Chapter 55
Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko ng dahil doon. Napatakip ako sa bibig ko at tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mga mata ko.
"She's pregnant-"
"And you are the father." Mabilis kong tugon.
Tumigil sya at ginulo-gulo ang kanyang buhok.
"No- Y-yes, I don't.. I don't know!" naguguluhang sabi nya.
Ramdam na ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko sa milyon-milyong parte. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat. Kasi, alam kong wala na talaga. Wala na talaga akong laban pa. Dahil kung totoong buntis si Angel at si Russell ang ama at kailangan ko talagang magpaubaya.
"Cory please. Give me a chance. I'll make everything's right." Nanginig ang boses nya habang lumalapit sa akin. Umiling-iling ako at umatras sa kanya.
"No. No. Russell." Sabi ko.
"Cory, please." Pakiusap nya.
Panay ang iling ko at layo sa kanya. Pinanuod nya lang ako. Malalim ang gabi pero kitang-kita ko ang mga luha sa mata nya. Lumuluha din ako. But, I can't do something about it. We just need to face the truth now. We are not for each other.
Humagulgol ako ng iyak habang patakbong pumupunta sa kwarto namin ni Alec. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto habang nakahawak sa bibig ko para hindi ko sya maistorbo. Pero laking gulat ko ng gising na pala sya at nakaupo sa kama. It's like he's waiting for me.
"A-alec." Nanginig ang boses ko.
"Cory! What happen?" natatarantang tanung ni Alec ng makitang umiiyak ako.
"A-alec let's go home." Hagulgol ko.
"We'll go home tomorrow, Cory. Now, tell me what happen." Aniya.
Umiling-iling ako at humahagulgol na humawak sa suot nyang T-shirt.
"I want to go home now, Alec. P-please." Pakiusap ko.
Hinawakan nya ang kamay kong nanginginig at inilapit ako sa kanya. Nang yakapin nya ako ay mas lalo lang akong naiyak.
"P-please. Please." Paulit-ulit kong sabi.
Nahihiya ako Alec dahil dis oras na ng gabi pero hindi ko na kasi kayang magpaumaga pa doon. Pakiramdam ko, kapag nakita ko pa ang pagmumukha ni Russell ay sasabog na talaga ako sa sama ng loob. Hindi ko na kaya. Sobra-sobra na talaga.
"Delikado ng bumiyahe ng ganitong oras." Ani ni Alec.
"I-I'm sorry. K-kung mag-bus nalang kaya ako? You'll stay here." Sabi ko.
Binalingan nya ako ng tingin.
"Para namang iiwanan kitang magisa." Bulong nya at inilagay ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan.
"Cory!" sabay kaming mapalingon ni Alec ng makita ang boses na 'yun. Nanlaki ang mata ko ng makita si Russell na patakbong lumalapit sa amin. Lumunok ako at binalingan si Alec ng pagbuksan nya ako ng pintuan.
"Cory Jane, get in." matamang sabi nya sa akin.
"Cory, please! Let's talk! Please!" Dinig kong pakiusap ni Russell habang naghihikahos na palapit sa amin.
"CORY JANE! GET IN THE CAR!" Sigaw ni Alec sa akin. Nakita ko ang pamumula ng mata nya sa galit. Lumakad ako papunta sa kanya at pumasok sa loob ng sasakyan katulad ng gusto nya. Binagsak nya ang pintuan para isara. Ang akala ko ay papasok na din sya doon sa driver's seat pero laking gulat ko ng makitang lumakad sya palapit kay Russell at sinalubong ito ng malakas na suntok. Kitang-kita ko ang magarbong magbagsak ni Russell sa lapag. Napatakip ako sa bibig ko ng dahil doon.

BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...