Chapter 62
Unte-unte kong dinilat ang mga mata ko at nakaramdam kaagad ng sakit ng ulo. Gumalaw ako sa kama at inayos ang buhok kong sumabog sa aking mukha. Nang marinig kong nagring ang aking cellphone ay kaagad ko 'yung kinuha sa ibabaw nang cabinet at sinagot 'yun.
"Hello?" Antok na sabi ko.
"Where are you?" Narinig ko ang boses ni Az.
"Huh?"
"Anung huh? Asan ka ba?" sigaw nya.
Kumunot ang noo ko.
"Stop shouting Az. Andito ako sa kwarto." Mahinang sabi ko dahil sa sakit ng ulo ko.
"Ako ba pinagloloko mo ha?"
"Bakit naman kita lolokohin? Bakit ba?" naiiritang sabi ko.
"Andito ako sa kwarto at wala ka! Kaylan ka pa naging invisible ha?!" Aniya.
"Anung bang pinagsasabi mo? Andito na ako sa kwart-" Napatigil ako nang mas idilat ko ang aking mata. "Oh my God!" bulalas ko.
"Anung Oh my God? Hoy ha! Nakaninong kwarto ka-" Hindi na natapos ni Az ang pagsasalita nya nang patayin ko na ang tawag.
Kaagad akong napaupo sa kama at pinasadahan ang sarili ko. Oh my God! Gulantang na gulantang ako dahil nakasuot ako nang panglalaking t-shirt! At hindi ko ito kwarto! Damn it! Nasaan ako?
"Oh my God! Asan ako?" Natatarantang sabi ko at nanginginig na pumipindot sa cellphone ko para itext si Az kung anung gagawin ko at nagising ako sa ibang kwarto pero bago ko pa ma-send 'yun ay namatay na ang cellphone ko dahil lowbat ito.
"Shit!" Mura ko.
"Oh my God! Anung gagawin ko?" Nangiyak ngiyak na ako sa kaba nang pasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Natigilan ako kaagad nang marealized na pamilyar ito sa akin. Pamilyar na pamilyar. Isa-isang bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Lahat ng ala-ala na meron ang kwarto na ito.
I know this place! Bakit ako narito sa bahay ni Russell?
Handa na akong umalis ng mapatigil ako nang biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng mula doon ay nakita ko si Russell na pumasok at naka pantalon lang. Kumalabog ang dibdib ko at halos hindi ako makapagsalita. Pinagdikit ko nang madiin ang hita ko dahil alam kong damit nya ang suot-suot ko ngayon. Hindi kaya may nangyari sa amin kagabi? P-pero paanu? Wala namang masakit. Ay oo nga pala! Hindi na masakit 'yun para sa akin. P-pero.. Damn! Paanu ko ba malalaman kapag may nangyari sa amin?
Natatarantang kinapa ko ang damit ko sa lapag. Pero hindi ko ito nahanap doon. Tanging ang cellphone ko lang nasa tabi ko.
"Anung- Paanung-" Litong-lito ako.
Humulukipkip lang si Russell doon at tinitigan ako gamit ang matatalim nyang mata.
"You're finally awake." Matipuno at malalim ang kanyang boses. Lumunok ako nang gumapang ang kuryente mula sa kanya hanggang sa akin.
"A-anung ginagawa ko dito? An-anung nangyari?" naguguluhang tanung ko.
"You're drunk and throwing up last night kaya inuwi kita dito sa bahay ko." Aniya.
What? So sya yun? At hindi si Alec? Kaagad kong dinampot ang cellphone ko.
"B-bakit hindi mo nalang sinabi kay Az? Or Alec? He can take me home."
"He's busy with his friends."
"Still-"
"Can you just be thankful?" Nasundan ko ang pagtaas nang kilay nya.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomansaCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...