Chapter 31

3.5K 93 8
                                    


Chapter 31

Ngayong biyernes ay lutang na lutang ako. Sasayaw kami mamayang closing ng School Festival at ngayon din ang huling basketball game nila Russell. I can't think straight. Paulit-ulit kong inaalala 'yung mga sinabi nya sa akin kahapon. He said, one of this days, Alec will ask me to be his girl. Anung gagawin ko kapag dumating ang araw na 'yun? How can I refuse him sa paraang hindi sya masasaktan. I don't want him hurt.

Ako:

Alec, are you busy? Pwede ba tayong magusap mamaya? May mahalaga lang akong sasabihin.

Nagreply sya kaagad.

Alec:

Sure. Where and when?

Ako:

After your game? Kahit sa mall nalang.

Alec:

Okay. See you later, Cory.

Kaya kagabi ay hindi rin ako nakatulog kakaisip. Today, I'm going to tell him everything. Sasabihin ko sa kanya ang lahat-lahat. Na totoong minahal ko sya pero iba na ngayon. I fell for Russell and I want to be with him. I'm going to tell him about the deal. I'm going to tell him that I don't love him anymore. Then, I'm going to settle everything with Russell. Sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

"Oh? Talaga? Sinabi daw 'yun ni Alec? Oh my G!" tumalon-talon si Azariah ng dahil sa saya pero tumigil din sya at tumingin sa akin.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Aren't you happy?"

"Should I?"

"Oo naman!" halos isigaw nya. "Diba, matagal mo ng hinihintay 'to? Kapag tinanung ka ni Alec, wag ka ng magatubili pa. Say yes already! Agad-agad!" Aniya.

"Az naman.."

Kumunot ang noo nya sa akin.

"Bakit ba nagaalangan ka? Anu bang nangyayari sayo? Nagdo-doubt kana ata sa feelings mo para kay Alec eh!" Aniya

Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko. Hindi ko alam kung anung sasabihin o iisipin sa akin ni Azariah kapag nalaman nyang wala na akong nararamdaman pa para kay Alec. Na sa ngayon, si Russell na ang mahal ko. I am afraid. Natatakot ako para sa nararamdaman kong ito. Will it cause chaos?

"Oy!" kinalabit nya ako.

"Magkikita kami mamaya."

"Oh? Really? Aasahan ko ang good news ha? Call me." Nakangising sabi nya.

Ngumiti lang din ako. I'm sorry Az. Hindi ko pa masabi sayo ang lahat. I'm going to settle everything first. Pagkatapos noon, tsaka ko sasabihin sayo.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang si Russell ang nagtext.

Russell:

The game will start at thirty. Be there and watch me.

Ngumiti ako.

Ako:

I will.

Russell:

Cheer for me. Kapag nahuli kong kay Alec ka nakatingin. I'm going to drag and kiss you infront of many people.

Uminit ang pisnge ko ng dahil doon.

Ako:

Baliw!

Russell:

Don't make me jealous, then.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon