Chapter 9
Pumikit ako nang madiin dahil nadidinig ko ang bawat palo nya sa kanyang punching bag. It's already three in the morning at ang akala nya ay tulong na ako. Nakatalikod ako sa kanya kanina at ramdam na ramdam ko ang pagtayo nya saking tabi. Ang buong akala ko ay lalabas sya pero nang sumilip ako ay nakita kong pumasok sya sa loob nang kwartong 'yun at ngayon ay magiisang oras na sya sa loob.
Suminghap ako at hinawakan ang aking labi. Pumikit ako nang madiin dahil hindi matanggal sa utak ko ang halik nya sa akin kanina. His eyes are full or desires as if he want me, as if he wants to own me. I don't know if I make him angry because of what I said thats why it triggers him to kiss me like that.. persuasively. Pero diba't ako dapat ang galit? I should punch him! Or slap him! But, I can't. Nanghihina ang katawan ko at nanginginig ang aking tuhod. Kaya nang utusan nya akong matulog na at kalimutan ang nangyari ay wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya.
Shit.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog nang aking cellphone. Agad ko 'yun kinapa sa gilid nang kama at nakitang si Dad ang tumatawag. Nanlaki ang mata ko at agad na napaupo sa kama.
"Dad. M-morning." Ngatal na sabi ko.
"Good morning. Kagigising mo lang? wala kabang pasok?"
"Meron po."
"it's already 10." Aniya. Napatingin ako sa orasan. Oo nga! Shit! Nasan ba si Russell? Bakit hindi nya ako ginising?
"Uhm.." Suminghap ako at nagkamot nang ulo.
"Don't tell me you're skipping classes again."
"No Dad. No. 12nn pa po ang pasok ko." Sabi ko at binalingan ang isang sulok nang kama. Nagulat ako nang makitang naroon na ang aking mga gamit.
"Uhm, okay. How's Az?"
"Az? Uhm.." Nataranta ako agad. Shoot! I almost forgot! Sa bahay na nga pala ako ni Russell nakatira ngayon. "Az.. is.. uhm, still sleeping! Still sleeping, Dad!" sabi ko.
Hindi kaagad sya sumagot kaya naman kinabahan ako. My Dad is very intelligent, alam na alam nya kapag nagsisinungaling ako. Pero minsan, swerte kong nakakalusot.
"Ah. Pinapakamusta sya nang Daddy at Mommy nya."
"Ok Dad, I'll tell her." Sabi ko.
"And Cory, please. Take your studies seriously, busy pa ako dito sa US and next week I'll fly to Brazil for the opening of new project. Keep in touch, alright?"
"Yes Dad. I love you."
"I love you, dear." Aniya at binaba na ang tawag.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at naupo sa kama. My Dad is Enrique Aquino. May hawak na business si Papa dito sa Pilipinas, hotel and resorts. And now, nagoopen na din sya sa ibang bansa. He is good in business. Kaya nga ang Chinese multimillionaire na si Mr. Sy ay napapayag nyang maginvest sa aming kompanya. Well, I don't have a mother anymore. She died pagkapanganak sa akin at sa totoo lang ay hindi ko nga maalala ang mukha nya. Base sa mga kwento ni Daddy ay parehas kami nang kulay nang mata. Parehas daw kaming maganda at matalinong babae, that's why he got her. Maselan ang pagbubuntis ni Mommy and they already knew na hindi nya kakayaning magkaanak, but still she wants to give Dad a precious little angel kaya ako narito, in exchange. She died.
Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba nadin ako sa kusina. I am wearing this floral dress na lace ang itaas. Gamit-gamit ko din ang isang channel bag na kahapon ko pa gamit. Tinali ko ang buhok ko ngayon dahil mainit ang panahon.
Nagulat ako nang makitang may nakahanda nang pagkain sa mesa para sa akin. Bumaling ako sa paligid at walang nakitang bakas ni Russell. The hell is wrong with that guy? Talagang iniwan nya ako ditong maisa? Natakot sya dahil sa nangyari kagabi? Is he a coward? Tss!
![](https://img.wattpad.com/cover/26701234-288-k121810.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...