Chapter 39

3.2K 98 16
                                    

Chapter 39

Hilo akong gumising kinabukasan. Ginusot-gusot ko pa ang mata ko at nakitang 'yun parin ang suot ko at hindi manlang ako nakapagpalit. Bumukas ang pintuan at mula doon ay nakita kong pumasok si Alec. Doon ko lang narealized na wala ako sa loob ng sarili kong kwarto kundi narito ako ngayon sa loob ng bahay ni Alec.

"Paanung-"

"Hindi mo naalala?" tanung nya at umupo sa gilid ng kama.

Lumunok ako at nagkunot-noo.

"Nasa bar ako kagabi diba?"

"Akala ko tinigil mo na ang pagba-bar. Hindi parin pala." Aniya at binigyan ako ng isang basong tubig at kung anung gamut.

"What this?"

"Effective yan sa hangover." Aniya.

Tinignan ko 'yun at ininom. Medyo naalala ko ang lahat. Oo nga, totoong nagbar ako kagabi. Mag-isa. Madami akong nainom at pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari.

"Paanu ako nakauwi? Tinawagan ka ba ng crew doon?" tanung ko.

Tumahimik si Alec at nagkunot ng noo.

"No. Maling tao ang tinawagan nila."

"Ha?" Naguguluhan kong tanung.

Bumuntong-hininga sya.

"Maling tao ata ang binanggit mo sa kanila." Aniya.

"Sino?" tanung ko

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Nevermind. Let's go downstairs, nagluto ako." Aniya.

Hindi ko narin sya kinulit pa para doon. Kumain kaming dalawa at nagusap katulad ng palagi naming ginagawa.

"Next time, kung gusto mong uminom call me. Pwede namang dito nalang sa bahay. Mas safe pa." Aniya.

"Nakakahiya na sayo."

Natawa sya. "Really? Ngayon ka pa nahiya sakin? Noon, nung naghahabol ka hindi ka nahihiya-"

"Hey! Shut up!" sigaw ko sa kanya.

"Joke lang. Joke lang." Natatawang sabi nya.

Tumigil ako at pinagmamasdan lang si Alec at inisip na bakit kaya hindi nalang sya ulit ang mahalin ko? Sana kaya ko. Oh, baka naman kaya ko talaga pero ayaw ko lang subukan? Isa pa, ayaw kong gawin syang panakip butas kay Russell. That'll hurt him even more.

"What?" Nagtatakang tanung ni Alec ng balingan ako ng tingin.

Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa pagtitig sa kanya. Baka kapag pinagpatuloy ko ang pagtitig, makita ko ulit ang nakita ko sa kanya noon at mahalin ko ulit sya.

Kumunot ang noo ni Alec at inilapit ang sarili nya sa akin.

"Stop giving me false hope, Cory. You know what I feel for you." Aniya.

Kumalabog ang puso ko sa sinabi nya lalo na sa seryoso nyang tingin. Umatras ako at nagkagat-labi.

"Sorry. I was just wondering if-"

"If you can fall in love with me again?" Aniya.

Yumuko ako.

"No. Uhm, J-just.. just forget about it." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya habang pinagmamasdan ako. I feel so uneasy.

"Sorry, Alec."

"I'll be very happy if that happen." Biglang sabi nya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon