Chapter 8
Bakit may boxing ring dito? Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Gray at black naman ang pintura at totoong may boxing ring sa gitna. Malaki ito at malawak. Sa isang sulok naman ay mga paglift pa na mabibigat na bakal at mayroon ding isang malaking punching bag.
Nalaglag ang panga ko. Wag mong sabihing sa ganitong kaengrandeng lugar sya nagpapaganda nang katawan?
"What are you doing here." Halos mapatalon ako sa gulat nang madinig 'yun. Agad akong napalingn at nakita si Russell na nakasandal sa pintuan nang kwartong ito. Nakataas ang kilay nya at titig na titig sa akin nang mabuti. Nakaitim na sando na sya ngayon at kumikislap ang mata nya nang dahil sa pagkadim nang kwartong ito.
"Ah- uhm. Hinahanap ko ung damit ko.. tapos napadpad ako dito." Sabi ko nang hinarap sya. Bahagya nyang tinagilid ang kanyang ulo at pinagmasdan ako hanggang ulo hanggang paa. Nakita ko ang kakaibang ekspesyon sa kanyang mata at halos tumakbo ako kung saan. Nawala sa isip kong nakatuwalya lang pala ako! Shit!
Tinakpan ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay. Nakita kong lumunok sya at ininguso ang kanyang kama. Nakita ko ang tiba-tibang mga shopping bag na nakapatong doon.
"Sorry. Nakalimutan kong ibigay. Magbihis kana. All of these are yours." Aniya at mabilis na umalis doon. Kumunot ang noo ko. Anung problema nang lalaking 'yun? Tsss. Pumunta ako doon at binalingan nang tingin ang mga damit. Sosyal ang dami nito ah, at mas mahal pa ata 'to kaysa sa mga damit na binibili ko.
Isa-isa kong inilabas ang mga damit sa shopping bag at pumili nang masusuot doon. Kumunot ang damit ko. Puro conservative ata ang mga damit na 'to ah? Wala manlang syang biniling sexy na damit? 'yun bang pwedeng pang-party?
Sumimangot ako at sinuot nadin 'yun dahil wala na akong magagawa. Pinili ko nalang ang isang t-shirt at maong na shorts. Hindi pa tuyo ang buhok ko at sinuklay nalang ito. It's already 7:00pm in the evening at nagugutom na ako.
Lumabas ako nang kanyang kwarto at bumaba sa kitchen. I saw him there. Naka-apron sya at naglalagay nang pinggan sa dining table. Tumaas ang kilay ko. Why is he wearing an apron? At bakit kahit nan aka-apron sya na pambading ay ang gwapo-gwapo nya padin? Shems.
Umayos ako nang pagkakatayo nang bumaling ang tingin nya sa akin. Ngayon ko lang napansin na basa ang kanyang buhok. Naligo din ba sya?
"Have you.. have you took a bath already?" tanung ko.
Pumungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin. "Yeah? Dito sa ibaba."
"Ah." Sabi ko. Pumikit ako at oo nga! I can smell him from here! What kind of freaking expensive perfume is that? Ang bango, sobra!
"Ah." Tumungo-tungo ako at umupo sa upuan doon. Nakita kong tinanggal nya ang kanyang apron, umupo sa upuan at pinagsalop ang kanyang dalawang palad bago ako titigang mabuti.
"Cause I know you'll freak out kapag pinasok kita sa banyo." Biglang sabi nya habang tinititigan ako. Nanlaki ang mata ko.
"Wha- Pervert!" Sabi ko
Ngumisi sya nang mapait. "I'm not." Aniya. Kinuha nya yung kanin at naglagay sa kanyang pinggan. Ganun din ang ginawa nya sa steak na ulam na kanyang niluto. Naamoy ko ang halimuyak nun. Mabango at parang ang sarap-sarap kainin.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...