya-kanyang hotel room ay sa halip na magpahinga ang dalawa ay nagbihis lang ang mga ito at nagkita din sa lobby.

"Ready?" Nakangiting tanong ni Vince.

"Ready na ready na..." Nakangiti ding sagot ni Jelly.

"Ang ganda naman ng honey ko. Alam mo pag naka-white dress ka talaga, grabe talaga dating mo... Para kang angel na bumaba sa langit. Kaya I really can't wait na mapakasalan kita. I want to see you wearing the wedding gown na ipapagawa ko para sa'yo." May paghangang sabi ni Vince kay Jelly.

"Hmmm, bolero ng boyfriend ko... Kailangan mo pa ba talaga akong bolahin ha? Pero maganda ba talaga itong suot ko?" Curious na tanong ni Jelly na umikot pa sa harap ni Vince.

"Yes.. very much... Well... Eh bakit nga ba nagpaganda ka pa ng ganyan? Para tuloy gusto ko nang magselos. Ako ba pinagpagandahan mo o si JM, hmmm..." Nagbibirong sabi ni Vince.

"Nagpaganda ako for JM not for you... haha!" Sagot ni Jelly sabay irap kay Vince.

"Ah ganun ha... O sige eto ang sa'yo..." At maya-maya ay inakbayan si Jelly at pinisil nang mahigpit ang ilong nito.

"Ouch!!" Sigaw ni Jelly.

At nagkulitan ang dalawa habang palabas ng hotel.

Habang hawak ang isang bouquet of white roses at sunflower ay lumakad si Jelly sa malapit sa dagat. Maya-maya ay lumapit na sa kanya si Vince. Ilang segundo din nilang pinanood ang bahagyang pag-alon ng tubig. Maya-maya ay biglang bumuntung-hininga si Jelly.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon