Chapter 5

4.6K 116 11
                                    

Chapter 5

Dumating kami sa Incognito dahil hinatid kami ni Brian. Kanina ko pa gustong bumaba dahil kanina pa ako nasusuka sa ka-sweetan nilang dalawa. Panay ang talo nila dahil sa maiksing suot ni Az. Naku, kung alam lang ni Brian kung paanu manamit ang babaeng ‘yan nung nasa America kaming dalawa. He’ll surely freak out! Tss. Asa naman syang mapagsasabihan nya si Az pagdating sa pananamit.

Mabilis kaming nakapasok sa Incognito dahil kilala pala ni Brian ang mayari nito. Naisip ko na mabuti at hindi gabi ginanap ang birthday ni Rey ang sabi sa akin ni Daddy ay magcha-chat kami at siguradong mapapagalitan na naman ako kung sakaling magonline sya sa skype at hindi ako online.

Pagpasok namin sa loob ay nalula ako sa dami nang tao. Maaga palang at ganito na ah? Anu pa kaya mamayang gabi?

“Madaming friends si Rey sa school na pinapasukan nya. They’re probably here too. Kaya madami.” Bulong sa akin ni Az. Hindi ko alam kung bakit kailangan nyang bumulong eh, wala pa namang music at magkatabi lang naman kami. I bet it’s because of Brian.

“You said, andito si Alec?” Taas kilay na tanung ko sa kanya.

“Kaya nga. Pupunta sya. Can you wait?” Aniya sa akin at binalingan si Brian nang hawakan sya nito sa beywang. Umismid ako at ginala ang tingin ko sa paligid.

“Maaga pa, Don’t get drunk.” Aniya sakin. Tumungo-tungo lang ako.

Oh my Gosh! Wala manlang akong kakilala dito maski sino, sa tingin ko ay niloloko lang ata ako ni Az nang sabihin nyang andito si Alec para sumama ako at mabantayan lang ako. Tss! That damn girl!

“Doon lang ako.” Ani ko kay Az at tinuro ang isang mahabang sofa. My feet hurts at gusto kong maupo.

“Alright.” Tumungo sya sa akin. Tinapik ko ang buhok ko pagkatapos ay lumakad na doon sa upuan.

Inilabas ko ang cellphone ko pagkatapos ay muling binasa ang text ni Russell doon gamit ang numero ni Alec. Agad na nangningning ang mata ko. Ang ibig sabihin ay magkakasama sila ngayon dahil nagamit nya pa ang number ni Alec. Pinaypayan ko ang sarili ko pagkatapos ay nagkagat-labi. Gosh, I can’t wait to see him tonight.

Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at tiningala ang mga naglalarong ilaw dito sa loob nang maganda at mamahaling bar. Ilang sandali pa ay nakita ko nang mas lalong dumagsa na ang mga tao. May mga dumating pa. Nahilo na ako sa paggalaw nila sa stage dahil ang ilan, maaga palang ay nakainom na. Ngumuso ako, Azariah probably fooling around, wala ata talagang Alec na darating.

Pumikit ako pero agad ko din ‘yung idinilat nang maramdaman ko ang paglubong nang sofa saking gilid.

“Alone?” kumurap ang mata ko sa lalaking nasa tabi ko.

“Rey?”

“Yes.” Natawa sya.

“Happy Birthday. I’m Azariah’s cousin. Cory.”

“Yeah. I know you. Nice to meet you.” Aniya at naglahad nang kamay sa akin.

Tinanggap ko ‘yun. Medyo nailang pa ako dahil hindi nya padin binibitawan ang kamay ko kahit na tapos na ang handshake namin.

“Sorry.” Aniya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon