Chapter 20
Panay ang iyak ko kahit nung nakasakay na ako ng taxi pauwi nang bahay namin ni Azariah. Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng jacket para matakpan 'yung sira kong damit dahil sa hayop na Russell na 'yun!
"Miss, okay lang po ba kayo?" binalingan ko ng tingin 'yung taxi driver nang tignan nya ako sa salamin ng sasakyan. Patuloy 'yung paghikbi ko.
"Manong, mukha po ba akong okay? Kitang umiiyak na nga eh!" sabi ko at marahas na pinunasan 'yung luha ko.
Hindi na nagsalita si Manong at umiling-iling nalang. Binaba nya ako sa tapat ng bahay namin ni Azariah. Pagkatapos kong magbayad, bumaba na ako at kaagad na pumasok sa loob. Katulad nang hinala ko ay wala pa nga si Azariah doon. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at kaagad na hinubad ang jacket na suot ko. Pinagmasdan ko ang itsura kong mukhang ni-rape sa harap nang salamin.
Nagbalik sa akin ang ala-ala ng mga nangyari kanina. Muling tumulo ang luha ko. Walang hiyang Russell talaga 'yun! Ang kapal ng mukha nya! Marahas kong pinunasan ang luha ko pati ang aking labi. Nandidiri ako! Walang hiya sya! Anung karapatan nyang halikan ako pagkatapos nyang halikan ang malanding babaeng 'yun? Damn!
Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa kung paanu sila maghalikan sa mismong harapan ko. 'yung messy na itsura ni Russell kanina, 'yung mga lipstick stain sa polo at leeg nya, 'yung box nang condom sa tapat nang banyo nya. Lahat 'yun paulit-ulit na nagpla-play nang walang tigil sa isip ko. Damn him! Damn him!
Naligo ako at nagkuskos mabuti nang katawan. Kulang nalang ay malapnos ang balat ko sa kakakuskos ko. I hate it! Gusto kong maalis ang bakas ni Russell sa akin. Damn! Kinamumuhian ko talaga sya ngayon!
Natulog ako dahil sa sobrang sama ng loob ko. Even my phone is off. I wasn't expecting him to call or text me anyway. Pero gusto ko lang mapagisa ngayon at ayaw ko ng istorbo. Nagising ako ng dumating ang pinsan ko nung gabi. Niyaya nya akong kumain pero tumanggi na ako at sinabing matutulog nalang. I can't tell her what happen. Ang alam nya ay nakatira lang kami ni Russell sa iisang bahay at walang nangyayari sa amin. Mabuti nalang at hindi na nya ako kinulit dahil kung sakali ay baka makita nya ang maga kong mata at kulitin pa nya ako kung anung nangyari.
Friday morning na nang magising ako. Afternoon ang class ko pero maaga parin akong nagising dahil maaga akong natulog kahapon. Binuksan ko ang phone ko at gulat na gulat ako sa dami ng messages na pumasok doon.
Russell:
Cory.
Russell:
Have you arrived home safe?
Russell:
Cory Jane.
Russell:
Cory Jane, talk to me.
Umismid ako. Fuck you to the moon and back, Russell.
Tinapon ko ang cellphone ko sa kama pagkatapos ay bumaba na sa kusina para kumain ng almusal. Naabutan ko si Azariah na nagluluto doon.
"What's for breakfast? I'm starving."
"Bae." Aniya.
Kumunot ang noo ko.
"Bae?"
"Bacon and eggs. What's new?" humalakhak sya. Umismid ako at umiling-iling. Yeah. What's new? God, hindi na ata ako makakakain nang ibang ulam bukod sa bacon and eggs na kayang lutuin ni Azariah. If I were in Russell's house right now, I'm probably eating- Crap. Anu na naman 'tong iniisip ko? What the hell?
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...