Chapter 3

4.5K 131 14
                                    

Chapter 3

Hindi ako pumasok sa klase at literal na nagkulong ako sa room na ‘yun. Magang-maga ang mata ko at pakiramdam ko, kahit na anung iyak ko ay hindi padin nauubos ang laman nito.

Nang magbell na para sa lunch break at sinamantala ko ang pagkakataon para makalabas na nang university at makauwi nalang sa condo. There’s no way na hahayaan ko nag makita ako nang pinsan kong si Az na ganito ang itsura, gigil na gigil sya sa akin pagdating sa pagiging tanga at pagiging baliw ko kay Alec kaya sigurado akong magagalit ‘yun.

Nakarating ako sa condo at ilang missed calls ang natanggap ko galing kay Az. Malamang ay nalaman nyang hindi ako pumasok ngayon. I don’t care, though. Inext ko syang masama ang pakiramdam ko kaya maaga akong umuwi at tsaka inoff ang aking cellphone para hindi na nya ako kulitin pa pero nang makauwi sya sa bahay kinagabihan ay nakita nya akong nakahilata saking kama at sawing-sawi padin. Kalat-kalat na ang make-up ko dahil sa aking pagiyak, I know, I really do look pathetic and miserable, kaawa-kawa na talaga akong tignan ngayon.

Now, you know, how crazy I am kay Alec.

“What the fuck, Cory Jane?” tumili ang pinsan kong si Azariah nang makita ang namumugto kong mata, Nagangat ako nang tingin at tinitigan ang asul nyang mata na may makakapal na pilik-mata.

“Leave me alone, Az. I don’t have time for your shit for now.” Bulong ko habang marahas na pinupunas ang aking luha sa pisnge, Hanggang ngayon ay hindi padin ako natatapos umiyak.

“Look.” Bumuntong-hininga sya. “I already told you to stop, sinabi ko na nga sayo na wala ka namang mapapala sa paghahabol mo sa Alec na yan! Nagsasayang ka lang nang panahon mo!” bulalas nya sa akin.

Kita mo, kahit na hindi ko sabihin ang problema ko ay alam na alam nya! Alam na alam nya naman na si Alec lang ang iniiyakan ko nang ganito, wala nang iba..

“I don’t know, Az. I thought…I thought were okay? Hindi ko sya maintindihan! Umasa ako! Oh my God! Umasa ako, Az! It’s been decades since I’ve been inlove with him! Simula pa nung mga bata pa tayo! Ilang beses akong nagtapat at ilang beses na din nya akong nireject! I’ve seen him transfer my one girl to another, at wala syang sineryoso dito.. kaya ang akala ko.. Shit! Ang akala ko..”

“Well, you assume things too much, Cory.” Aniya.

“O-ok lang sana, kung pinatulan nya din ako! Katulad nang mga babaeng nagtatapat sa kanya, pinagbibigyan nya ang mga ‘yun Az, kahit na, ilang araw lang ay hinihiwalayan nya din! Matatanggap ko pa ‘yun!” bulalas ko.

Umiling-iling sya.

“Naisip mo yan? You’re crazy!” singhal nya sakin.

Wala akong magawa kundi iiyak ang lahat nang sama nang loob ko sa ginawang pangrereject ulit sa akin ni Alec sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, I don’t know why he can’t like me. We’ve known each other since we were kids, Noon palang, alam ko na na sya ang lalaking gusto kong makasama sa buhay, mga bata palang kami, hinahabol-habol ko na sya kahit na isang sulyap o isang ngiti lang nya at kaylangan ko pang paghirapan bago makuha.

Pumihit ako paharap kay Az at pinaglaruan ang maiksi kong buhok ngayon. I cut my hair! Dammit! I even cut my hair dahil alam kong hindi gusto ni Alec ang mga babaeng may matataas na buhok. Fuck! Everything for Alec!

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon